Simulan na ang Digmaan

314 22 3
                                    

Sa konseho ng mga puting sorcerer, ay ipinatawag ni Mia ang kaniyang mga katiwala para sa misyon na iniatas sa kanila ni Locasta. Isang misyon na wala silang katiyakan kung sila ba ay magtatagumpay. Ang misyon na sunduin nila ang itinakdang magwawakas sa masamang propesiya.

"Ano ba ang pinag-usapan n'yo nang mahal na Locasta kagabi?" Pagtataka ni Cielo, na kasalukuyang nagtataka pa rin sa kung ano nga ba ang winika ng tagapagbalanse ng kapangyarihan nang huli itong dumalaw sa kanilang palasyo.

"Isang mahalagang misyon ang kaniyang sinabi sa'kin," sabi ni Mia, habang binibilot nito ang isang rolyo ng kalatas na kung titignan ay balot ng alikabok at sadyang kupas na ang papel na ginamit.

"Misyon? Anong misyon?" Tanong ni Ysa, na kasalukuyan namang nagtataka na rin sa mga pangyayari.

"Batid n'yong wala na sina Joana at Sweetie Pop sa ating hanay... kaya kayo na lamang dalawa ang pinaka pinagkakatiwalaan kong sorcerer sa ating palasyo," sabi ni Mia. "Kaya naman sainyo ko sasabihin ang mahalagang misyon na ito."

"Ano ba ito at lubha itong nakapagtataka?" Pag-uusisa muli ni Ysa. "May kinalaman ba ito sa kasunduang ginawa natin sa mga itim na sorcerer?"

"Heto na nga... may sinabi sa'kin ang mahal na Locasta na isang masamang propesiya," malamig na sabi ni Mia. "Na nasa Sorceria na raw ang sinasabi sa masamang propesiya na tatapos sa ating lahi."

"Sino? Sino ang kaniyang tinutukoy?" Tanong ni Cielo. "At ano ang laban ng Reluvious sa kaniya?"

"Hindi ko batid... subalit may sinabi rin siya na isang hahadlang sa sumpa," paliwanag pa ni Mia. "Siya ang kailangan nating sunduin sa mundo ng mga tao ngayon."

"Papaano?" Tanong naman ni Ysa. "Masyadong malawak ang mundo ng mga mortal... mas malawak pa sa Sorceria."

"Kaya n'ya ipinagkaloob sa'kin ang saglip na makatutulong sa'ting hanapin siya," sabi naman ni Mia, at saka nito pinalitaw sa kaniyang kanang kamay ang mahiwagang saglip na tunan sa kaniya ni Locasta.

"Kung nandito na pala sa Sorceria ang masamang propesiya... ay dapat na nating madaliin ang paghahanap sa tinutukoy ni Locasta," sabi ni Ysa. "Hindi maaaring lumaganap pang muli ang isa nanamang digmaan dito sa mundo natin."

"Makatwiran," suporta ni Cielo. "Lalo na at napag-alaman nating hindi tunay na nakikiisa ang mga itim na sorcerer sa kabutihan, dagdag pa ang lumalakas na pwersa ni Sweetie Pop at ng mga taksil na puting sorcerer."

"Kung ganoon ay dalian na natin," utos ni Mia sa kaniyang konseho. "Wala na tayong sasayangin pang panahon."

Itinaas nito ang saglip na ibinigay sa kaniya ni Locasta, at saka sila naglahong tatlo mula sa konseho. Kasama rin sa naglaho ang mga bantay na puting sorcerer, para bang bulang biglang pumutok ang mga kaganapan. Masyadong mabilis.

Samantala, kasabay ng paghahanda ng mga puting sorcerer upang sunduin si Hadley, ay ang paghahanda rin ng mga itim na sorcerer upang sunduin ito ng kamatayan sa mundo ng mga mortal.

"Ang sinumang makapaslang sa kaniya... ay gagantimpalaan ko ng labing limang piraso ng ginto't dalawampung pirasong pilak," sabi ni Arthana, habang inaalog-alog ang piraso ng mga minerales na nasa kaniyang palad.

Reluvious: Ang Tanglaw Sa Madilim Na Gabi ᵇᵒᵒᵏ ᵒⁿᵉTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon