Indestructible ❤️ - Chapter 37

26 4 1
                                    

Napakunot noo ako habang pinagmamasdan si Annie. Ilang araw na ang nakalipas mula no'ng birthday celebration ni Sir Calvin at heto, napapansin kong kakaiba kung umakto si Annie. Para bang marami siyang iniisip. Hindi 'yon halata kapag kasama namin sina Benj pero kapag nasa mesa na siya at nagtatrabaho, madalas ko siyang nakikitang tulala. Ilang taon na kaming magkatrabaho at magkaibigan kaya natural lang naman sigurong mapansin kong kakaiba siya these days.

"Annie." Pagtawag ko. Gulat siyang napatingin sa akin. More than 5 minutes na yata siyang nakatitig lang sa monitor ng computer niya.

"H-ha? Bakit?"

"Coffee break?" Tanong ko. Tumango siya saka sumunod sa akin.

Pagdating doon, tulala na naman siya. Napabuntong hininga na lang ako saka siya hinarap.

"May problema ka ba?"

"Wala ah... Wala." Aniya saka nag-iwas ng tingin. Hindi niya rin ako matitigan ng matagal sa mata and by that, alam kong mayroon siyang hindi sinasabi sa akin.

"Annie, ilang araw na kitang napapansin. Ano bang meron?" Nagkatitigan kami ni Annie. Para bang staring contest 'yon, kung sinong unang bumigay siyang talo. Napayuko siya saka ko na lang namalayan na umiiyak na siya.

"Uy, anong nangyari... Annie?" Nag-angat siya ng tingin. Iyak siya nang iyak kaya bigla akong naalarma. Hindi ko alam kung family problem ba o boyfriend. Pero sa pagkakaalam ko, wala siyang boyfriend sa ngayon.

"Arabella, hindi ko alam kung anong gagawin." Aniya saka ako niyakap. Napabuntong hininga na lang ako saka hinaplos ang likod niya. Nasa ganoong posisyon kami nang matagal.

May mangilan-ilan nga kaming katrabaho na nagtitimpla ng kape at ang weird ng tingin nila sa amin. Natatawa na lang ako dahil ang dami naming memories ni Annie sa kitchen na 'to. Dito kami madalas nakakaroon ng heart to heart talk.

"Okay ka na?" Inabutan ko siya ng tubig. "Inom ka muna." Tinanggap niya rin naman agad 'yon.

"Arabella," nakayuko siya at parang nahihiya sa sasabihin. "Si Leo..."

"Ano?"

"We had sex noong birthday ni Sir Calvin."

"Ano?!" Gulat na saad ko. Napataas pa nga yata ang boses ko. Sa pagkakaalam ko, virgin pa si Annie kahit na nakalimang ex-boyfriend siya. Hindi ko akalain na ibibigay niya 'yon sa isang stranger. Although kaibigan naman 'yon ni Sir Calvin, hindi naman namin siya kilala.

"H-hindi ko alam kung anong gagawin. Gumamit naman siya ng condom e... Pero kasi... Kasi... hindi na siya maalis pa sa isip ko..." Putol-putol niyang sabi. Medyo nakahinga naman ako ng maluwag nang marinig na gumamit sila ng protection. Ayoko namang maging instant ninang agad.

"E ano bang problema mo bukod sa nawala na ang virginity?"

"Mahal ko na yata siya, Arabella."

"Ano?!" Napayuko siya. Jusko. Sino ba namang maiinlove sa lalaking isang beses niya lang nakita.

"Annie naman." Napatampal na lang ako sa noo. Naloloka na ako masyado sa kaibigan kong 'to. Kilala ko kasi siya sa pagiging playgirl kaya nakakagulat na biglang aamin siyang inlove siya sa isang estranghero.

"Sabi niya we'll do it just once. Hindi na raw kami magkikita pa ulit. Hindi ko rin nakuha ang number niya. Anong gagawin ko?" Problemadong saad niya saka itinakip ang dalawang kamay sa mukha niya.

"Mahal mo agad? Jusko naman Annie. Bakit isinuko mo 'yang perlas ng silanganan mo para lang sa isang estranghero."

"Gwapong estranghero. Saka hindi naman totally stranger, kaibigan siya ni Sir Calvin at Leo ang pangalan niya." Napapailing na lang ako dahil kahit namomroblema siya, inaadmire niya pa rin ang Leo na 'yon na tingin ko'y isang play boy. Halata naman sa dimple niya at makalaglag panty na ngiti, ayon kina Myla.

Indestructible LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon