12

825 79 25
                                    

Shan's POV

LUMIPAS ang isang linggo simula
ng magka-usap kami ni Manang Olive at sobrang saya ko dahil hindi nako natatakot sa kanya at nakilala ko ang totoong siya.

Akala ko kasi talaga may Miss Minchin na dito sa bahay! Ganun na ganun ang asta niya eh!
Kaso mataba lang sya at walang salamin sa mata!

"Tsk...Manang, Manang." sabi ko habang nakahawak ang isang kamay ko sa baba ko at inaalala
ang nangyari.

FLASHBACK

"Nais kong ipaintindi sayo ang ginawa ko noong nakaraang araw. Hindi ko intensyong kagalitan mo ako. Ayoko lang
sa lahat ang labis na pagiging mabait mo sa ibang tao. Naintindihan mo?" sabi nya habang nandito kami sa garden.

Hindi ko pa din mapigilan kabahan sa kanya kasi ganun pa din ang boses nya. Mukhang Miss
Michin eh!

"Gusto ko lang naman po maging close ang mga Inday eh. Hindi naman po siguro basehan ang estado sa pagiging kaibigan? Yan ang turo sa akin ng Lola ko, Manang." paliwanag ko.

Rinig ko ang malakas niyang pag-buntong hininga.
"Hindi lahat ng kabaitan ay susuklian din ng kabaitan dahil may mga taong abusado." sabi niya.

"Pero Manang, nakakasama
ko sila, kayo sa bahay. Alam ko naman po kung gagaguhin ba ako o hindi eh!" sabi ko na nakatingin na ng diretso sa mga
mata niya.

"Manang-mana ka talaga sa Lola mo! Ano pa bang magagawa ko? Sige, bahala ka!" sabi nito sabay iwas ng tingin sa akin.

Lumapit ako sa kanya at agad siyang niyakap. "Alam ko ho na concern lang kayo, Manang. Pero ako ni, si Shantelle! Kabalo ko kung mu-apas ang tao sa akoa para lang ba sa ilahang gusto!" sabi ko sa kanya.

"Ikaw ra bahala basta gaingon ko nimo karon na unsahay imong huna-hunaon diri lang ko, mu-tabang sa imo!" sabi nya na ikinangiti ko.

Naintindihan nyo ba? Malamang hindi! Hahaha basta ang sabi nya lagi syang nanjan para sa akin!

"Bati na tayo, Manang ah? Sorry kasi di ko alam na ikaw pala yung nag-alaga sakin nung 4 years old pa ako. Love you!" sabi ko habang yakap pa din sya.

"MAHAL ko din kayo ng pamilya mo, lalo ka na!" sabi nya.

"Basta Manang payag ka Badiday tawag ng mga Inday sa akin ha?" sabi ko na agad kumalas ng yakap sa kanya

"Ambot sa imo, Shantelle. Unsang ngalan man gani yan!" sabi nya habang ginugulo ang buhok ko.

Napangisi nalang ako. AKO SI BADIDAY, ANAK NI INDAY!

END OF FLASHBACK

"BADIDAY! SHANN!"

Napakurap ang mga mata ko bago tumingin sa harap ko.

It All Started with a Prank (SEASON 1)Where stories live. Discover now