Sumpa ng Reluvious

257 10 1
                                    

Mag-uumaga na nang umurong ang mga itim na sorcerer sa labanan, sapul sa pag-urong ng kanilang pinuno sa magkakambal. Nagwagi man ang mga puting sorcerer sa pagkakataong ito, ay hindi maikakaila na malaki ang naiwang pinsala ng mga ito sa mga nagdaang pagsalakay sa kanilang palasyo.

Inihilera na ng mga nalalabi sa hukbo ang mga namayapa nilang kasamahan sa labanan, at doon sa labas ng palasyo ay pinagkumpol-kumpol. 

Ang pamilya ng mga nasawi ay wala nang nagawa kung hindi ang mag-iyakan, subalit ang ilan naman ay wala nang pamilya tatangis para sa kanila. Marahil nauna nang napaslang ang mga ito sa mga nakaraang labanan, lalo na at walang sinasantong kahit sino ang kanilang mga mapapait na kalaban.

"Hanggang kailan pa ba luluha ang mga puting sorcerer? Hanggang kailan pa tayo maghihirap sa pwersa ng mga kalaban?" Malungkot na sabi ni Cielo. "Masyado nang malala ang pinsalang ito sa pagitan ng mga puti at itim na sorcerer."

"Sana'y ito na ang wakas ng lahat ng pagdurusa nating lahat," sagot ni Dominick, habang malungkot na nakatitig sa mga nakaratay na bangkay.

Ilang sandali pa, ay dumating si Hadley at mapait nitong tinignan ang mga bumagsak sa kanilang hukbo sa labanan. Napapikit na lamang ito sa dami ng mga napaslang, at saka muling ibinalik ang paningin kina Cielo. Tila ba lagpas sa apat na raan ang nakaratay; magmula sa mga sanggol, bata, hanggang sa matatandang hindi pinalad, ay sadyang napakarami.

"Tinitiyak kong huli na ang pagluha nating ito," sabi nito sa kanila, habang mariin pa ring nakatitig sa mga ito.

"Papaano ka nakakatiyak?" Pagtataka ni Ysa, na kasalukuyan ding nakikiramay sa mga namatayan doon.

"Si Brianna— ang isa pang itinakda! Narito na siya sa ating panig," 

Nagtinginan ang mga puting sorcerer sa paligid, lalo na at hati ang kanilang pagpapasya ukol dito. Ang ilan ay nababahala dahil sa matagal itong nanatili sa mga kaaway at baka nagpapanggap lamang, at ang mga nalalabi naman ay nabubuhayan ng pag-asa lalo na at ito ang tinuran sa kanilang pagkakataon ni Locasta.

"Sana nga ay tunay nang para sa kapayapaan ang iyong kakambal lalo na at malaki ang magiging ambag niya sa ating pakikipag-sapalaran sa mga dati niyang kapanalig," sabi ni Cielo. "Malaki ang magiging ambag kung magtutulungan kayong dalawa laban sa lumalakas nang kapangyarihan ni Arthana."

"Umasa ka," sagot ni Hadley. "Umasa kang hindi na magtatagal ang pagrereyna-reynahan niya rito sa Sorceria."

Napangiti si Cielo sa mga tinuran nito. Sana nga ay tunay nang nagbalik-loob si Brianna, lalo na at magiging mapamuksa silang dalawa ni Hadley, sa kadahilanang mas malakas ang magkaibang salamangka kapag ito ay magkasama at magkasanggala sa iisang uri lamang ng labanan. Isa pa, ay higit na makapangyarihan ang pagkakaisa kaysa sa anumang uri ng pinaka malalakas na kapangyarihan dito sa Sorceria.

Samantala, lumitaw si Arthana sa kaniyang kaharian at saka nito pinalitaw ang Reluvious sa magkabila nitong kamay. Bumukas at umilaw ang aklat, saka biglang naghilom ang mga sugat nito sa kaniyang nagdaang labanan sa magkakambal na itinakda.

"Walanghiya! Hindi ako makapapayag na magkaisa kayong muli!" 

Nagpatama ito ng malakas na uri ng kapangyarihan mula sa Reluvious patungo roon sa pasilyo, at natamaan nito ang ilang mga itim na sorcerer na nagbabantay roon. Pagtapos, ay biglaang lumitaw si Orearuva sa kaniyang harapan, at saka na lamang ito napangisi.

"Mahal na Orearuva! Tulungan mo'ko. Kailangan ko ang iyong basbas o' anumang maaaring handog," pakiusap ni Arthana rito. "T-tulungan mo ako laban sa mga puting sorcerer para— para mapahirapan ko silang lalo!"

Reluvious: Ang Tanglaw Sa Madilim Na Gabi ᵇᵒᵒᵏ ᵒⁿᵉWhere stories live. Discover now