FALL 5

5 0 0
                                    

Jeolen's POV

"See you on monday, class," paalam ni mrs. Delgado saka lumabas ng aming room. Nakaiinis ang mga teacher namin, para bang wala silang pakialam sa mga namatay na estudyante.

Break time na pero wala sa amin ang may balak pumuntang cafeteria. Hindi dahil sa natatakot na makarinig ng mga usap-usapan kun'di natatakot kami na baka may maiwang isa at magkaroon ng oras na pumatay ang killer. Mas ayos nang sama-sama keysa ang maghiwa-hiwalay.

Simula 5th grade ay mga kaibigan ko na sila kaya gano'n na lang kasakit na mawala sila. Pakiramdam ko'y wala akong kwentang president, hindi ko nagawa ang aking task na alagaan sila. Simula ng makilala ko sila ay pinangako ko sa aking sarili na hindi ko sila pababayaan pero anong nangyari? Wala akong nagawa at wala pa ring ginagawa.

Natapos ang araw na ito ng walang namatay sa amin. Sana naman ay magtuloy-tuloy na ito.

Dumaan ang isang linggo at bumabalik na rin kami sa dating sigla. Nagagawa na naming magsaya, isang linggo na ring walang namamatay.

Baka napag isip-isip ng g*gong killer slash kaibigan namin na mali ang kaniyang ginagawa.

"Akin na kasi 'yan!" sigaw ni Kate habang inaagaw ang cellphone na mukhang kinuha na naman ni Romar. Napangiti ako, bagay sila.

"Ano bang tinatago mo rito?" Dahil matangkad si Romar ay hindi ito maabot ni Kate.

"Wala akong tinatago diyan. Akin na kasi!" sigaw nito habang tumatalon-talon. Nakangiti lang akong tumitig sa kanilang dalawa.

"Ang creepy ng ngiti mo," ani ng aking katabi na si Blessie. Ngumisi lang ako, nakatatawa naman kasi talaga ang dalawa.

"Romar Tornesa!" Kapag buong pangalan na ang sinigaw ni Kate ibigsabihin lang no'n ay galit na siya pero si Romar lang ang hindi tinatalaban sa mala-tigreng tingin nito.

Kung hindi ko lang talaga kilala si Kate ay iisipin kong isa siyang killer. Pa'no tingin niya pa lang masasakal ka na.

"Sana all naglalandian," mataray na sabi ni Kiezhea sabay irap sa kawalan. Mataray slash bitter na babae ang katayuan ni Kiezhea sa aming section.

"Andiyan naman si Eathan, landiin mo," natatawang sabi ni Frenz kaya nakatanggap siya ng dalawang batok galing kay Kiezhea.

"Yuck! Mandiri ka nga, Frenz. Mas may oras pa sa pagkain 'yang si Eathan keysa sa babae." Umarte pa ito na parang nasusuka. Taray talaga, nakakamiss lang si Carline dahil kapag nagsamang magtaray si Carline at Kiezhea, jusko wala na. Umuwi ka na lang dahil hindi mo kakayanin ang masasakit na salitang lalabas sa kanilang bibig.

"Wow, na lang sa 'yo, miss Falcon. Kahit magka-oras ako sa babae hindi kita papatulan. Over my dead chubby body," wika nito sabay subo ng kinakaing chitchirya. Proud to be chubby ang lalaking 'to eh.

"Para namang papatulan din kita. Yuck!" Pinakita pa nito ang kaniyang gitnang daliri. Nagsitawanan kami dahil sa asaran nila.

"Whoaaa." Napalingon ako kay Jellian at nanlaki rin ang aking mata.

Nakapatong lang naman si Kate kay Romar habang hawak-hawak ang sariling cellphone. Yahhh! Grabe naman ang mga 'to.

Dali-daling tumayo si Kate, pulang-pula ang pisnge nito. Blush pa nga.

"Si Kate Randoval namumula sa kilig!" nang-aasar na sigaw ni Princess.

"Pakening kayo, may motel po kaming pinagmamay-arian, doon niyo ituloy ang naudlot niyo—" Hindi natapos ni Eathan ang kaniyang sasabihin dahil may tumamang sapatos sa kaniyang mukha. Sapatos ni Kate.

"Taena mo, Eathan!" sigaw niya sabay dukdok sa armchair. Ngayon ko lang siya nakitang mahiya nang ganito katindi.

Hanggang ngayon ay nagtatawanan pa rin kami. Inaasar ng mga lalaki si Romar habang kami naman ay si Kate. I'm sure may gusto ang dalawang 'to sa isa't isa. Ayaw pa kasing mag-aminan.

Natapos ang tawanan at asaran namin dahil pumasok na ang aming next teacher. Gustuhin ko mang makinig ay hindi ko magawa dahil naalala ko na namang ang nangyari sa aking apat na kaibigan.

Hindi ko na talaga 'yon makakalimutan. Mananatili ang brutal na pagpatay na iyon sa aming buhay.

Oras nang uwian. Para bang nakadikit kami sa aming mga upuan dahil ni isa sa amin ay hindi pa rin tumatayo.

"Why don't we have a vacation?" suggest ni Princess. Agad namang tumango ang ilan, iyong iba ay alam kong nagdadalawang isip pa rin.

"Baka ikapamahak natin ang bakasyon na iyon," ani Jellian.

"Hindi 'yan," pagkontra naman ni Frenz. Karamihan sa amin ay gusto ang naisip ni Princess kaya wala na ring nagawa 'yong iba kun'di ang pumayag.

Sana lang ay maging maayos ang bakasyon na iyon.

"Mycah, may van kayo, 'di ba?" tanong ni Princess na tinanguan ni Mycah.

"Iyon ang gagamitin natin. Dito tayo sa tapat ng university magkita-kita. Bago mag-7:00 am." Tumango kaming lahat. Kahit papaano'y nakararamdam ako nang excite.

Sabay-sabay kaming lumabas ng room. Pagbaba namin ay ilang estudyante na lang ang aming naabutang paikot-ikot sa hallway, marahil ang iba'y umuwi na.

Dumiretso kami sa parking lot kung saan na roon ang aming mga kotse. Hinintay ko muna silang sumakay at magmaneho. Nang makitang nakaalis na sila ay pumasok na rin ako sa aking kotse at nakangiting nagmaneho.

"Magiging masaya ang bakasyon na 'yon."

Someone's POV

"Mas pinadali lang nila ang kanilang kamatayan." Nakangisi akong nakatitig sa mga kotse nilang palayo sa university.

"Palay na ang lumalapit sa manok."

Muli akong nagmaneho para makarating na sa bahay. Kailangan kong maghanda ng gamit para sa gagawing bakasyon bukas.

Nang makapasok ako sa loob ng bahay ay sumalubong agad sa akin ang napalungkot at madilim na bahay. Binuksan ko ang ilaw at napaigtad dahil sa babaeng nakatayo sa aking harapan.

Puro dugo ang mukha nito, tanggal ang isang mata at may nakatarak na palakol sa kaniyang bungo.

Napakurap ako at nawala na ang babae sa aking harapan. Ramdam na ramdam ko ang malamig na hanging pumasok sa nakabukas na pinto.

"What the hell," bulong ko.

"Pakening, kinokonsensya mo ba ako Carline Podran?" Ngumisi lang ako. Hindi ako anghel para makonsensya.

"Don't worry, susunod na rin sa 'yo ang mga kaibigan mo."

•••••

July 08, 2020

Our DownfallWhere stories live. Discover now