KABANATA 22

34.3K 885 117
                                    

KABANATA 22: HUSBAND

IDINILAT KO ang mata at agad na sumalubong sa akin ang amoy ng medicina at ang puting pader.

Nasaan ako?

Inikot ko ang paningin saka at huminto ito kila mom at dad na nakaupo sa may sofa at mukhang malalim ang iniisip.

Nasa gilid naman si Kendall at may kausap sa phone.

"Mom?" Tawag ko rito.

"Oh my god! Avi, how are you feeling? are you okay now?" Agad na tanong nito at lumapit sa akin.

"Why? Ah, nasaan po ako?"i asked.

Agad na bumalik ang ala-ala ko kanina, i lost my conscious earlier.

"Si Grant?"Tanong ko.

"He's on his way to save Dylan, you know what Avi you need to rest, kailangan yan ng baby mo at ikaw."sabi ni mommy.

"Baby?" Tanong ko uli.

Napatingin ako sa tyan at hinawakan ito.

"You're 4 weeks pregnant anak, and sabi ni Grant na hindi ka daw muna palalabasin sa hospital habang wala siya."Sabi ni Dad.

He's out there saving our son while me? Anong gagawin ko rito? I need to do something!

"I need to go mom!" Sabi ko at tinanggal ang pagkakatusok ng iv sa kamay at pilit na tumayo pero pinigilan nila ako.

"No! Hindi ka pweding umalis makakasama sa baby mo!"pigil ni mom.

"Pero mom, hindi ko sila pweding pabayaan mommy, please ayokong-" humikbi ako habang dahan-dahan tumulo ang luha sa mata ko.

"A-ayokong mawala sila mom."umiiyak na sabi ko.

Tumingin sa gawi ko si Kendall.

"Let her tita, makakasama rin naman sa kanya kung dito siya at iyak nang iyak hindi ba?" Pangungumbinsi ni Kendall at kinindatan ako.

"No, she will stay and that's final." Maawtoridad na ani ni Dad saka na tumalikod at bumalik sa sofa.

"Mommy please..."pagmamakaawa ko.

Ngumiti na lamang si mom at tumango.

"Naiintindihan kita Avi, pero mas important rito ang kapakanan ng bata na nasa sinapupunan ko anak, makinig ka nalang muna okay? Magiging ligtas silang dalawa, besides tumulong din ang kaibigan mong si Nikki at ang boyfriend niya."Pagpapagaan ni mommy sa loob ko.

No! Kailangan may gawin ako, hindi ko sila pweding pabayaan.

--

Mayamaya umuwi saglit sila mom para kumuha ng gamit nila at dito matutulog kaya ito na ang oportunidad kong makaalis at puntahan sila.

Si Kendall lang ang kasama ko buti nalang at hinayaan niya ako makalabas at pinahirap ng damit niyang extra.

"Thank you for this Ken."pasasalamat ko.

"Quits na tayo."she winked

Nginitian ko na lamang siya saka na umalis.

Unang akong nagtungo sa condo para kuhanin ang cellphone, buti nalang at may mensahe si Nikki about sa location nila ilang oras na ang nakakalipas.

Nagmadali akong umalis at kinuha ang susi ng kotse sa gilid ng kama at nagtungo na sa parking space.

Nagdrive ako papunta sa location na ibinigay ni Nikki, nasa isang cargo ship sila medyo malayo rito.

Binilisan ko ang pagdadrive.

"I'm sorry baby, kapit ka lang muna kay mommy we will save your kuya and daddy okay? Hold on tight."sabi ko sa sarili habang iniisip ang kaligtasan nang anak.

Ang kailangan ko lang ay iwasang masuntok at tyan para hindi ako makunan at iba pa.

Nang makapunta doon puro putok nang baril ang narinig ko, pinark ko sa malayo ang sasakyan na ginamit saka dahan-dahan naglakad at agad na nagtago ng makitang may papunta sa pwesto ko.

