Kabanata 6: Sumpa Kabayaran sa Sumpa

460 46 44
                                    

Idineklara nang patay si Gil bago pa man ito makarating doon sa ospital. Labis ang pangungulila ni Erlinda sa kaniyang asawa, lalo na at biglaan din naman ang nangyari sa kaniyang pinaka-mamahal. Sa isang iglap, ay biglang kinuha sa ang isang diyamante sa kanilang buhay. Parang nanakawan sila, isang bala lamang pala ang mariing tatapos sa kanilang masayang pamilya rati.

Si Alunsina naman, sa kabilang banda, ay tuliro at hindi na makapagsalita pa nang malaman nito ang masamang balita. Hindi niya alam kung papaano makalilimutan ang gabing ito, at kada paglipas ng mga sandali ay palagian nitong naaalala ang kabutihan ng kaniyang ama. 

Kahit na ito ay hindi niya tunay na magulang, ibinigay ni Gil ang lahat ng kaya nitong ibigay sa kanila ni Arthana at tunay na hindi matatawaran kung tutuusin. Kaya makatwiran lamang talaga kung ang mga ito ang kaniyang nararamdaman ngayon. Isa pa, ang pamilya ng kaniyang pinaka-mamahal ang siyang may sala sa lahat ng ito. Magkagayon man, ay ipinagtataka pa rin nito kung nasaan ang kaniyang kakambal. Hindi pa rin kasi ito nagbabalik hanggang ngayon.

Habang naglalakad-lakad at hinihintay maipasok sa morge ang katawan ni Gil, ay napatapat ito sa harap ng maliit na telebisyon ng ospital. Balita ang saktong palabas sa mga sandaling ito, at labis nitong ikinagimbal ang inilabas sa balita. 

       "Sa ating balita ngayong gabi," mabagal na ika ng nag-uulat. "Ipinagtataka pa rin kung paano sumabog ang sasakyan ng mag-amang Romero at Adrien Williams, lalo na at mukha raw kasing asta kung tumilapon gayong wala namang pruwebang bumangga ito sa paligid. Ito ay ayon sa ilustrasyon ng mga awtoridad sa atin."

       "Tama ka r'yan, noh?" sabat ng kasamahan nitong nagbabalita. "Ayon pa nga raw sa iilan at mga saksi ay biglaan na lamang sumabog ang sasakyan habang binabagtas nito ang madilim na kalsada. Huwaran ang mga kaganapan kaya kataka-taka ito para sa kanila."

Pumasok agad sa isipan nito ang kaniyang kakambal na si Arthana. Naalala nito nang nagpaalam ito kanina sa kaniya na may tutunguhin lamang ito. Dagliang nakaramdam ng tila ba pagkakaba si Alunsina, lalo na at hindi nito batid ang mga tumatakbo ngayon sa isipan ng  kaniyang kakambal. Nangangamba rin ito na baka may kung ano nang nangyari kay Adrien.  Kahit na pasakit ang pamilya nila, ay minahal niya pa rin ang mayamang heredero.

Samantala, nagising naman si Adrien sa ospital kung nasaan sina Alunsina. Subalit kakatwang wala itong matandaan sa mga naganap, at hindi rin nito tanda kung bakit siya nailagak sa naturang ospital. Para bang natulog lamang ito at nanaginip, pagtapos, ay wala na. Wala na siyang matandaan.

       "Anong ibig mong sabihin? Pag-uusisa ng pulis dito. "Hindi mo na tanda ang kaganapan pero kakatwang yaon lamang ang nawala sa ala-ala mo."

       "Hindi ikaw ang ibig kong makausap," tugon ni Adrien. "Nasaan si papa? Siya ang nais kong dalhin n'yo sa tabi ko ngayon."

       "Wala—wala na si don Romero," wika ng pulis dito, habang nagsusulat ito sa isang maliit na piraso ng papel.

       "Ha? A-anong wala na kamo?" Pagtataka pa ni Adrien. "Nauna na bang nagtungo sa Canada si papa kaya siya wala rito?"

       "Uh—er—hindi sa ganoon," sabi pa ng pulis. "Wala na siya—patay na siya—namatay siya roon sa aksidenteng kinasangkutan n'yo."

       "Hindi pa magaling ang pasyente ko ngayon," pagtatanggol ng doktor nito sa kaniya, habang naglalakad ito papasok sa silid nito.

Reluvious: Ang Tanglaw Sa Madilim Na Gabi ᵇᵒᵒᵏ ᵒⁿᵉWhere stories live. Discover now