110

656 33 34
                                    

A/N: Enjoy reading!

CONTINUATION OF SHAN'S
POV


"Shan, after this we'll be going
home agad ha?" paninigurado ni Kuya Cal na tanong sa akin habang nagmamaneho.


"Oo ya," tipid kong sagot dahil patuloy na sumasagi sa aking isip ang maaaring mangyari ngayon once na kausapin ko siya. Hindi p'wedeng umiyak ulit ako sa harap niya at ipakitang mahina
ang puso ko kapag siya ang dahilan.

Kung gusto niya talagang itigil
na ang namamagitan sa amin, siguro kailangan ko rin munang
alamin ang dahilan para hindi
na ako maguluhan.


"Shan, I'm sorry because we promised to protect you but
it ended with nothing. You feel hurt pa rin by someone you loved." sabi ni Kuya Vi na nasa shot gun seat na nakatingin sa rear mirror.


Gustong-gusto kong umiyak pero
mas pipiliin kong tatagan ang loob ko dahil alam kong may hangganan din ito, at ito na iyon.


Dahil ayoko na at sawang-sawa na ako masaktan.


"Naintindihan ko naman," sabi ko habang nakatingin sa labas ng bintana ng sasakyan. "Hindi sa lahat ng oras ay masaya lang ang pag-ibig, mayroon din itong
dalang sakit na magdudulot ng
rason para maging maayos ako,
tayong mga tao," dagdag kong sabi bago punasan ang luhang nagbabadyang tumulo sa aking
pisngi.


Hindi ko talaga inaasahan na mangyayari ito, na tila ba nasa isa akong panaginip na gusto na
lamang magising.


"Sadyang hindi ko lang talaga
napaghandaan ang ganitong klase ng sakit na ngayon ko
lang naramdaman, Kuys." sabi ko at tuluyan nang nagsipatak ang luha na mula sa aking mga
mata. "Para bang dinurog at
piniga ang puso ko, sa sobrang
sakit na nararamdaman ko."


Biglang napahinto ang sasakyan kaya napatingin ako sa labas, 'di ko namalayan na narito na kami sa parking lot sa may exit gate. Inayos ko ang aking sarili at agad
ding pinunasan ang mga luha sa aking mata.


Kailangan ko siyang harapin at
marinig mismo sa kanya ang salitang "Ayaw ko na sa'yo,"


"OH EM! ANG MGA DE CELLIS OH! DON'T TELL ME THEY ARE GOING TO SAY SOMETHING IN
THE MEDIAS!"


"CLARIFICATION I THINK!"


"THEY MUST DO IT! TO CLEAN THE NAME OF CASSANDRA,"


Anong meron sa pangalan ko? May mantsa or dumi ba at kailangan na linisin?

It All Started with a Prank (SEASON 1)Where stories live. Discover now