Jeep
Ni Mico AlcantaraSa hindi inaasahan na pagkakataon
Makakasabay pala kita kahapon
Puso ko'y labis ang tuwa
Dahil nakaharap kita at di makapaniwalaHindi ko mapigilang di mapatingin
Sa babaeng araw-araw kong mamahalin
Tinatangay pa ang iyong buhok ng hangin
Na lalong nagpakabog ng aking damdaminHiniling ko na sana maulit
Ang napakagandang pagkakataong iyon
Hiniling ko na sana may susunod pa
Upang lalo akong sumayaHindi rin nagtagal ang pangyayari
Dahil bumaba ka sa tapat ng isang gusali
Sinundan na lamang kita ng tingin
Subalit alam kong hindi mawawala ang ngiti sa akinBuong magdamag ay napakasaya
Buong magdamag ay mukha akong tanga
Buong magdama ay hindi mawala-wala
Ang alaalang hindi ko malilimutan talaga---
![](https://img.wattpad.com/cover/232190400-288-k391084.jpg)
YOU ARE READING
Poems of Mico [COMPLETED]
PoetryMico Alcantara from the College of Architecture, a poet who always write his feelings for the love of his life. He voice out what he feel by getting his pen and notebook. -- Started: July 8, 2020 Finished: July 20, 2020