Chapter 41

1.2K 77 94
                                    

Walang pagsidlan ang tuwa ni Antonio ng mga sumunod na mga araw. Talagang unti-unti nang natutupad ang kanyang mga pangarap. At lalo na nang sabihin ni Nikita sa kanya, na handa na ito na maging Misis Nikita Alimbuyugin. Literal na nagtatalon siya sa loob ng kwarto nito, habang humihiyaw at tumatawa sa tuwa.
Pero, nagkasundo sila ni Nikita na kapag tuluyan ng magaling ang kanyang braso saka sila magsisimula na lakarin ang mga papeles nila para sa pagpapakasal at ayaw ni Nikita sa simbahan. Lahat ng gusto ni Nikita ay susundin niya, kahit pa sa kanto sila ng kalsada ikasal wala siyang pakialam basta ikasal sila ni Nikita.
At kapag nanganak na ito, siya na talaga ang pinakamaswerte at pinakamasaya na tao sa buong mundo. At ang pagsasama nila ni Nikita ay parang langit, punong-puno iyun ng saya at pagmamahalan. Pero, hanggang kailan? Oo, napakasaya niya, pero, mukhang siya lang ang nagiging masaya ng mga sumunod ng araw. Mukhang siya lang ang masaya.
Habang lumilipas ang mga oras at araw, ay napansin na ni Antonio, ang unti-unting pagbabago ni Nikita. Noong una ay inisip niya na ang pagiging iritable nito at pagiging mainitin ang ulo, ay dahil lang sa pagbubuntis nito. Pero, habang tumatagal, mas nagiging maikli na ang pasensiya ni Nikita at hindi lang sa bahay nila iyun nangyayari, kundi pati na rin sa trabaho nito.
Unti-unti na kasi niyang nararamdaman ang pagiging laging balisa ni Nikita. At kung noong una ay ang sapantaha niya ay dahil lamang sa pagbubuntis nito. Ay, unti-unting nagbago ang inaakala niya. Dahil nakita niya itong minsan na humawak ng lapis ngunit hindi pa nito maigalaw ang mga daliri nito, at nakita niya ang hinanakit sa mukha ni Nikita. At saka niya napagtanto na ang pagbabago ng ugali nito ay dahil sa napinsala nitong braso. Mukhang ang braso nito ay unti-unting naghilom pero hindi si Nikita.
Kumuha nga si Nikita ng bagong mananahi pero ang dami nilang returned orders dahil sa hindi maganda na pagkakalagay ng mga appliques o hindi maganda ang fittings. At kahit pa nagpapalit-palit na si Nikita ng mananahi, at naging maayos na ang mga nagagawang apparels ay walang nagtatagal rito. Hindi dahil sa hindi sila may problema sa production, kundi dahil sa pagiging maikli na pasensiya ni Nikita sa mga ito. Lagi na lang may nakikita ito na mali sa empleyado nito, na sinisisante nito o kaya naman ay nagwo-walk-out na luhaan. At dahil sa walang nagtatagal na trabahador si Nikita ay unti-unti itong nawalan ng mga clients, dahil sa hindi na nito mameet ang demands ng customers.
At dahil doon, ay bumaba ang sales ng Bewitched, marami ang hindi na nagpacustom – tailor, dahil sa delays ng orders. Kahit si Bessie ay nahihirapan na rin, at natatakot na si Antonio para kay Nikita, dahil sa baka unti-unting mawala  ang mga nagtatrabaho kay Nikita, nang dahil sa ipinapakita na ugali nito. At naalala niya ang nangyari kay Owen, ayaw niya na mangyari na muli iyun, at pagdusahan na naman ni Nikita ang mga naging sanhi ng aksyon nito.
Silang dalawa na lang ni Ginger ang nakakaintindi rito, o umiintindi rito. Pero, mukhang mas lalala pa ang sitwasyon sa mga susunod pang araw.
“Ma’am, ipinacancel na po ni Miss Sylva yung order po niya, two weeks delayed na po kasi ang order niya” ang narinig ni Antonio na sabi ni Ginger kay Nikita. Nasa loob sila ng opisina nito nang pumasok si Ginger para ibigay ang masama na naman na balita.
Pinagmasdan niya na napapikit si Nikita sa narinig nito mula kay Ginger.
“Pwede mo bang pakiusapan na lang muna na matatapos na this week yung order niya? Hindi ba at sabi ni Bessie matatapos na niya? Malulugi na tayo ng husto, at anong gagawin natin sa bra at panty niya na matatapos ng gawin? Sino ang magsusuot ng underwear na puro ribbon?” ang galit na tanong ni Nikita kay Ginger.
“Ma’am, ilang beses na po akong nakiusap, pero, ayaw na po niya talaga, lugi na nga daw po siya at nagbayad na siya ng kalahati, pero wala naman siyang makukuha na undergarments” ang sagot ni Ginger.
“How can she even say na malulugi siya? Eh yung initial payment niya ay para lang sa sandamakmak na ribbon na ipinalagay niya per lingerie niya, wala pang bayad para sa labor?” ang galit na sagot ni Nikita, “I’ll talk to to her” ang mabilis na sagot ni Nikita at nagkatinginan sila ni Ginger. Mukhang nagpapasaklolo ito sa kanya. Alam nila ang ugali ngayon ni Nikita, sigurado na walang preno ang bibig nito kapag nagalit ito.
Sa mga nangyayari ay hindi nila kailangan ng ikasisira  pa ng Bewitched, at mukhang ang pagka sira nito ay hindi na sa ibang tao pa manggagaling, dahil si Nikita na mismo ang sumisira sa sarili nito.
“Uhm Nikita, baka sakali na mapakiusapan ko si Miss Sylva, na-meet ko na siya sa isang fashion show, makikuusap ako sa kanya na bigyan ka pa ng pagkakataon” ang sabat niya.
Hindi sumagot si Nikita at nanatili na tikom ang mga labi nito. Sa sobrang pagkatikom ng labi ni Nikita ay tila guhit  na lang iyun sa mukha nitong hindi na naalis ang pagkakakunot.
“Sige po sir” ang mabilis na sagot ni Ginger na mabilis na lumabas ng opisina ni Nikita. Tumayo na rin siya at humakbang siya palapit kay Nikita para hagkan ito sa pisngi, pero dama niya ang pannlalamig nito. Dahil ng dumampi na ang kanyang mga labi sa pisngi ni Nikita ay bahagyang inilihis pa nito ang  pisngi sa kanyang mga labi.
Napayuko siya at napaiwas ng tingin ang kanyang mga mata at kahit pa hindi nakatingin sa kanya si Nikita ay tumangu-tango siya rito bago siya tuluyan na lumabas ng opisina nito.

Custom-Tailored ( Romantic - Suspense) [ Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon