KABANATA 28

37.5K 1K 6
                                    

KABANATA 28: HIM

AVIANNA'S POV

PAGGISING KO kinaumagahan ay agad na sumalubong sa akin ang aso ni Dy, kaya naman ay kinarga ko ito at ipinatong sa binti.

"Goodmorning Sushi, masarap ba tulog mo?" I asked and laughed afterwards because i realize dogs don't talk they barked.

Tumahol lamang siya at tumalon sa binti ko, saka tumakbo na palabas sa kwarto na ipinagtataka ko, bakit naka bukas ang pinto ng kwarto ko?

Tumayo ako at isinuot ang tsinelas saka naglakad palabas sa kwarto, tiningnan ko ang wall clock na nasa may pader malapit sa hagdan.

7:00 am.

Amputch! Late na ako!

Nagmamadaling naglakad ako pabalik sa kwarto at naligo hindi na inalintana kong bakit na kabukas ang kwarto ko pagkagising.

Matapos maligo at makapag-ayos bumaba na ako para mag agahan.

"Manang paki sabi po sa mga bata na hindi ko na sila maihahatid."sabi ko.

"Ma'am? Nagmamadali po ata kayo hindi ba po ay wala kayong pasok pag linggo?" Takang sabi nito, napa tampal ako sa noo.

Oo nga no, sunday pala ngayon hala nagiging malilimutin na ako.

"Ay sige po manang." Sabi ko at bumalik na ulit sa kwarto habang nagkakamot ng batok.

Kinuha ko nalang ang cellphone sa purse na dala saka inunlock ang password.

May nagpop up agad na message from an unknown number.

I check and read it.

"Let's meet tomorrow, i wanna see you." Basa ko sa mensahe, it was sent 7 hours ago.

Kumunot ang noo ko, at sinong hunghang ang makikipagkita sa akin? Wala naman akong schedule na may kikitain ako ngayon?

I replied.

"Who the hell are you?" I tap the send button and wait for minutes para sa reply nito.

Itinabi ko ang phone ng ilang minuto na ang lumipas pero hindi parin ito nagrereply.

Aba't hunghang nga, wrong send ata.

I rolled my eyes, haist Avi wag nang umasa.

Tatayo na sana ako para kumuha ng libro sa shelf ng biglang tumunog ang
ringtone ng phone ko.

Tiningnan ko ang caller's i.d

Unknow Number calling....

Nag-isip muna ako kung sasagutin ko ba or what baka kasi prank call.

Nagdesisyon na lang akong sagutin at baka kung sino pa to.

"Hello?" Bati ko sa kabilang linya.

"What took you so long to answer?" Nanlaki ang mata ko nang marinig ang pamilyar na boses na iyon.

"S-sino ka?" Tanong ko.

Natahimik ang kabilang linya, tiningnan ko ang cellphone pero nasa linya parin naman ito at hindi pa tinatapos ang tawag.

"Sino ka? Sagutin mo kong gong gong ka!" Inis na sabi ko.

I heard him chuckled sexily.

"Hm, you never change baby." That endearment! I knew it! It's him!

"Grant?" I asked, awtomatikong na end ang call nang sabihin ko ang pangalang 'yon.

What the hell? Siya ba yon?

Tumunog ang phone ko at nakita kong may message galing parin sa unknown number.

"Meet me in the nearest cafe near the village I'll tell you everything." Basa ko sa text.

May kasunod pa 'yon, agad na bumilis ang tibok ng puso ko nang mabasa ko ang ikalawang message nito.

"I miss you, please come and meet me."

Napatakip ako sa bibig ko para pigilan ang sariling mapaiyak.

Buhay nga siya!

Halo-halong emosyon ang bumalot sa akin.

Galit, pangungulila, saya at poot.

I clench my fist, after 5 years of hiding ngayon lang niya balak na kitain ako gayong gusto ko nang mag move on?

Kaya nga bang mag move on Avi? Tanong ng konsensya ko.

Umiling ako.

Sige, kikitain ko siya para mapatanayan kong buhay nga siya.

I picked up the dress he brought me years ago, kasya parin naman, isinuot ko din ang kwintas na nasa loob ng velvet box kasama nang letter niya nuong sumabog ang yate.

Ewan ko bat at naisipan kong magbihis,  even i am already 30 years old i still look young that's what my friend always says everytime na may catch up kami magbabarkada.

Nang makapag ayos ay lumabas na ako sa kwarto at tiningnan ang sarili sa isang full length mirror na nasa may pader katapat sa kwarto ko.

"You look gorgeous Avi!" I winked at myself and then laughed afterwards.

Nababaliw na ata ako.

Naglakad na ako pababa sa hagdan ng makasalubong ko ulit si manang.

"Ma'am, aalis po kayo?" She asked.

"Opo manang, may kikitain lang sa cafe malapit rito, kapag nandito na ho ang mga bata pakisabi pong umalis na muna ako saglit." Sabi ko.

"Sige po ma'am ako na po ang magsasabi."sabi nito tinanguan ko naman siya at umalis na.

Pinatunog ko ang alarm ng sasakyan, saka na sumakay at nagdrive paalis.

Ilang minuto lang naman ang bibilangin hanggang sa makaabot ako sa parking space, inoff ko ang engine saka na lumabas at naglakad papunta sa cafe kung saan kami magkikita.

I texted him saying na nasa cafe na ako at ayoko nang pinaghihintay.

Minutes after minutes ay wala parin ito kaya namab na inip na ako at umorder na nang kakainin, bahala siya sa buhay niya.

Nag antay ulit ako ng ilang minuto at dumating na rin ang inorder ko pero hanggang ngayon ay wala parin ito.

I roamed my eyes around and stop when i saw a familiar back of a person.

My eyes went wide, mukhang may hinahanap ito, hindi niya siguro ako na pansin kasi nakatalikod ako sa kanya.

My heart started to beat rapidly against my chest that i couldn't breathe properly.

It is really true, he's alive and breathing.

I don't know, pero hinintay kong huminto ang mata nito sa direksyon ko at nang huminto nga sa akin, seryoso ang mukhang naglakad ito papunta sa harap ko at naglahad nang kamay.

"Hi goodmorning Mrs Valleser it's nice to meet you." Nakangiting sabi nito.

Agad na umakyat lahat ng dugo sa ulo ko at dahil sa halo-halong emosyong nararamdaman sa hindi malamang dahilan ay nasuntok ko ang mukha nito ng pagkalakas lakas, nagsimula nang tumulo ang luha ko

"Gago ka!" I cursed, i punched his chest , paulit-ulit ko yung ginawa hanggang sa magsawa ako at sinampal ko naman siya.

"Alam mo bang ilang taon kitang hinintay? Hah!" Sigaw ko hindi ko inalintana ang mga nakatingin sa amin.

"Hinintay kita! Umiiyak ako gabi gabi dahil akala ko...akala ko iniwan mo na kami!" Pinagbabayo ko ang dibdib nito habang umiiyak.

"I'm sorry." I slapped him on his face.

So buhay nga talaga siya, it's him it's no other than Froi Grant F*cking Valleser.

--

BACK IN THE ARMS OF MY EX-HUSBAND (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon