Pagkubkob

313 22 3
                                    

Nakatayo lamang si Sweetie Pop habang pinagmamasdan ang mga taga-Cerulean. Hindi nila namamalayang sa ilang sandali na lamang, ay sisiklab ang isang pangyayaring hindi pa nila nararanasan sa kanilang tanang-buhay. Ilang saglit pa ay itinaas na niya ang kaniyang hawak-hawak na tungkod, hudyat ito na inilulunsad na niya ang nasabing pagkubkob.

"Ano ang ibig sabihin nito?!" Gulantang na tanong ni Adam, habang pinapaikot ang kaniyang sandata tanda ng paghahanda.

"Simple... pinapalayas na namin kayo rito... sa utos ng pinuno ng mga puting sorcerer na si Mia... kayo ay tinatanggalan na ng karapatan na manahan sa lupain ng mga puting sorcerer," pagsisinungaling ni Sweetie Pop, habang matinik namang tinititigan ang kaniyang ninakaw na tungkod.

"Hindi ito maaari!"

"Pinuno ka lang ng teritoryong pinamumunuan ng mga puting sorcerer... kaya susunod ka kung ayaw mong mamatay,"

"Sapul pa sa aming mga pinuno ay nandirito na kami kaya hindi namin ito lilisanin!"

"Kung gayon ay mas nanaisin ninyo pang humantong tayo sa patayan dito?"

"Kung iyan ang makakapagpatapos ng lahat,"

"Gusto ko ang tapang mo," hangang sabi ni Sweetie Pop. "Magiging magaling kitang alagad kung sasanib ka sa'kin?"

"Anong pinagsasasabi mo?"

Ibinaba nito ang hawak niyang tungkod, at itinusok sa lupa. Lumikha ito ng isang malakas na pagsabog, dahilan upang mawasak at masunog ang mga karatig na mga kabahayan doon.

Napaatras naman ang mga taga-Cerulean dahil sa bukod sa wala silang mga kapangyarihang maipantatapat sa mga puting sorcerer, ay marami lamang mamamatay sa kanila sakaling sumiklab nga ang labanang ito.

"Dadaanin pa ba natin ito sa marahas na paraan?" Buwelta pa ni Sweetie Pop, habang muling iniaangat ang kaniyang tungkod.

"Hindi kami makapapayag!" Giit muli ni Adam. "May kasunduan kami ni pinunong Quesana noon sa karapatan namin dito."

"Wala akong pakialam pagkat matagal nang patay ang tinutukoy mo,"

"Nakikiusap ako,"

"Hindi," pahabol din ni Sweetie Pop. "Kubkubin ang teritoryo at paslangin ang lahat ng manlalaban!"

Kumilos ang mga kasamahan nito, at siya naman ay nakipag-harap sa pinuno ng mga taga-Cerulean. Mabilis nitong napabagsak si Adam. Pagkat bukod sa wala itong taglay na kapangyarihan, ay masyado ring makapangyarihan ang bagong kapangyarihan ni Sweetie Pop.

Samantala, habang nagaganap ang sagupaan ng mga taksil na puting sorcerer at ng mga taga-Cerulean, ay naipit sa gitna nito si Fredo.

"Tama ba ang nakikita ko?" Pag-uusisa nito sa kaniyang sarili. "Nagsimula nang umatake ang vigilante."

Nagpatama ito ng itim ng salamangka sa mga paparating na kakalaban sa kaniya, at saka nito ginamit ang kaniyang kapangyarihan upang maglaho sa pook ng labanan.

Sa kabilang dako naman, ay maagang nagpalabas ang kanilang huling propesor para sa araw na ito. Sinamahan na ni Maxim palabas ng kampus si Hadley. Inanyaya na niya rin ito upang magtungo sa kanilang tahanan, upang ipakilala sa kaniyang mga magulang. Subalit tumanggi ito.

"Sige na... pakiusap," sabi ni Maxim, habang inaayos ang porma ng kaniyang uniporme.

"Ayoko nga noh,"

Reluvious: Ang Tanglaw Sa Madilim Na Gabi ᵇᵒᵒᵏ ᵒⁿᵉTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon