24

742 71 26
                                    

Shan's POV

MATAPOS ang klase ay niyaya ko sina Kaila at Sheilane sa bahay. Gusto ko sila makilala pa ng lubos dahil sa tingin ko, magiging
maayos ang daloy ng friendship namin.

"Sasabay nalang ako kay Kaila, Cass. We'll follow you nalang!" sabi ni Shei sabay pasok sa sasakyan ni Kaila.

Agad naman akong pumasok sa sasakyan namin at tumingin kay Mang J na nakatingin din pala sa akin.

"Napapansin ko cess, lagi ka nalang naka-civilian ah? Mag-isang linggo na yan, may dapat ba kaming ikabahala?" diretsong tanong nya sa akin.

Juskoo! Basin ilaha ning ikwento kay Kuya at Mama. Dili uy!

"Ah e-eh kasi Mang J, special daw ako kaya ganon! Tsaka nga pala, may kasama ho ako paguwi sa bahay. Mga bago kong kaibigan." sabi ko sabay tingin sa likod.

Nakasunod ang sasakyan ni Kaila sa amin.

"Walang kaso, cess. Huwag lang talaga namin ikaw hayaan na masaktan. Dahil iyan ang kabilin-bilinan nila Sir at Ma'am sa amin." sabi ni Mang J
habang nakatingin sa daan.

Napayuko ako. Hindi pala talaga nila dapat malaman ang mga nangyayari sa akin. Ayoko sila madamay.

*********

Lumipas ang kinse minutos, narating namin ang bahay. Agad akong bumaba at sinalubong sina Kaila at Sheilane.


"Oh my! You're really a rich one, Cass." sabi ni Shei habang nakatingin sa bahay.

"Mga magulang at Kuya ko lang. Hindi naman ako lumaki sa ganitong estado." sabi ko sabay tingin kay Kaila na kababa ba lang sa kotse niya.

"Kamag-anak mo nga talaga ang De Cellis World Company." sabi ni Kaila sa akin.

"Badi! Hali na kayo rito! May
naghihintay sayo." tawag ni Inday Su sa amin kaya inaya ko
na sila papasok sa bahay.

Nang makarating sa sala, bumungad sa akin si Kuya Cali at Vinz na may dala dalang kumpol na bulaklak at kahon ng tsokolate.

Sino naman kaya liligawan ng mga ito?

"Shan!!" sabi nilang dalawa sabay salubong sa akin para yakapin ako.

"Aray naman!" sabi ko habang yakap ni Kuya Cali na sobrang higpit ng yakap sa akin.

Nang kumalas siya, tinadtad naman ako ni Kuya Vinz ng halik sa buong mukha ko pwera lang sa labi.

Ganito ba talaga sila pag naka-kamiss? Sobrang hard eh!

"We missed you a lot! Oh," sabi ni Cali sabay tingin sa likod ko.
"You have a visitors? Take a sit lovely ladies." dagdag niya kaya
napatingin ako sa dalawa.

Anong nangyari? Bakit sila namumula?

"Mga maskulado kong kuya,
si Shei at Kaila. Mga classmate at kaibigan ko na din." pakilala ko sa dalawa na nag-ayos pa ng mga buhok.

Kamag-anak ba sila ng pabebe girls? Joke lang!

"Hey, I'm Vinz Lohr. Nice to meet the two of you, have a sit!" aya ni Vinz sa kanila na agad naman nagsiupo.

It All Started with a Prank (SEASON 1)Where stories live. Discover now