Ang Galit ni Brianna

274 10 2
                                    

Sumugod na ang mga itim na sorcerer sa pinid ng entrada, na kaagad naman na hinarangan ng unang alon ng mga puting sorcerer. Nagkaroon ng maraming pagsabog sa simula pa lamang ng labanan, na ikinamatay ng iilan sa mga naglalaban; puti man o' itim na sorcerer.

"Tumabi kayo!" Sabi ni Arthana, habang tinitignan nito ang napakinid na entrada.

Umilaw ng dilaw ang mga mata nito, at saka nagpatama ang Reluvious ng malakas na uri ng kapangyarihan patungo sa mga kalaban na agad na ikinabagsak ng unang alon. 

Wala naman nang inaksiya pang panahon ang mga itim na sorcerer, at kaagad na nilang pinasok ang sanktuaryo ng palasyo.

Samantala, lumitaw naman si Brianna sa trono ng palasyong itim. Mabilis nitong hinanap si Arthana, subalit kataka-taka na kakaunti lamang ang mga nilalang sa palasyo gayong hindi ito pangkaraniwan.

"Nasaan ang mga nilalang dito? Si Arthana?"

"Wala sila rito," sagot ng isang itim na sorcerer. "Kanina pa sila umalis."

"Alam kong wala sila kaya nga ako nagtatanong eh. Nasaan kako sila nagtungo?" Patutsada ni Brianna rito. "Sa kaharian ba ng mga puting sorcerer sila nagtungo?"

"Nagtungo silang muli sa kaharian ng mga kalaban upang tapusin na ang labanang sinimulan," sagot nito sa kaniya. "Upang tapusin ang labanan gamit ang Reluvious na hawak ng ating mahal na pinuno."

"Ano? Eh di'ba kakatapos pa lamang ng labanan?" Pagtataka ni Brianna, habang matalas itong nakatitig sa bantay.

"Madali nang mapapaslang ng ating pinuno ang mga kalaban lalo na at nabuksan na niya ang Reluvious. Siya na ang higit na makapangyarihan kaysa sinuman," sagot muli nito, na kasalukuyan din namang nakatitig sa kaniya.

"Kung gayon, ay sino ang mga kasama niya? Kasama niya ba lahat ng mga galamay niya?" 

"Kasama niya si pinunong Cissy— at ang nalalabi sa hukbo ni Fredo," 

"Hukbo— ni Fredo? Eh si Fredo? Bakit hindi siya kasama?" 

"Hindi mo pa ba nababalitaan? Pinaslang na ni Arthana si Fredo, dahil inagaw raw nito ang Reluvious mula sa kaniya. Kaya wala na ang ating pinunong hukbo," 

"Lalo lamang dinadagdagan ni Arthana ang kaniyang mga kasalanan sa'kin! Ako ang itinakda kaya hindi siya mananaig kapag wala ako sa kaniyang tabi," 

"Teka! Anong binabalak mo?" 

"Ang gawin— ang dapat ay noon ko pa pala ginawa,"

"Anong ibig mong sabihin?"

Hindi na ito sinagot ni Brianna, at mas pinili na lamang nito ang maglaho. Mabilis itong lumitaw sa digmaan, subalit imbes na puting sorcerer ang kaniyang kalabanin, ay mga itim na sorcerer ang kaniyang pinapaslang. 

Tila ba bumabaliktad na ito sa kaniyang mga kapanalig, at mas pinili na sa liwanag sumama. Agad nitong hinanap si Arthana na batid nitong mas makapangyarihan na sa kaniya, subalit hindi niya matagpuan sa bawat sulok ng palasyo.

Sa itaas naman ng tore, ay naroroon si Arthana at natunton nito si Hadley. Mabilis itong gumawa ng depensa gamit ang kaniyang puting mahika, subalit agad itong nabasag ng Reluvious, at napaatras ito. Muntik na itong mahulog mula sa mataas na tore, na tipong isang maling hakbang na lamang, ay mahuhulog na ito.

Reluvious: Ang Tanglaw Sa Madilim Na Gabi ᵇᵒᵒᵏ ᵒⁿᵉWhere stories live. Discover now