Indestructible ❤️ - Chapter 13

35 4 0
                                    

Nanatili akong nakahiga sa kama habang nakatalukbong ng kumot. Patay naman ang electric fan pero sobra pa rin akong nilalamig. Umalis din naman agad sina Sir at Annie dahil nga baka makasuhan sila na nag-AWOL, kahit na nagpaalam naman si Sir.

Sabi ni Annie ay babalik daw siya para dalhan ako ng pagkain. Grabe nga 'yung sermon na inabot ko dahil wala man lang daw kalaman-laman ang bahay ko. Wala rin naman kasi akong refrigerator at isa pa, nagpapadala ako kina Mama kahit papaano. Kaunting tulong pa rin kahit alam kong 'di nila 'yon kailangan.

Napabuntong hininga ako. Wala akong magawa. Ni hindi ko nga nabitbit ang bag ko, nandoon ang phone ko. Hindi ko na rin naisave 'yung story kahit na wala akong naidagdag doon ngayong araw.

"Aish." Dahil sa lagnat na 'to mukhang mababawasan pa ang sweldo ko. Napaupo ako nang makarinig ng katok sa pinto galing sala. Bukas kasi ang pinto ko sa kwarto kaya nasisilip ko. Maya-maya pa'y may pumihit sa door knob, bumungad sa 'kin ang mukha ni Sir Calvin. May dala siyang mga plastic sa tig kabilaan. Hindi naman sa nag-assume ako pero para sa 'kin kaya 'yon?

"Hindi na. Mahiga ka na lang diyan." Sabi niya saka dumiretso sa kusina. "I-lock mo naman ang pinto mo." Rinig kong sabi niya.

Tumayo na lang din ako saka naglakad papuntang kusina habang balot na balot ng kumot. Bahala nang marumihan 'to. Lalabhan ko na lang.

"Hindi ka na dapat tumayo pa." Aniya saka ako hinarap.

"Sir---"

Nginitian niya 'ko. "Calvin na lang." Napalunok ako ng sariling laway saka napaiwas ng tingin. Bakit ba biglang ang bait niya. O mabait naman siguro talaga siya. Kaya nga gustong-gusto siya ng mga katrabaho ko e.

"Sir," natigil ako sa pagsasalita nang tinaasan niya 'ko ng kilay. "Calvin." Napaangat ang sulok ng labi niya nang marinig 'yon.

"Bumalik ka na lang doon sa kwarto mo."

"May lagnat lang ako pero hindi naman ako baldado." Sagot ko kaya natawa siya. Bakit ba ang hilig niya 'kong pagtawanan as if nagjojoke ako? Labo niya.

"Sir--- Calvin, ako na lang. Uwi na kayo sige na." Nakangiting saad ko. Ayoko sanang ipahalata na ayokong nandito siya sa bahay ko pero parang gano'n pa rin ang dating. Tinawanan niya lang ako bago niya inilabas ang mga pinamili niya.

"Ang dami naman niyan. Magkano ba 'yan?" Pang-uusisa ko habang nakatingin sa mga pinimili niya. Kaloka. Bumili siya ng gatas, kape, milo at kung ano ano pa. May oat meal pa akong nakita. May mga biscuit.

"Hindi na." Tumigil siya saglit. "Sige, mga kalahati na lang ang bayaran mo." Aniya saka ulit ako nginitian. Bakit ba lagi siyang ngumingiti ngayon? Akala ko ba seryoso siyang tao na tipid lang kung ngumiti. Ang gulo niya.

"Bukas ko pa siguro mababayaran."

"'wag ka na munang pumasok bukas." Nagtataka ko siyang tiningnan. Jusme, may lagnat nga ako pero grabe naman ang OA. Parang mamamatay na ako kung umasta sila.

"Buti na lang wala akong biniling lulutuin." Aniya habang tinitingnan ang bakante kong lababo.

"E ba't ba kasi pumunta kayo rito. Nakakahiya. Wala man lang akong maiooffer sa 'yo. Saka akala ko ba si Annie ang babalik?"

"Busy raw siya." Napabuntong hininga na lang ako saka siya tinulungan.

"Ako na." Tinabing niya lang ang kamay ko kaya ayon, hinayaan ko na lang. Isa-isa niyang nilagay sa cabinet ang mga pagkaing pinamili niya. Kaloka. Mas feminine pa siya sa 'kin mag-ayos! Kung ako, basta ko lang nilalagay kung saan mga pinamimili ko, sa kaniya sobrang organize.

"Wow." Manghang saad ko habang nakikisilip sa inayos niya. Isinalin niya na rin ang iba sa mga lalagyan na available.

"May talent ka siguro sa kusina." Saad ko na sinagot niya lang ng ngiti. Pati ang mga kalat ay nilagay niya sa iisang plastic, aniya'y isasabay niya na lang sa labas.

Indestructible LoveWhere stories live. Discover now