Indestructible ❤️ - Chapter 2

153 6 0
                                    

Napahawak ako sa sentido habang pilit kinakalma ang sarili. Alam ko sa sariling masyadong maiksi ang pasensya ko, but this guy? He won't just stop. Nakakainis. Mula nang magcomment siya, sunod sunod na 'yon and it's annoying the hell out of me. Ilang linggo na siyang panay comment sa mga posts at stories ko. Hindi ko pinapansin dahil ayokong patulan, baka mamaya niyan isang bored na bata lang. Pero may mga tao talagang tulad niya na hindi titigil hangga't hindi nauupos ang pasensya mo.

RAVEN
ang cheesy

2 hrs ago... Like • Reply

RAVEN
ang mais. i suggest you should stop eating corns for dinner and breakfast. hindi healthy, lalo na kung ganto ang kalalabasan hahaha

2 hrs ago... Like • Reply

Sa sobrang pagkairita, pinindot ko ang profile niya. Wala akong ibang nakita kundi ang "no posts". Maging sa information niya, halos wala akong makita. Masyadong private ang account niya. Isang lalaking nakatalikod naman ang laman ng profile picture niya. Mahahalata sa itsura no'n ang karangyaan sa buhay. Bible verse naman ang nakalagay sa covered photo niya at mga shots ng mga tanawin ang nasa featured photos. Sure I was intimidated by his aura, feeling ko tuloy may karapatan siya para ganunin ang mga story na pinaghihirapan kong isulat. Pero baka naman fake account lang 'tong gamit niya. Baka naman poser lang siya. Baka nga mamaya niyan nakaw lang ang mga picture na nakadisplay sa account niya. Napatango na lang ako.

"Balak mo pa akong i-bash ha? Bwisit kang poser ka." Bulong ko habang inuunat ang mga braso.

Nagtipa ako ng mensahe sa paraang alam kong hindi ako makakahanap ng kaaway.

RAVEN
You're not connected on Facebook
7:31 PM

Arabella: Hey, if you have a problem with my stories pwede mo namang hindi basahin. You can always block me.

Napabuntong hininga ako habang binabasa ang message na sinend ko sa kaniya. Siguro naman okay na 'yang chat ko. Pasalamat nga siya at hindi ko siya minumura e. Ang bait pa nga yata ng approach ko sa kaniya. Aana lang talaga tigilan niya na ako. Hindi naman kasi nakakatuwa 'yang mga comments niya. Nakakadiscouraged.

Natigilan ako nang makitang nakapagreply agad siya.

"Wow. Ang bilis." Untag ko habang binubuksan ang reply niya. Wala bang ginagawa 'to at parang laging online?

RAVEN
You're not connected on Facebook.
7:31 PM

Arabella: Hey, if you have a problem with my stories pwede mo namang hindi basahin. You can always block me.

7:34 PM

You can now call each other and see information like Active Status and when you've read messages.

Raven: ha?

Arabella: You can read my message
Arabella: Sa taas.

Raven: hakdog?

Arabella: Wow.

Raven: yes? is there anything i can do for you?

Arabella: Seriously? Can you stop commenting negatively about my stories? Sinisiraan mo ako.

Raven: OA naman

Arabella: Can't you just say sorry? Inaano ba kita at ng mga story ko?

Raven: wala naman. bored lang ako

Indestructible LoveWhere stories live. Discover now