40

606 52 19
                                    

A/N: Hi guys especially you Zyialy_My! Baka malito po kayo sa name ni Cassandra ha? Si Cass and Shan ay IISA lang po.

Enjoy reading❤️

SHAN'S POV

Hindi ko na maramdaman pa ang katawan ko. Para bang namanhid na ito sa bawat sakit na natatamo sa kamay ng mga desperadang babaeng nasa harap ko.

Gano'n nalang ba ang pagkagusto nila sa grupong iyon para manakit ng kagaya ko?

Walang sawang sampal, sabunot at walang tigil din na pagtadyak ang ginagawa nila sa akin. Kahit pa matumba ako ay patuloy pa rin sila sa pananakit sa akin.

Ano bang kasalanan ko sa mga ito? Bakit nila ako ginaganito?

"I already warned you in the first place, right? But you didn't listen! Now, move and show me how strong you are?
Di'ba gan'yan ka naman sa harap nila Kev? Why don't you try to hurt me again? Or else you just did it because Power of Eight are watching?" sabi nito habang nakapatong ang mahabang heels niya sa tiyan ko.

Habang ako, nakasalampak na sa
semento na para bang nakahiga sa tapat ng araw.

"T-tapos k-ka na?" hirap kong sabi habang nakatingin sa liwanag ng araw na para bang mahahawakan ko ito ng gano'n gano'n lang.

"Well, I'm not." sabi niya at muli
akong itinayo na para bang isang
sako lang ng semento.

"OH MY! SHE'S KAWAWA!"

"WALA NAMAN SIYANG GINAWANG BAD DIBA?"

"I'M SURE INSECURE LANG 'YANG SI ALLIYAH KAYA GAN'YAN!"

"SHE'S KIND KAYA, MINSAN KO NA SIYANG NAKAUSAP AND SHE'S VERY APPROACHABLE."

Halos kumurap-kurap na ang mga mata ko dahil nasisiguro kong puno na ito ng mga luha.

Pagod na ako kaya sana tumigil na siya..

"Let end this with a greatest prank of all!" sabi niya habang hawak ang kwelyo ko. "KINDLY HELP ME, GIRLS! SHE'S LANTA NA!" sigaw niya pa sa mga kasama.

Nagsilapit naman sa amin ang mga babae at parang diring-diri pa ng hawakan ang mga braso ko.

Gusto ko ng ipikit ang mga mata ko pero hindi puwede! Kailangan kong malaman ang susunod na gagawin ng bruhang ito sa akin.

"Lagi mong tatandaan na hindi sa lahat ng oras kailangang mabait at mapag-ubaya ka, lumaban ka kung kinakailangan, iyan ang lagi mong tatandaan, Shantelle."

"Ang lolo ay handang ipagtanggol ka hangga't kaya ko pa, pero kailangan mong masanay na proteksyonan ang sarili mo dahil wala ako sa tabi mo anumang oras, Apo."

Unti-unting nagsipatakan ang mga luha ko nang muling maalala ang mga payo sa akin ni Lolo at Lola.

Bakit kung kailan ako nasa sitwasyon na ito ay ngayon ko lang talaga maalala?

Hindi ko namalayang nakagapos na pala ang mga kamay ko at nakasandal na ako sa isang malaking board.

"EVERYONE! YOU ARE ALL  WITNESS THE GREATEST PRANK AMONG THE OTHERS!
I AM GIVEN YOU A CHANCE TO THROW ANYTHING ON HER!"

It All Started with a Prank (SEASON 1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang