FALL 7

4 0 0
                                    

Kate's POV

May kumatok sa aking pinto kaya agad ko naman itong binuksan. Bumungad sa akin ang pagmumukha ni Romar, napairap na lang ako. Ito talagang lalaking 'to ang sisira ng bakasyon ko.

"Kakain na tayo," aniya kaya tumango ako. Kumunot ang aking noo dahil hindi pa rin siya umaalis sa tapat ng aking kwarto. Ano hinihintay nito?

"Hihintayin kita." Inirapan ko ulit siya bago sinara ang pinto. Napakagat ako sa aking labi at parang uod na nilagyang asin akong naglakad palapit sa tapat ng salamin.

Pagkatapos kong magsuklay ay naglagay rin ako ng pulbo. Nginitian ko muna ang aking sarili saka lumapit sa pinto. Binuksan ko ito at ayon si Romar, nagcecellphone habang nakasandal sa pader. Hindi niya pa ata ako napapansin kaya sumandal ako sa pintuan saka tinitigan ang malaperpekto niyang mukha.

Maputi si Romar, matangkad at maganda ang katawan. Sa mukha naman ay matangos ang ilong, mayroon ding mahahabang pilikmata at pinkish na labi. Masasabing kong napakaperpekto ng kaniyang itsura. Makulit nga lang at ang hilig mang-asar pero mabait.

Itong si Tornesa ay anak ng may-ari ng Lencerson University, ang alam ko'y pinamana ng kaniyang lolo ang university sa mommy niya. Dati ay pag-aari ito ng Sigrid family pero dahil minana ni tita Amara Sigrid- Tornesa, napunta na sa kanila ang rights. Pero ewan ko ba sa lalaking 'to, may sarili namang university sa Akerman pa rin nag-aral.

"Tapos ka na bang titigan ang aking mukha?" Napasimangot ako saka siya tinalikuran. Nahuli niya ba akong nakatitig sa kaniya? Gosh, so humiliating.

Pagkasarado ko ng pinto ay hindi ko siya nilingon. Binilisan ko rin ang aking paglalakad. Ayoko siyang makasabay. Hanggang ngayon ay namumula pa rin ako sa sobrang kahihiyan.

"Ba't namumula ka, Kate?" tanong ni Jellian pero umiling lang ako.

"Kayo huh, anong ginawa niyo?" Sinamaan ko ng tingin si James kaya tumango-tango na lang ito at bumalik sa pagkakaupo.

"May ginawa kayo, 'no?" Sabay kaming lumingon sa nagsalitang iyon, taena nitong ni Kenneth ang dumi ng isip.

"Wala," sabay naming sagot ni Romar kaya nagtawanan na naman ang aking mga kaibigan. May mga saltik talaga.

"Ba't 'di niyo pa kasi amining-"

Hindi natapos ang dapat na sasabihin ni Jeolen ng may marinig kaming tili. Parang galing 'yon sa third floor dahil na rin hindi gano'ng kalakas.

"Si Alliyah," sabi ni Kiezhea kaya dali-dali kaming umakyat ng hagdan. Nang makarating kami sa third floor ay luminga-linga kami sa kanan at kaliwang hallway.

Muli itong tumili na mukhang nanggaling sa kanan kaya d'on kami pumunta. Nakita namin si Alliyah, nakaupong nakasandal sa pader habang umiiyak.

Fvck!

Patakbo namin siyang nilapitan at tinanong ang nangyari, tinuro niya ang isang kwartonh nakabukas at hula ko'y isa ito sa kwarto ng mga lalaki.

"Frenz!" pasigaw na wika ni Mycah kaya lumapit din ako sa kaniya. Sh*t! Kanina lang ay kausap ko pa siya tapos ngayon wala na.

"Taena!" Ang bakasyong inaakala kong magiging maayos ay isa pa lang pangyayari na ikababaliw naming lahat.

Ang brutal. Hindi ko kinayang titigan ang kaniyang katawan kaya lumabas ako ng kwarto. Pinilit kong huwag umiyak pero taena taksil ang aking luha.

Hindi pa man kami nagdadalawang araw sa resort na ito ay may namatay agad. Tahimik kaming bumaba at pumuntang restaurant na nandito sa loob ng hotel.

"I want to go home!" umiiyak na sigaw ni Alliyah. Tumayo ako at lumabas ng hotel, kailangan na naming umalis sa taenang resort na ito.

Baka kapag nagtagal pa kami ay hindi lang si Frenz ang mamatay. Ayokong maubos ang aking mga kaibigan. Tinakbo ko ang yateng sinakyan namin ngunit laking gulat ko dahil umaapoy na ito.

Ang tanging pag-asa naming makaalis sa resort ay nawala. Pa'no na kami? Hindi pwede 'to! Taena, plinano talaga 'to ng killer.

Wala ring signal ang aming phone!

Bumalik ako sa hotel ng umiiyak. Ayokong ipakita sa kanilang mahina ako! Dapat ay may isang taong huhugutan nila ng lakas at ako 'yon. Pinunasan ko ang aking luha at ilang beses na bumuntong hininga bago pumasok sa resto.

Kagaya no'ng iniwan ko sila, mga tulala pa rin at mugto ang mga mata.

Biglang tumayo si Jeolen kaya nilingon ko siya.

"Uuwi na tayo. Tara na sa yate," aniya ngunit umiling ako.

"Pinuntahan ko ang yate, sunog na ito." Bigla ay nawala ang pag-asa nilang lahat.

"Hindi pwede! Ayokong mamatay sa lugar na ito." Niyakap ko si Jellian at hinayaang umiyak. Nasasaktan akong makita silang umiyak pero ano bang magagawa ko? Kahit sarili ko'y 'di ko mapahinto sa pag-iyak sila pa kayang hindi ko hawak ang nararamdaman.

Nang tumahan ito ay humiwalay na siya sa akin. Pinunasan niya ang kaniyang luha.

"Kailangan nating maging malakas. Huwag niyong ipahalatang natatakot kayo sa killer, dahil habang natatakot kayo ay siya namang kinatutuwa ng taenang killer," ani ko habang tumitingin sa kanilang lahat. Ayoko silang paghinalaan pero kami-kami lang ang nandito.

"Kumain na tayo," sambit ni Blessie. Umupo kami sa upuan, katabi ko sa kanan si Jellian at sa kaliwa ko naman si Jeolen. Si Romar naman ang aking nasa tapat kaya hindi ako makaayos ng tingin sa harap.

Kung normal lang ang araw na ito ay siguradong nagtatawanan kami habang kumakain. Pero ngayon, nakasasakal ang nakabibinging katahimikan.

Akala ko talaga'y wala ng mamatay pero ito pala ang plano ng killer. Siguro ay tinatawanan na niya kami dahil ang tat*nga namin na sumama sa bakasyon na ito.

Natapos ang aming pagkain ng walang namuong usapan. Ang tangi ko lang naririnig ay kalampag ng kutsara't tinidor na bumababa sa plato.

Nauna akong tumayo at naisipang pumunta sa kwarto ni Frenz. Baka kasi may makuha akong clue na maaaring maituro kung sino sa amin ang killer.

Nang makapasok sa kwarto ay napatakip ako sa aking ilong dahil sa masangsang na amoy. Puro talsik ng dugo ang pader pero wala na ang bangkay ni Frenz. Binuksan ko ang ilaw at hinayaang nakabukas ang pinto.

Nilapitan ko ang pwesto kung saan namin nakita si Frenz. Wala akong nakita kun'di mga dugo. Nangunot ang aking noo dahil may biglang kumislap na bagay sa gilid ng cabinet. Kinuha ko ang bagay na iyon.

Bigla akong nanginig ng makilala kung sinong may-ari ng singsing na ito. Impossible.

"What are you doing here?" Napaigtad ako sa gulat dahil biglang may nagsalita. Nilingon ko naman siya saka inilingan. Palihim kong tinago ang singsing sa aking bulsa at tinitigan siya.

"Naghahanap ako ng clue, kaso wala eh," aniko saka nagkibit balikat. Naglakad na ako palabas ng kwarto. Hindi naman siya sumagot pero nanataling nakaharap sa loob ng kwarto.

Bigla ay dumapo ang aking paningin sa ibaba niyang pantalon.

Stain? Blood stains?

Nahalata niya akong nakatitig sa kaniya kaya pilit akong ngumiti at tumakbo pababa ng hotel.

Malalaman ko rin kung sino ang demonyong nagtatago sa maskara.

•••••

July 08, 2020

Our DownfallWhere stories live. Discover now