Indestructible ❤️ - Chapter 1

415 11 0
                                    

If there's one thing I need to do before I die. That would be, writing.

I was a kid when I discovered my talent. Hindi ako magaling sa Science, I loathed Mathematics so much at hindi mo rin ako makikitang nag-eexcel sa English. Pero sa isang bagay lang ako ganado. Sa pagsusulat. Not in academic way kundi mga nobela at tula. 'Yung mga sulating kailangan ng imahinasyon at opinyon na hindi kailangan ng facts. Doon ako masaya.

Hindi rin ako maganda o biniyayaan ng kung anong pwede kong ikaproud sa pisikal na kaanyuan. Dito lang talaga ako sa pagsusulat pwede.

Even when the world turn against me. Literally, tinalikuran ako ng mga taong minsang naging mundo ko. I was a failure. Galit sa 'kin ang mga magulang ko. Imbes na mag-aral at pumasok sa school, I spent my time in a computer shop, doing what? Nagsusulat. Hanggang sa isinumbong ako ng kapatid ko kay Mama. That was when they told me to move out. Kung ako lang naman ang masusunod, hindi ako aalis sa bahay na kinalakihan ko. Hindi ko sila iiwan. Pero ang gulo ng gabing 'yon. Inatake si Mama sa high blood kaya walang nagawa si Papa kundi ang ipagtulakan ako paalis.

Sixteen pa lang ako no'n, first year college. Nagrebelde lang ako dahil hindi nasunod ang gusto kong kurso, 'yung may kinalaman sa pagsusulat. Isang taon akong nagstop sa pag-aaral, akala ko kasi wala na akong patutunguhan. Naging kasambahay ako para lang may makain, hanggang sa pinuntahan ako ni Papa. Hindi siya masaya sa ginagawa ko. Gamit ang natitirang ipon niya mula sa mga sideline, hinanapan niya ako ng bahay na mauupahan. Noong una, akala ko tuloy tuloy na. Pero ayon, umalis din agad si Papa no'n. Iyak ako nang iyak.

"Anong masama sa pagsusulat?"

Paulit-ulit na tanong ko sa sarili sa loob ng ilang araw. Hanggang sa natauhan ako.

"Ano bang ginagawa ko sa buhay ko?" I thought to myself. Nagpursige ako. Nagtrabaho sa isang fast food chain, nag-ipon saka inienroll ang sarili sa kursong gusto ko. Naisip kong mas okay 'to, walang mandidikta sa 'kin. Makakapagsulat ako kahit gabi pa 'yan o madaling araw.

Kaya walang kapantay ang tuwa ko nang nakagraduate ako. Finally, kaya ko nang buhayin ang sarili ko. Dahil sa larangan ng pagsusulat ako magaling, nagkaroon agad ako ng trabaho. Isa akong editor sa isang publishing company.

Nakaya ko namang mag-isa, kaya hindi ko maintindihan kung bakit biglang gusto nila akong makita. Nakausap ko rin kasi si Adele kahapon, miss na miss na raw ako ni Mama at Papa pero alam ko namang sinabi niya lang 'yon para mapapunta ako ro'n.

Inabala ko na lang ang sarili sa pagbabasa at pag-eedit ng content ng story na kasalukuyang project namin ngayon.

Nagitla ako nang makarinig ng katok sa mesa ko. "Oy Ara, akala ko ba may pupuntahan ka pang family reunion?" Tanong ni Annie, isa sa katrabaho at ang nag-iisang kaibigan ko. May bago kasing nahire na editor kaya merong pawelcome party.

Nag-angat naman ako ng tingin sa kaniya. Abala siya sa paglalagay ng foundation at ng kung ano-anong kolorete sa mukha.

"Oo mamaya." Untag ko kahit na wala naman talaga akong balak pumunta doon. Ayoko sa mga party. Wala naman kasi talaga akong mapapala roon. Ginawa ko lang excuse 'yung family reunion pero wala talaga akong balak na pumunta ro'n. Magiging tampulan na naman kasi ako ng chismis ng mga Tita ko.

Nagvibrate ang cellphone ko kaya agad kong sinulyapan 'yon. Mabuti na lang at patapos na rin 'tong storyang ineedit ko.

"Ate, pupunta ka ba? Kanina ka pa hinihintay nila Mama." 'yon ang laman ng text galing sa kapatid kong si Adele. Napatingin ako sa kalendaryo. May 13, ewan ko ba pero 'yon ang date ng family reunion nila. Birthday kasi 'yon ni Lola at Lolo. Yeah, surprisingly magkabirthday sila, nagkaiba lang sa year. In-off ko na ang computer saka inilagay sa bag ang mga gamit ko.

Indestructible LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon