Chapter 6

1.4K 100 58
                                    

Mabilis na tinalikuran ni Antonio ang babaeng ilang beses ng nagdala ng kamalasan sa kanya, at sinagip niya ang buhay. Ni hindi niya ito nilingon, alam niyang nakatayo pa rin ito sa may labas ng pintuan ng shop nito. Dama niya ang mga mata nito sa kanyang likuran. Kung kinakailangan lang na tumakbo siya ay ginawa na niya papalayo sa babaeng, nagdala sa kanya ng ibang pakiramdam.
Nang siya ay naglalakad na pauwi mula siya sa bahay nina Claire at nakiusap na naman ito na mag stay siya. Hindi na siya namalagi sa loob bagkus ay mas ginusto niya na manatili sa labas ng bahay sa may car wash at doon ay nakipagkwentuhan siya ng mga nagtatrabaho. Inalam na rin niya ang kung paano ang trabaho sa car wash, dahil nga sa kailangan niya na hindi siya mabakante ng pinagkakakitaan habang naghahanap pa siya ng trabaho.
At nang naglalakad na nga siya pauwi at napansin niya na parang may mali na nangyayari sa may harapan ng isang establisyimento na iyun. Masyado kasing nakadikit ang dalawang lalaki sa babae at ang isa ay nasa likuran pa nito. Kaya niliksihan niya ang kanyang bawat hakbang papalapit at napansin nga niya na nagpumiglas ang babae papasok, kaya nakumpirma niya na may mali na nangyayari at halos tinakbo niya patungo sa mga ito, dahil sa alam niyang nasa panganib ang babae. Alam niyang pwede siyang mapahamak pero, hindi siya nag dalawang isip na hindi tulungan ang babaeng nanganganib ang buhay.
Pagkatapos nilang magpambuno ng mga lalaki at nang bumalik siya sa shop para tanungin ang lagay nito ay saka lamang rumehistro sa kanya ang mukha ng babae. Ang babaeng may sumpa, na nagpagulo ng buhay at isipan niya.
Oo hindi lang kamalasan ang idinulot ng babaeng ito sa kanya, kundi pati isipan niya ay ginulo nito. Alam niyang mali, lalo pa at habang magkaniig sila ni Claire kanina ay biglang sumulpot sa kanyang isipan ang mukha ng babaeng iyun. Nakapikit ito at sarap na sarap sa kanyang bawat pag-ulos. Mabuti na lamang at nanumbalik ang kanyang isipan, dahil kung hindi ay tuluyan siyang pumutok sa kalooban ni Claire. At sa reyalisasyon niyang iyun, ay mas lalo siyang natakot sa kakaibang nadarama.
Nag patuloy siya sa kanyang paglalakad, at nanatiling alert ang kanyang pandamdam, maaari kasing balikan siya ng mga nakapambuno niya kanina. Tiningnan niya ang kanyang kaliwang kamay na nakabenda. May kaunting bakas pa rin ng dugo, pero hindi na iyun ganun kalala katulad ng kanina.
At muli niyang naalala ang nangyari kanina, nang magkatabi silang naupo sa may maliit na sofa sa loob ng shop nito. Napasinghap siya nang hawakan nito ang kanyang kamay, at di lang iyun dahil sa kirot, dahil sa para siyang na kuryente ng dumapi na ang palad nito sa kanyang mga kamay. Hindi iyun katulad ng kamay ni Claire, na napakalambot, na halata mong walang ginagawang mabigat na gawain sa bahay.
Ang kamay ng babaeng iyun ay tila ba punong-puno ng kaalaman, at hindi makamundo. Yung, para bang maalam ito sa maraming bagay, hindi iyun ganun kalambot, ngunit punong-puno ng karakter. At kung bakit hindi niya naramdaman ang ganun sa kanyang nobya? Kaya nga nagmamadali siyang umalis, alam niyang mali ang kanyang nararamdaman, hindi siya dapat makaramdam ng ganung damdamin sa ibang babae. Lalo pa at mahal niya si Claire. Mahal niya si Claire, hindi ba? Ang tanong ng isipan niya.
“Anak ng” ang mahinang sambit niya, ngayon pati ang nararamdaman niya para sa kanyang nobya ay kinukwestiyun na niya.
Hindi na sana niya makita pa ang babaeng iyun, at ngayong alam na niya kung saan ito nagtatrabaho, kailangan na iwasan na niya ang pagdaan doon, mag-iina na siya ng ruta kahit pa ibig sabihin ay mas malalayuan ang lalakarin niya.
“Tsk” ang pagpalatak ng kanyang dila, sana lang ay maisipan ng babaeng iyun na tumawag ng pulis para ireport ang nangyari, pero, napailing siya. Mukhang malabo yata na mangyari iyun, ang sabi niya sa sarili.
