FALL 2

8 1 0
                                    

Kate's POV

Kumalat sa buong university ang pagkamatay ni Jewell. Matapos ng nangyari kahapon ay hindi na namin nagawang magsaya. Sinong t*nga ang magagawang magsaya kung alam mong namatay ang isa mong kaklase?

"Sino kaya ang gumawa no'n kay Jewell?" tanong ni Jellian. Nagkibit balikat lamang ako. Wala ni isa sa amin ang nakaaalam.

Biglang may tumili galing sa third floor kaya nagkatinginan muna kami ni Jellian bago tumakbo paakyat.

Ano na namang nangyari?

Bawat hakbang ko paakyat ay siyang pagbilis din ng kabog nang aking puso. Sobra ang aking kaba, sana naman ay hindi maulit ang nakita ko kahapon.

Pagdating namin sa third floor ay sinalubong agad ako ng yakap ni Kiezhea, umiiyak ito.

"Bakit?" tanong ko habang hinahagod ang kaniyang likod, basang-basa na ang aking balikat dahil sa kaniyang luha. Humiwalay siya ng yakap saka huminga nang malalim.

"S-Si Carline, Kate si C-Carline p-patay na." Nanlaki ang aking mata dahil sa narinig. Sumingit ako sa mga estudyanteng nagkukumpulan sa tapat ng aming room.

"Tabi!" sigaw ko at automatic naman silang nagsigilid. Hindi nila gugustuhing may magalit kahit isa sa diamond section.

Pumasok ako sa room at napatakip ng bibig. May saksak sa buo niyang katawan na naging dahilan para tumagas ang kaniyang dugo. Halos masuka ako habang nanginginig na naglalakad palapit sa bangkay ni Carline.

May nakatarak na bread knife sa noo nito, tanggal din ang isang mata at putol-putol ang mga daliri.

"C-Carline." Napaupo ako sa sobrang panghihina. Bakit nangyayari 'to?

"So gross." Hindi ko nilingon ang taong iyon pero alam kong galing ang boses na iyon kay Princess.

Hindi pa rin ako tumatayo at nanatiling nakatingin sa bangkay ng kaklase. Bakit nangyayari 'to?!

Dahil sa takot at gulat ay wala ako sa sariling lumabas ng room at pinagduduro ang mga estudyanteng kanina pa nakatingin sa amin.

"Ikaw?! Ikaw ba ang pumatay kay Carline?" sigaw ko habang kwinekwelyuhan ang isang lalaki. Umiling-iling ito habang lumulunok. Pabagsak ko siyang binitiwan.

"Ikaw?!" Hawak-hawak ko naman ang buhok ng isang babae.

"H-Hindi po." May humawak sa aking braso at hinila ako dahilan para mabitiwan ko ang buhok ng babae.

"Ano bang ginagawa mo?!" galit nitong sigaw sa akin. Hindi ako sumagot bagkus ay umiyak lang ako nang umiyak. Niyakap niya ako kaya bahagya akong kumalma pero and'on pa rin ang takot, galit at lungkot.

"Leave us alone!" sigaw ni Alliyah kaya narinig ko ang mga yabag ng mga estudyante na palayo sa amin. Hanggang ngayon ay nakayakap pa rin ako sa taong ito.

Dalawa sa mga kaklase ko ang namatay. Bakit?!

Ilang minuto pa ang lumipas bago ako yumiwalay sa pagkakayakap. Napayuko ako sa sobrang hiya, hindi ko hilig ang yumakap sa lalaki.

"Ba't namumula ka?" tanong niya habang sinisilip ako. Bumuntong hininga ako at nagtaas nang tingin.

"Pakening kayong dalawa!" sigaw ni Eathan kaya naman napatingin ulit ako sa loob ng room. Wala na ang bangkay ni Carline pero and'on pa rin ang mga dugo. Pumasok na kaming dalawa sa room. Lahat ng mga babae kong kaklase ay umiiyak, iyong mga lalaki naman ay tahimik lang sa gilid.

Bigla ay nagbago ang atmosphere ng aming room. Dati-rati ay pagpasok pa lang sa room namin ay nagtatakbuhang mga lalaki ang aking makikita, nag-aasaran at nagbabatukan ngunit ngayon, nawala iyon sa isang iglap.

Umupo ako sa aking upuan at muling napaluha.

"Bakit ba nangyayari 'to?!" sigaw ko ngunit walang sumagot. Nakagag*go ang nangyayari! Kung panaginip 'to taena gisingin niyo 'ko.

"Ang b-bestfriend ko wala na," umiiyak na wika ni Kiezhea. Pati ako ay naaawa sa kaniya, simula nang mga bata pa sila ay magkaibigan na ang dalawang 'yan kaya alam ko kung gaano kasakit para kay Kiezhea ang nangyaring ito.

"S-Sabi niya ay hindi n-niya ako iiwan. B-B*tch talaga siya, sinungaling!" sigaw niya habang garalgal ang boses. Lalong lumakas ang aming iyakan. Tunay na nakahahawa ang iyak na ginagawa niya.

"Kumalma ka, tumahan ka na." Alam kong pinipilit ni Jeolen na huwag ipakitang mahina siya ngunit bigo siya dahil taksil ang aming luha. Tuloy-tuloy pa ring tumutulo na para bang nakabukas na gripo.

"Calm down?! Quertes, pa'no ka kakalma kung nakita mo ang iyong kaibigan na brutal kung pinatay?!" Naghi-hystrical na naman si Kiezhea, alam namin ang kayang ng isang Kiezhea Falcon kapag hindi siya bumalik sa kaniyang sarili.

"How can I fvcking calm down, Quertes?! Tell me!" Biglang dumapo ang palad ni Jeolen sa pisnge ni Kiezhea dahilan para maalarma kaming lahat.

"You, b*tch!" sigaw nito sabay sampal din kay Jeolen. Hinawakan nina Jellian at Princess si Kiezhea habang iyong iba naman ay pinigilan din si Jeolen na magkadikit pa ang dalawa.

Taena! Taena, nila!

"Taena niyong lahat! Sige magpatayan tayo!" sigaw ko saka sinipa ang upuan. Lahat naman sila ay tumahimik.

"Ano?! Taena niyo, asan ang mga tapang niyo?! Tara, magpatayan tayo!" paghahamon ko at muling sinipa ang upuan na muntikan pang tumama kay Lenard mabuti na lang ay naiwasan niya.

"Bwesit!" Mabibigat ang aking padyak na lumabas ng room. Nagtataka ba kayo kung bakit ni isang teacher ay walang sumasaway sa amin? Dahil takot sila. Paglabas ko ng room ay may pailan-ilang estudyante ang nanonood kaya sinamaan ko sila ng tingin.

"Alis!" Nagsitakbuhan naman ito pabalik sa mga sari-sarili nilang classroom. Bumaba ako ng aming building, I need to calm down. Kailangan ko ng fresh air.

"Dalawa na sa kanilang kaklase ang namatay."
"Nakatatakot ang section nila."
"'Di ba nga ay namatay din si Kerine."

Nang marinig ko ang kanilang chismisan ay dali-dali kong sinugod ang dalawang babae. Sinakal ko ang isa habang sinipa ko naman ang babae na tumama sa puno.

"Sino ang nagbigay sa inyo ng karapatan para pag-chismisan ang aming buhay?" Mas lalo kong diniinan ang aking pagkakasakal. Tama lang sa kanila 'to.

Namumutla na siya at halos tumirik ang mata.

"K-Kate, n-na-nahihirapan a-akong h-humi-minga." Hindi ko siya pinansin, wala akong pakialam kung mapatay ko ang babaeng 'to. Taena nila, pagchismisan na nila ang lahat huwag lang ang aking mga kaibigan. Wala silang karapatan!

"Kate!" sigaw nila habang hinihila ako palayo sa babae. Tuluyan ko namang binitiwan ang leeg ng babae. Putlang-putla ito habang dahan-dahang umuupo sa semento. Ubo rin ito nang ubo.

"Are you out of your mind?!" sigaw sa akin ni Romar. Sinamaan ko lang siya nang tingin bago tumakbo palayo.

•••••

July 07, 2020

Our DownfallDonde viven las historias. Descúbrelo ahora