"Doon na tayo sa yatch! Papagalitan tayo ni Boss at ni Ma'am Nikki nyan." Narinig kong sabi nung isa, agad akong lumabas at nagulat sila dahil sa pagsulpot ko tinutukan pa nila ako ng baril.

"I'm Nikki's bestfriend."sabi ko agad.

"Pano namin masisigurong kaibigan ka nga ni Ma'am at hindi kalaban?" He asked.

I scan for our photo in my phone at pinakita sa kanila iyon.

"Kaibigan nga."sabi nung isa.

"Sumunod ka nalang po sa amin, sa likod ka lang para hindi ka mapahamak."sabi nung isa.

"Nakuha ba nila ang anak ko?" Tanong ko.

"Ligtas na po ang bata at nasa kamay na ni Ma'am Nikki, yung lalaki naman po ay nandoon parin sa yate at nakikipaglaban."Sabi nung isa.

Nakita ko ang mga patay na katawan sa gilid tuwing na dadaanan namin.

"Ma'am Nikki!"Sigaw nung isa, napatingin sa gawi namin si Nikki at nanlalaki ang matang tiningnan ako.

"What are you doing here!" Sigaw nito sa akin.

"Mama!"sabi ni Dylan at umiiyak na nagtungo sa akin.

"Oh my god! My son, are you okay? Sinaktan ka ba nila? Tell me where it hurts okay?"Umiiyak na sabi ko.

"Let's go home na po."umiiyak na sabi niya.

"Uuwi tayo okay? Well make sure papa's okay."sabi ko.

"Si Grant?" I asked.

"Why are you here? Hindi bat buntis ka?! Makakasama yun sa bata!" Sigaw ni Nikki.

"I know pero hindi ko rin maatim na maghintay na lamang habang siya naman ay inililigtas ang anak namin!"sabi ko rin.

"You're so stubborn Avi."sabi niya at hinila ako sa gilid.

I need to see him.

"Dito lang kayo, dadakpin lang namin ang tita mo."sabi niya.

"Tita ko?" Tanong ko.

"Yes, she's the mastermind of this, she planned it and kasama na doon ang anak niya, she wants you to divorce your marriage to your husband so that maipakasal niya si Britney sakanya."kwento ni Nikki.

That b*tch! Gagawin niya talaga ang lahat makuha lang ang gusto niya!

"Haharapin ko sila!"sabi ko

Binitawan ko ang kamay ni Dylan at agad na ang tungo sa nakadaong na speed boat.

Nasa di kalayuan ang yatch, hinabol pa ako ni Nikki pero agad kong pina andar ang makina ng speedboat at minaobra patungo sa yate.

Tanging galit ang nararamdaman ko ngayon!

Hindi pa ba sapat na ipinahamak nila ang anak ko at sila mom binalak pa nilang patayin?

Malapit na ako sa yate, nakita ko ring nakatayo sa gilid ng railing si Grant and  ang pinsan kong si Britney na parang may pinag-aagawan tatawagin ko sana si Grant nang bigla iyong sumabog.

"NO!" Sigaw ko, napayuko ako dahil na lakas ng pagsabog nito.

No hindi pwedi! Hindi maaari!

"GRANT! NO! MY HUSBAND! NO!" Sigaw ko.

Hindi ko inalintana ang nakasunod na speedboat na panay tawag sa akin.

"Ang asawa ko! Hindi, hindi." Napaluhod ako sa speedboat.

"Hindi maaari!" Umiiyak na sigaw ko.

Nasundan pa iyon ng ilang pagsabog bago tumigil.

Naramdam kong may tumalon sa speedboat at hinila ako papatayo.

"What the hell! Avi muntikan na yun!" sigaw ni Nikki.

"Ang asawa ko, si Grant."umiiyak na sabi ko.

Niyakap na lamang ako ni Nikki.

"No, ang asawa ko Nikki."umiiyak parin na sabi ko.

"Ang asa-" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang nilamon ng dilim ang paningin ko.

Zzzz..

BACK IN THE ARMS OF MY EX-HUSBAND (COMPLETED)Where stories live. Discover now