At mas niliksihan pa niya ang bawat hakbang ng kanyang mga paa, umaasang maiiwan niya ang babaeng iyun at ang kakaibang damdamin na idinulot nito sa kanya. Umaasang sa bawat hakbang niya papalayo ay hindi na niya makikitang muli ang babaeng may pekas na mukha, na gusto niyang isa-isang halikan.
****
Nagising si Antonio na masakit ang kanyang katawan, mukhang  ngayon niya naramdaman ang sakit ng mga tinamo niyang sapak at sipa rin kagabi. At pakiramdam niya ay lalagnatin pa yata siya, sabi pa naman niya na magsisimula na siyang magtrabaho sa car wash ni Claire.
Tiningnan niya ang kanyang  kamay, hindi pa niya napalitan ng balot ang sugat niya sa kamay. Kailangan niya siguro ng bumili ng gamot para sa kirot at para sa kanyang sugat, alam niyang ka bawasan pa iyun sa budget nila pero, kailangan niyang bumili ng gamot kundi, baka mas lumala ang sugat niya at mas lalo siyang hindi makapag trabaho. Nanlalambot na tumayo siya sa kutson na nakalatag sa sahig, naalala niya kagabi pagkarating niya ay nagulat ang kanyang nanay kung bakit may benda siya sa kamay. Muli na naman siyang nag sinungaling, sinabi  na lamang niya na nasugatan ang kamay niya sa isang aksidente. Nakita niya ang labis na pag-aalala sa mga mata ng kanyang nanay nang sabihin niya na naaksidente siya, marahil ay naalala nito ang takot noong naaksidente ang kanyang ama, sa trabaho  nito. Nadama rin niya ang labis na pag-aalala sa boses ng kanyang tatay, kaya hanggat maaari ay pinagaan niya ang kanyang boses para mawala ang agam-agam ng kanyang mga magulang.
Masakit ang bawat kalamnan niya pero pinilit niya ang tumayo, mukhang napalalim din ang tulog niya at hindi niya naramdaman na kumilos na ang kanyang kapatid na maaga na gumigising para pumasok.
Hinawi niya ang kurtina na tabi ng ng kanilang silid, at naabutan niya ang kanyang tatay na nagwawalis ng  sahig. Napailing at napangiti siya, kahit kailan ay ayaw na maging pa bigat ng kanyang tatay sa kanila. Tumutulong pa rin ito sa gawaing bahay, hindi nito hinahayaan na ang nanay lang niya ang gagawa ng lahat ng gawaing bahay.
Naglakad siya palabas ng kanilang silid at nilapitan niya ang kanyang tatay, na mukhang lumakas na rin ang pakiramdam dahil sa alam nito na gising na siya.
“Anak, gising ka na pala, gusto mo ba ng kape?” ang nakangiting tanong nito sa kanya.
Mas lumapad ang ngiti sa kanyang mga labi, “hindi na po tatay, ang laki-laki ko na kayang-kaya ko ng magtimplang kape” ang pabirong sagot niya.
Naglakad palapit ang kanyang tatay sa kanya, kinapa nito a ng kanyang mukha at inabot ang tuktok ng kanyang ulo, at ngumiti ito at tumangu-tango.
“Oo nga, napakalaki  mo  na” ang natatawang sagot ng tatay niya sabay tapik sa kanyang balikat.
“Sabayan nyo po akong magkape tatay, ipagtitimplako rin po kayo” ang masayang sabi niya sa kanyang ama. Lumapit siya sa kanilang maliit na kusina at kainan para kumuha ng dalawang mug at nagsimula siyang magtimplang ng kape.
Pinagmasdan niya ang kanyang tatay na itinabi ang walis at dustpan sa may gilid ng pintuan, at naglakad ito palapit sa kanya. Kinapa nito ang plastic na upuan at dahan-dahan itong naupo sa upuan sa harapan ng kanilang lumang plastic na lamesa.
Bitbit ang dalawang mug ay isang hakbang lamang niya ay nasa lamesa na siya. Naupo siya sa may harapan ng kanyang ama at malakas ngunit dahan-dahan niyang inilapag ang mug sa ibabaw ng lamesa sa harapan ng kanyang tatay, para marinig nito na inilapag niya ang kape.
“Mainit tatay at bagong  kulo” ang paalala niya sa kanyang tatay.
“Dama  nga ng mukha ko ang init”ang natatawang sagot ng tatay niya na hinawakan ang mug ng dalawang kamay nito.
“Ang nanay po?” ang tanong niya sa kanyang tatay pagkalapag niya ng mug sa ibabaw ng mesa pagkatapos niyang humigopng kape.
