RAVEN
4:15 AMRaven: good morning
Arabella: Kailan ka pa nagbirthday?
Raven: wow hahhaa
Raven: good morning din sakin
Arabella: Raven.
Raven: hulaan mo hahaha
Arabella: Hindi ako manghuhula.
Raven: edi wag na lang hahhaha
Arabella: Kailan nga?
Raven: secret hahaha
Arabella: I'll block you.
Raven: grabe 😿
Arabella: Ano?
Raven: bat laging gusto mo ko iblock 😿
Arabella: Kailan nga?
Raven: basta hahahha
Arabella: .
Raven: bat gusto mong malaman
Arabella: Gusto ko lang. Kailan nga?
Raven: hahahha
Raven: gotta go
Arabella: I'm telling you, iba-block talaga kita.
Raven: joke
Arabella: Ano nga?
Raven: june 1 hahaha
Arabella: 'Yung totoo?
Raven: yon nga hahha
Arabella: Taga san ka?
Raven: malayo hahhaha
Arabella: Saang malayo?
Raven: diyan lang
Arabella: Ang gulo mo kausap.
Raven: 😹
Raven: sige na hahha
Raven: mag aasikaso pa ko
Raven: dont skip your breakfast
seen at 4:39 AMNapaupo na lang ako nang maayos saka ako tuluyang bumangon. Nakakainis. Hindi man lang ako aware na nagbirthday siya. Ang hirap niyang basahin. Masyado kaming opposite. Sa sobrang babaw ko, 'yon namang ikinalalim niya. Kung sobrang open ako, siya naman ay sobrang selyado.
"Walang laman." Untag ko nang makitang walang wala na sa cabinet sa kusina. Ubos na rin ang kape. Dahil nga mag-isa lang ako rito, wala akong ibang binibili kundi kape at iilang mga kailangan gaya ng sabon at shampoo, pero walang pagkain. Bigla tuloy akong napaisip. Buti at nakakasurvive ako nang walang kahit ano sa kusina. Kahit isang butil ng bigas ay wala. Iginala ko ang paningin sa kabuuan ng kusina. Dalawang tasa lang ang nakalabas, iilang piraso ng plato at kutsara. Walang kaldero. Hindi ko talaga alam kung paano ako nakakasurvive na ganito. Kung sabagay, palagi namang binili ang kinakain ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/231062445-288-k259653.jpg)
CZYTASZ
Indestructible Love
RomanceSTATUS: COMPLETED [Behind The Screen Series #1] Arabella is an online writer and an editor in a Publishing Company who seemed to disappoint everybody around her. Even though she's already in her late 20's, she still fails to get a boyfriend. Then on...