FALL 1

16 1 1
                                    

Kate's POV

"Magdahan-dahan ka nga, anak," ani mommy dahil nakita niya akong matumba sa sobrang pagmamadali na magsuot ng sapatos.

"Mommy, there's no time- arghh! Magsuot ka na," inis kong sabi habang sinusuot ang black shoes. I'm super late for my first class, lagot na naman ako nito kay mrs. Delgado masungit pa naman 'yon.

"Bye, mommy!" sigaw ko sabay takbo palabas nang bahay. Agad akong sumakay sa aking kotse at minaneho patungo sa AKERMAN UNIVERSITY.

Ilang minuto lang ay dumating na ako sa university, pinark ko ang aking kotse at dali-daling bumaba. I arched my eyebrow when I saw Jeolen Quertes, siya ang aming president sa room. Nakahihimala lang at nalate ang babaitang 'to.

Tumakbo ako at patalon siyang inakbayan. Nagulat naman ito na kinahulog pa ng libro na kaniyang binabasa.

"Anong nakain mo't nalate ka, miss President?" Inirapan niya muna ako saka pinulot ang libro. Nasa taray mood na naman siya.

"Wala tayong teacher ngayon. May mga meeting, ayaw ko ngang pumasok pero dahil sa president ako ay kailangan kong bantayan ang makukulit nating kaklase." Nagpapadyak ako sa sobrang inis. Wala pa lang teacher edi sana hindi na kami pinapasok, gosh sayang lang sa gas.

"Tara na nga." Wala akong nagawa kun'di ang sumunod sa kaniya. Kilala kaming lahat sa university na ito, kilala bilang mataray, mapangmataas at iba pang negatibong ugali na hindi pa naman nila napapatunayan.

Porket kasi simula 7th grade ay hindi na talaga kami nagkahiwa-hiwalay na magkakaklase. Aaminin kong minsan na rin akong nangbully na pinagsisihan ko.

"Romar, Keisler! Pasok sa loob!" Napaigtad ako sa gulat dahil sa ginawang sigaw ni Jeolen, andito na pala kami sa tapat ng room. Gano'n na ba kalalim ang pagiging tulala ko?

Sina Romar at Keisler ay isa sa maliligalig naming kaklase. Sila ang sakit sa ulo naming lahat. Pero kung hindi dahil sa kanila ay hindi magiging masaya ang bawat taon na pagsasama namin.

Kulang ang klase kung walang abnormal na kaklase.

"Ayan na si miss. Sungit!" sigaw ni Kevin na kaibigan nina Romar at Keisler.

"Shut up!" Ngumiti lang ito nang malapad at muling nakigulo sa mga kaibigan. Umupo ako sa aking upuan at gano'n din si Joelen.

"Mainit na naman ulo niya," natatawang sabi ni Blessie. Boyish 'tong si Blessie, pa'no kilala ang kaniyang nanay at tatay sa larangan ng boxing.

"What's bago ba sa girl na 'yan?" Nakatanggap naman ng batok si Mycah galing kay Princess.

"Tigil-tigilan mo ang pagiging conyo mo," wika nito habang nakaduro kay Mycah na tatawa-tawa lang. They're always like that.

Pero kahit ganiyan ang dalawang 'yan may pagkakapareho sila, mahilig itong pumapak ng milo. Hanap nila'y diabetes.

"Ano ba?! Tigilan mo 'ko, Xyrus!" Napalingon kami kay Alliyah dahil sa ginawa niyang pagsigaw. Napatawa na lang ako nang malakas dahil sa itsura niya. Sobrang lukot ng mukha habang tatawa-tawa naman 'tong si Xyrus.

"Sige, tawa pa, Kate Randoval!" sigaw niya na mas kinatawa ko. Pikon talaga ang babaeng 'to.

"Ang panget mo, Alli," pang-aasar ni Kenneth kaya sinamaan siya nang tingin ng babae. Laging kawawa si Alliyah kapag napagtripan siya nina Xyrus at Kenneth.

Transferee lang no'ng isang taon si Kenneth pero unang araw pa lang ay naka-close na namin dahil isa ring maloko.

"Penge naman diyan," sigaw ni James sabay takbo patungo kay Eathan na may dala-dalang pagkain. Ang rules sa section na ito ay pagkain mo, pagkain ng lahat.

Our DownfallWhere stories live. Discover now