“Namalengke, wala na pala tayong bigas” ang sagot ng kanyang tatay, at nabakas niya na tila nahihiya ito sa kanya. Marahil ay nasa isip nito  na, bilang isang ama, masakit para rito ang hindi makapag trabaho at manatili na lamang sa bahay. At ayaw niyang isipin ng kanyang ama na wala  na itong silbi. Kaya ang balak niya sa makukuha niyang separation pay, ay ipampuhunan sa tindahan dito sa kanilang harapan. Magaling na magluto ag kanyang nanay, pwede silang magtinda ng lutong ulam habang nagtatrabaho siya.
“Anak, pagpasensiyahan mo na sana kung, di ako  nakakatulong sa iyo at naging paigat pa ako” ang nahihiyang sabi ng tatay niya sa kanya.
Umiling siya kahit pa hindi siya nakikita ng kanyang tatay, “tay, huwag nyo po isipin at  sabihin iyan, pakiusap po, kailanman ay hindi kayo naging pabigat sa akin” ang pakiusap niya sa kanyang tatay.
Tumungo ang kanyang tatay at tumangu-tango, humigop  muli ng kape bago ito nagsalita.
“Hindi ka pa  tuloy makapag-asawa ng dahil sa amin” ang nangingiti ng sabi ng kanyang tatay. At hindi rin niya mapigilan ang hindi ngumiti.
“Tatay talaga, wala pa po talaga sa isip ko ang mag-asawa, kailangan ay may magandang trabaho na po ako, bago pa ako  mag-asawa, at hindi po kayo ang dahilan” ang paninigurado niya sa kanyang tatay. At kung bakit hindi ang magandang mukha ni Claire ang pumasok sa kanyang isipan kundi ang mukha ng babaeng may kamalasan.
Ang mukha nito na may pekas sa pisngi at ilong, na masarap halikan-
“Anak?” ang tanging narinig niya sa tanong ng kanyang ama. Ilang beses siyang kumurapkurap para mabura ang kanyang isipan, saka niya nilinaw ang kanyang lalamunan.
“Ah, ano po iyon tatay?” ang  tanong niya dahil sa hindi niya naintindihan ang sinabi nito.
Bahagyang natawa ito, “mukhang malalim ang iniisip mo anak?”ang tanong nito sa kanya.
“Uh, hindi naman po”ang tanggi   niya.
“Ang tanong ko ay, kamusta ang trabaho mo? May problema ka ba sa trabaho? Hindi ka kasi nagmamadali katulad ng dati na para kang bubuyog dito sa loob ng bahay sa tuwing papasok ka na”  ang sagot ng kanyang tatay.
Napakamot siya ng kanyang noo at ngumiti siya ng malungkot, nawalan man ng paningin ang kanyang tatay, pero, mas naging malakas ang pakiramdam nito, mas nakikita nito ang hindi nakikita ng mga mata. At sa pangatlong pagkakataon ay kailangan na naman niyang mag sinungaling.
“Uh masakit lang po kasi ang sugat ko , at bibili lang muna ako  ng gamot tapos aalis  na po ako” ang sagot  niya.
Napabuntong-hininga ang kanyang tatay, “talaga bang aksidente lamang iyan? Hindi kaya npaaway ka?”ang tanong ng kanyang tatay.
Napangiwi siya sa tanong ng kanyang tatay dahil natumbok nito ang katotohanan, pero hindi na dapat kailangan pa na dagdagan niya ang alalahanin ng mga magulang niya.
“Tay, itong bait ko na ito  mapapaaway ako?”ang pabirong tanong niya sa kanyang ama sabay higop niya ng huling laman ng kanyang kape.
“Alam ko, pero hindi lahat ng tao ay sing bait mo” ang giit ng tatay niya sa kanya.
Napabuntong-hininga siya at muling sumagi ang mukha ng babae sa kanyang isipan, at napailing siya.
“Hindi po tatay, sayang minamalas lang talaga” ang sagot  niya, “sige po tatay , lalabas lang muna po ako sandali para bumili ng gamot”ang sabi niya sabay  tayo niya sa kanyang kinauupuan, nang biglang bumukas ang kanilang pintuan at pumasok ang kanyang nanay. Lumingon siya para bati in ang kanyang ina.
“Oh nanay, kamusta ang pamamalengke?” ang tanong niya sa kanyang nanay na tiningnan lamang siya at napasulyap ito sa labas ng pintuan.
“Uh anak, may, naghahanap sa iyo” ang mabagal na pananalita nito sa kanya at pumasok na ang nanay niya sa loob ng bahay.
Kumunot ang kanyang noo, “sino po?” ang takang tanong niya, at hahakbang sana siya palapit, para silipin ang taong nasa labas nang sabihan ito ng kanyang nanay na pumasok ito sa loob, at isang tinig ng babae ang narinig niyang sumagot, at natigilan siya sa kanyang kinatatayuan nang bumungad sa kanya ang mukha ng babaeng pumasok sa loob ng kanilang maliit na bahay.
At lumagabog ang puso niya sa kanyang dibdib.
***

Custom-Tailored ( Romantic - Suspense) [ Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon