Makapangyarihang Labanan

279 13 1
                                    

Mas nilakasan pa ni Locasta ang pinapakwalan nitong kapangyarihan, dahilan upang matalbugan nito ang kapangyarihan ng kaniyang kalabang gabay diwa. Agad din naman na tumayo si Orearuva, at muling nagpatuloy ang paglalaban ng kanilang kapangyarihan. Ngunit katulad ng nauna, ay nadaig itong muli at napabagsak.

Nagpakawala si Orearuva ng itim na daluyong ng usok, na siya namang sinasalag ni Locasta gamit ang dilaw na uri ng pananggalang. Pagtapos, ay bumuga ng apoy sa hangin ang masamang tagapagbalanse ng kapangyarihan at nabuo ito sa wangis ng isang mistulang dragon. Isang apoy na dragon ang lumipad patungo sa kaniyang katunggali, na kaagad nitong nabweltahan nang bumangga ito at maglaho sa dilaw na uri ng pananggalang nito.

"Nais mo pa bang ipagpatuloy ang ating labanan?" 

"Ano ba ang tunay mong kailangan sa'kin?" 

"Ang buhay ni Hadley— ang sorsera na hindi pa nakatakdang sumama sa ikalawang buhay," 

"Para gamitin mo muli laban sa mga alagad ko? Hindi ko gagawin ang hinihiling mo kahit ano man ang mangyari," giit ng masamang gabay diwa, habang masama itong nakatitig sa kaniya.

"Kung ganoon— ay pinipilit mo pa akong simulan ang panibagong hidwaan sa ating dalawa," 

"Natalo mo na ako noon," patutsada pa ni Orearuva. "Hindi na ako muli pang magpapatalo pa sa'yo."

Ipinagdikit nito ang kaniyang dalawang keris na sandata, at nabuo bilang isang itim na espada. Muli itong nakipaglaban ng sandata sa kaniyang katunggaling gabay diwa, at saka muling sumiklab ang panibagong labanan. 

Mabilis na nagtatamaan ang kanilang mga espada, nagkikiskisan dahil na rin sa tindi ng liksi ng dalawang tagapagbalanse ng kapangyarihan.

Inumaga na ang labanan, subalit wala pa ring bakas ng pagod sa dalawa. Sa pagkakataong ito, ay muling nasaksak ni Locasta ang kaniyang katunggaling gabay diwa. Napaatras ito, at pansamantalang nahinto ang tunggalian sa pagitan nila.

"Balak mo na ba akong sundin? O' ibig mo pa ring ipagpatuloy ang ating labanan?"

"Nakakaligtaan mo yatang nagsisimula pa lamang ang ating labanan?"

"Talagang gusto mo pang mapuruhan nang maigi bago mo ibigay ang aking nais,"

"Isa ka talagang mangmang kung iisipin mong ganoon akong kadaling susunod sa'yo,"

"Inaasahan ko na ang lahat ng 'to— dahil sa isa kang ganid,"

"Baka nakakaligtaan mong magkapantay pa rin tayo ng antas,"

Biglaan nitong pinatamaan ng malakas na pwersa ng kapangyarihan si Locasta, dahilan upang mapadapa ito pansamantala sa labanan. Agad din naman itong tumayo, at nakipagpalitan ng taglay-taglay na kapangyarihan sa kaniya. 

Ilang saglit pa, ay lumitaw sa kanilang gitna si Medea. Agad itong nagpatama ng asul nitong kapangyarihan sa gitna nilang dalawa, habang nagpapalitan ng lakas at pwersa. Agad namang tinignan ng masama ni Orearuva ang nakikialam na gabay diwa, habang mas nilaksan naman ni Locasta ang kaniyang pwersa. Nilakasan din naman ni Medea ang kaniyang pwersa nang mapansin nitong kapwa ayaw magpatalo ng dalawa, at saka rin nito nilaksan ang kaniyang pwersa. Kaya lumikha ito ng malaking pagsabog sa kaulapan, at saka sila tumalsik na tatlo.

Agad namang naglaho si Orearuva, at lumitaw sa harapan ni Medea. Muli nitong ipinaghiwalay ang sandata nito, at naging dalawang keris na espada. Pagtapos, ay agad nitong itinutok sa kaniya ang isa sa mga keris, at ang isa naman kay Locasta. 

"Hindi mo dapat kami pinakikialaman dito kung hindi mo ibig na madamay," sumbat nito sa kaniya. "Umalis ka na bago pa ka pa muling madamay rito!"

Reluvious: Ang Tanglaw Sa Madilim Na Gabi ᵇᵒᵒᵏ ᵒⁿᵉWhere stories live. Discover now