30

787 87 58
                                    

Shan's POV

Lumipas ang isang linggo at patuloy pa rin si Kevin sa mga pakulo nito katulad ng sinabi ng tropa niya.

Aba'y pursigido talaga siyang makipag-ayos sa akin na lubos kong ikinatutuwa.

Dahil hindi na ako ginugulo ng mga alipin o fanatics nya!

"Nandito na tayo, cess. "

Napatingin ako kay Mang J na kanina pa pala nakatingin sa akin.

Lutang ka na naman Shantelle!

"Ah eh--salamat po. Kitakits mamaya!" sabi ko sabay baba sa sasakyan at diretso sa gate nang harangan ako ng guard.

"Sa exit gate po ang diretso, Ma'am." ani nito na agad kong ikina-kunot ng noo.

Tulad na tulad to sa ginawa niya sa akin dati eh!

"Aba Manong! Scammer ka na naman eh! Alam nyo ho bang tinawag tong entrance gate, kasi ito ang pasukan at hindi ang exit gate?" sabi ko pa habang nakapameywang.

Nakita kong napakamot ito ng ulo sabay iwas ng tingin sa akin.

"Papasukin nyo ho ako kundi isusumbong ko kayo sa Kuya kong CEO!" sabi ko dahilan para buksan niya ang gate.

Hindi naman sa nagmamayabang pero parang ganun na nga!(◠‿◕)

Madali akong tumakbo papuntang room dahil baka kung ano na naman ang gawin sa akin ng mga alipin ng Kevin na iyon.

Ngunit iba ang nadatnan ko sa corridor ng room.

Hulaan nyo?

Napatakip ako sa mga mata nang makita ko ang isang lalaki at babae na naghahalikan, tila mga nakapikit pa at ninanamnam ang
ginagawa.

Juskoo lola ko! Mismong sa corridor pa talaga!

"Did you like it?"

Naestatwa ako sa kinatatayuan ko ng marinig at makita ang
mukha ng lalaking ito.

Bakit ganito siya? Hindi ko inaakala to!

"Let's make more, baby." sabi ng babae na animo'y nang-aakit pa.

Sana pala sumunod nalang ako kay Manong! Edi sana hindi ako nainggit. CHAROT!

"Cassandra.."

Napakurap ang mga mata ko ng tawagin nya ang pangalan ko.

Ngano man nakit-an nako ni!

"U-uyy!" sabi ko sabay taas ng kamay. "W-wala akong ginawa! M-may nakita, O-oo." sabi ko sabay iwas ng tingin sa kanila.

Rinig ko ang mahinang tawa niya pero dineadma ko lang. Hindi ko alam paano makakaalis sa pwesto ko lalo pa't nasa gilid lang sila ng room at madadaanan ko sila.

"We'll talk later, Niña. You may go." rinig kong sabi niya kaya napatingin na ako ulit pero ayun na naman sila sa halikan eh!

Yung mata ko, sirang sira na ang
kainosentehan!

"Cass.." tawag niya matapos gawin yon at agad lumapit sa akin.

"Jusko! Lumayo ka, Paul!" sabi ko habang umaatras. He just smiled.

"Chill, I won't do that thing to you. You're not my type." sabi nya na agad tumigil sa paglapit
sa akin.

Mabuti ng malinaw no!

It All Started with a Prank (SEASON 1)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora