FALL 3

6 0 0
                                    

Kate's POV

Kagabi ay napanaginipan ko sina Jewell and Carline, humihingi sila ng tulong sa akin. Wala akong nagawa, I'm so useless. Hindi ko nagawang iligtas ang dalawa kong kaibigan.

"Kate, are you alright?" Hinagod niya ang aking buhok kaya tumango-tango ako. Kanina lang ay narealized kong maling-mali ang ginawa ko kahapon, pinairal ko ang aking galit kaya kahit ibang tao ay naidamay ko.

"Mom, am I useless?" naluluha kong tanong, hinarap niya ako sa kaniya saka emosyonal na umiling. Pakiramdam ko'y wala akong kwenta.

"Mom, they are my friends since 5th and 7th grade until now. Pero, bakit po 'yon nangyari?" Ngumiti siya at niyakap ako. Akala ko'y ubos na ang aking luha pero hindi pa pala, dahil ito na naman ako iiyak sa balikat ng aking mommy.

"Don't ever think na kasalanan mo kaya sila nawala. Baby, always remember that life and death are siblings. You can live if you wouldn't die. Just be happy for your friends dahil natapos na ang pagod nila sa mundong ito, makapagpapahinga na sila." Kahit papaano'y gumaan ang aking loob sa mga sinabi ni mommy. Pero hindi pa rin maiaalis sa aking masaktan dahil kaibigan ko sila at masakit isiping hindi na muli kami magkakasama-sama.

"'Nak, malelate ka na." Ngumiti ako at muling niyakap si mommy.

"Bye po," pagpapaalam ko bago lumabas ng bahay. Tamad na tamad kong binuksan ang pinto ng kotse, hindi ko nga alam kung pa'no ako nakapagmaneho ng lutang at wala sa sarili. Salamat na lang kay God dahil hindi ako nasagasaan.

Pinark ko sa parking lot ang aking kotse. Napangiti naman ako ng makita ko ang ibang kotse ng aking mga kaibigan. Naglagay na muna ako ng earphone sa aking tainga bago naglakad sa hallway. Ayokong makarinig ng chismis ng mga estudyante.

Tumingala ako at nakita ko ang kumpulang mga tao sa tapat ng aming room. Taena, ano na namang meron?

Dali-dali akong tumakbo paakyat sa third floor. Please, sana naman ay wala ng sumunod kina Carline.

Hindi ko na kakayaning mawalan pa ng isang kaibigan.

Nang makarating ako sa aming floor ay sumalubong sa akin ang katawan ni Yhumi, bangkay to be exact. Tumabi ako para makadaan sina Kevin at James na siyang magbababa ng bangkay ni Yhumi.

Kitang-kita ko kung pa'no tumulo ang dugo sa kaniyang mata, ang bibig niya rin ay tinahi. Ang mga kamay ay sobrang pipi na para bang minartilyo. Walang puso ang gumawa nito! G*go ang gumawa no'n kay Yhumi Kei.

Napaupo na lamang ako sa palapag ng hagdan. Tatlo na sila, tatlong kaibigan ko na ang nawala.

Ang sakit, sobrang sakit lalo na't wala ka manlang nagawa para tulungan sila. Humagulgol ako ng iyak, walang pakialam kung may makakita.

"Tumayo ka diyan." Inalalayan ako ni Jellian at Blessie na tumayo. Bago pumasok ay napansin ko ang dugo sa pinto.

"D-Dito niyo ba nakita ang bangkay ni Yhumi?" tanong ko sabay turo sa pinto na may dugo-dugo. Si Blessie ang tumango kaya muling tumulo ang aking luha. Pinauna ko na muna silang pumasok.

Nangunot ang aking noo dahil may maliit na nakasulat. Nilapit ko ang aking mukha at number 7 ang aking nakita. Coincidence lang ba ito? Anong ibigsabihin ng 7?

Gagawin ko ang lahat para pagbayarin ang gumawa nito sa tatlo kong kaibigan!

Pinaupo nila ako sa aking pwesto. Nasa tabi ko Kiezhea na mugtong-mugto ang mata. Sina Jeolen at Mycah ay tulala lang sa labas ng room, nakatingin sa kawalan.

Ang mga boys na dati ay sobrang ingay at kukulit, ngayon ay para ng isang mababait na tupa, tahimik sa bawat upuan tulala at hindi makapaniwala sa nangyari.

"D-Diamond section, pi-pinatatawag po k-kayo ni Mrs. Mecrado." Pagkatapos nitong magsalita ay agad tumakbo palayo sa akin. Taena, halata naman sa boses niyang natatakot siya sa amin.

Naunang lumabas si Jeolen, sumunod naman sa kaniya ang iba. Hindi ko sana balak tumayo kun'di lang ako pinilit ni Jellian. Lahat ng estudyanteng madadaanan namin ay pinagchichismisan kami. Pare-parehas naming hindi pinansin, siguro ay dahil sa pagod kaiiyak. Naabutan namin sa first floor sina James and Kevin.

"Sa'n kayo pupunta?" takang tanong ni James habang nakatingin sa aming lahat.

"Pinapatawag tayo ni tanda," ani Princess. Napakagat ako sa aking ibabang labi, tanda ang tawag namin kay mrs. Mecrado at ang nagpauso no'n ay si Carline.

Pinagpatuloy namin ang paglalakad hanggang sa tumapat na kami sa opisina ni tanda. Si Jeolon na ang kumatok, dati tuwing pinapatawag kami ni tanda ay nag-babato-bato pick pa kami kung sino ang kakatok at kung sino ang makikipag-usap. In just a snap nagbago ang lahat.

Hindi hinintay ni Jeolen na sumagot si Tanda bagkus ay binuksan na niya ang pinto. D'on ay nakita namin ang hindi kagaanong katandaang babae, pa'no nasobrahan sa pag-inom ng gluta kaya sobrang puti at pagpapahatak ng mukha kaya hindi mo makikita ang kulubot. But the truth is, 57 years old na siya.

"Good morning-"

"Walang good sa morning, Tanda," mataray na sabi ni Kiezhea kaya bumuntong hininga na lang si mrs. Mecrado.

"Anong want mo sa amin?" tanong ni Mycah habang nilalaro ang buhok. Palatandaan na naboboring siya.

"Okay, I just want to discuss what happened to your three classmate. Ayokong maging dahilan 'yon para ikasira ng reputasyon ng paaralan, so please huwag ninyong ilalabas o ikakalat ang nangyayari dito." Napairap ako sa sobrang inis. Taenang reputasyon 'yan!

"What?! Mas gusto mong maging malinis ang repustasyon ng university na ito kahit tatlo na sa kaibigan namin ang namamatay? Baliw ka ba, Tanda?!" sigaw ni Eathan, ngayon ko lang siya nakita na magalit ng ganito. Hindi ko siya masisisi because this old woman is really getting into my nerves.

"Walang kwenta ang reputasyon na 'yan kung mauubos na kami! Fvck, this is bullsh*t!" pasigaw na wika ni Romar sabay labas ng opisina, napaigtad pa ako sa gulat dahil sa bigla niya itong tinulak pasara.

"Tanda, huwag mong asahang susundin ka namin. Remember, lahat ng diamond section parents ay stockholders ng paaralan na ito. Hindi ko gustong manakot gusto ko lang isipin mo rin ang kapakanan namin bago ang kapakanan ng taenang paaralan na 'to," aniko at lumabas ng opisina. Ramdam ko naman ang kanilang presensya na sumunod sa aking lumabas.

Bumalik kami sa aming room ng bagsak ang mga balikat. Akala kasi namin ay may magandang ibabalita sa amin ang matandang iyon, wala naman pala.

Lumapit sa akin si Jeolen.

"Sa tingin ko'y isa lang sa atin ang killer." Nangunot ang aking noo dahil sa kaniyang sinabi pero napaisip din ako. It's not impossible.

"I think we need to langhap some fresh hangin. I miss our bonding, let's go to Kate's bahay," ani Mycah kaya napailing na lang ako sabay tango. It's a good idea. Wala naman atang masamang mag-enjoy at hindi pa naman kami sigurado ni Jeolen kung totoo ba ang hinuha namin. Life must goes on!

•••••

July 07, 2020

Our DownfallWhere stories live. Discover now