FALL 9

5 0 0
                                    

Kate's POV

"Can we talk?" Nangunot ang aking noo at tinaasan siya ng isang kilay. Nakapapanibago lang dahil ang isang Lenard Dee na mailap sa tao ay gustong makipag-usap sa 'kin.

"Tungkol saan?" tanong ko. Lumingon naman siya sa paligid habang nakalagay ang dalawang kamay sa kaniyang bulsa, well he's cool.

"D'on tayo." Nagtaka pa ako kung bakit kailangan sa labas ng hotel kami mag-usap. Siguro ay ayaw niyang may makarinig.

Tumayo ako at sumunod sa kaniya palabas ng hotel pero napahinto ako ng paglalakad ng may humawak sa aking braso. Nilingon ko ito at pinagtaasan ng kilay.

"Why?" aniko sabay hila pabalik ng braso. This past few days Romar acts so weird!

"Sa'n kayo pupunta?" Sabay nguso niya kay Lenard na napahinto rin pala sa paglalakad at mukhang naiinip na.

"Mag-uusap lang kami," sabi ko sabay talikod. Lumabas na kami ng hotel at dumiretso sa isang lugar na hindi pa namin napupuntahan. Pa'no naman niya nalaman ang lugar na ito? Saka bakit ba dito pa sa tago kami kailangang mag-usap. Taena, baka si Lenard ang killer at dito niya ako papatayin.

"Tungkol saan ba ang sasabihin mo?" Bumuntong hininga siya at tinitigan ako. Taena, kinakabahan ako sa kinikilos ng isang 'to.

"Taena, Lenard," bulong ko.

"Si Xyrus kapatid siya ni Jewell sa ina." Literal na namilog ang aking mata at bumukas ang bibig pero wala namang salita na lumabas. Taena?

"HAHAHA," sarkastiko kong tawa pero sinamaan niya ako nang tingin kaya umayos ako nang tayo at tinitigan siya.

"Are you serious?" Tumango-tango pa siya. Taena, ba't hindi nila sinabing magkapatid pala sila?

"Bakit mo sa akin sinasabi?" Nagkibit balikat ito kaya naman inirapan ko ito ng ilang beses.

"Alam kong makakatulong ang sinabi ko sa 'yo. Tara balik na tayo," aniya at naunang naglakad. Ako naman ay hindi pa rin makapaniwala sa sinabi ni Lenard. Magkapatid si Xyrus and Jewell, anong rason nila para huwag sabihin?

Siguro for privacy purposes pero kahit na!

Kung magkapatid ang dalawa pwedeng si Xyrus ang killer. Tapos 'yong blood stain na nakita ko sa kaniyang pantalon kahapon. It is possible na si Xyrus ang pumapatay?

Nanlaki ang aking mata at dali-daling kinapa ang singsing na nasa aking bulsa. Kay Jewell ang singsing na ito. Napasabunot na lang ako sa aking buhok! Bakit kailangang mangyari 'to?

Even your close friend can be a traitor, I mean killer.

Si Xyrus ang killer! Ginagawa niya 'yon para maghiganti sa kaniyang kapatid.

Gosh, hindi pa ako sure pero may sapat na akong ebidensya. Pero and'on pa rin 'yong pagdadalawang isip, kaibigan ko si Xyrus kaya nahihirapan ako.

Nakabalik kami ng ligtas sa hotel, sinalubong ako ni Xyrus kaya agad nangatog ang aking tuhod. Kung totoo ngang siya ang killer, kailangan ay huwag akong magpahalata na may alam.

"Ba't parang nakakita ka ng multo?" Umiling ako ng ilang beses. Taena Kate, huwag kang magpahalata. Umarte ka na walang alam.

"Gutom na kasi ako," aniko saka siya nilagpasan. Para naman akong binunutan ng tinik sa lalamunan. Naninindig pa rin ang aking balahibo, taena.

Umupo kaming lahat sa mahabang lamesa. Nagtawanan kaming lahat at nagpalitan ng maaaring mapag-usapan hanggang sa mapunta ang aming topic tungkol sa killer.

"Guys, napansin niyo ba 'yong footprint sa room ni Frenz, I mean shoe print?" Napatango ako dahil sa sinabi ni Blessie. Napansin ko rin 'yon no'ng pumunta ako sa kwarto ni Frenz, hindi ata napansin ng killer na nakapag-iwan siya ng isang napakalaking clue.

"Panlalaki ang sapatos na iyon." Dumapo ang tingin ko kay Xyrus at palihim akong napangisi ng makita ang kaniyang paglunok.

"Sa kusina naman, no'ng namatay si Jellian..." Nilingon muna ako ni Blessie at nginitian ko naman siya. "Iyong footprint, maliit siya hindi kagaya no'ng shoe print sa kwarto ni Frenz. Ewan ko pero sa tingin ko hindi lang isa ang killer," pagpapatuloy niya habang nililibot ang paningin sa aming lahat. Natahimik ang aking mga kasamahan, hindi makapaniwalang maaaring dalawa, tatlo o kaya'y apat ang killer.

Taena, kung tatlo ang killer kilala ko na ang isa. Kailangan lang na mahulog siya sa bitag at mismong bibig na niya ang magsabing siya ang killer.

"Mamamatay na ba tayo?" Nilingon ko si Alliyah sabay iling. Wala na dapat sumunod kay Jellian kun'di ang mga killer.

"Huwag kayong aalis ng walang kasama. Hangga't maaari ay tatlo dapat kayo," ani Romar na tinanguan naming lahat. Dobleng ingat ang kailangan namin.

"Magdala kayo ng matulis na bagay. Ballpen ay pwede ng pantusok sa mata," seryosong dagdag ni Jeolen.

"Iwas-iwasan niyo rin ang pagpunta sa madidilim na lugar, taena buhay natin ang nakasalalay dito." Ngumiti ako pagkatapos magsalita. Sana talaga'y wala ng sumunod sa aking bestfriend.

"Grabe, nakabibingi naman ang katahimikan. Come on, hindi porket nandito tayo sa sitwasyon na ito ay hindi tayo magsasaya..." Nakangiti siya habang nagsasalita.

"Hindi natin alam kung sino ang susunod kaya habang may buhay pa tayo, magsaya tayo." Tumango-tango ako, hindi naman ang killer ang makakapagpigil para magsaya kami.

"Dating gawi!" sigaw ni Romar sabay bato ng pagkain. Guess what, ako talaga ang una niyang tinamaan. Taena niya, kinuha ko ang buto ng fried chicken saka sa kaniya binato.

"Pakening ka, James!"
"Lagot ka sa akin."
"Yuck, my damit is so kadiri."

Tatawa-tawa ako habang nangbabato ng pagkain. Ganito kami. Alam kong masamang magsayang ng pagkain.

Pagkatapos naming magbatuhan ay umupo kami sa upuan, 'yong iba naman ay sa lapag. Kapagod.

Kinagabihan ay nagkantahan kami dito sa hotel. Si Kenneth ang naggigitara habang kami naman ay kumakanta. Walang pakialam kung sintunado.

Bakit kapag tumitingin ka natutunaw ako

Bakit kapag lumalapit ka kumakabog ang puso ko

Bakit kapag nandito ka sumasaya araw ko

Taena, bumibilis ang tibok ng aking puso. Para akong natutunaw sa ginagawa niyang pagtitig, taena mo Romar! Anong ginagawa mo sa akin.

Lahat ng bagay sa mundo parang walang gulo

Anong walang gulo? May namatay na nga sa atin tapos wala raw gulo. Baliw ka na, Romar.

Bakit kapag nakikita ka parang nasa ulap ako

Bakit kapag kausap kita nauutal-utal ako

Bakit kapag nandito ka nababaliw ako

Nababaliw sa tuwa ang puso ko

Nakatitig kami sa isa't isa, ramdam ko rin ang pag-init ng aking pisnge. Pakiramdam ko'y wala kaming kasama.

Iba talaga ang epekto sa akin ni Romar. Matagal na akong may gusto sa kaniya, but I had no time para umamin lalo na ngayong hinahabol kami ni Kamatayan.

Lenard's POV

Tumayo ako at mag-isang pumunta sa CR. Ayoko namang magpasama. Saka busy silang lahat na magkantahan.

Pagbukas ko ng pinto ng CR para lumabas ay bumungad sa akin ang walang emosyon niyang mukha. Ngumisi ako, alam kong oras ko na. Atleast nasabi ko na isang taong mapagkakatiwalaan ang sekretong matagal ko ng alam.

"Handa na akong mamatay." Pinakita niya sa akin ang kutsilyo sabay saksak sa aking tiyan. Kinagat ko ang aking labi dahil sa sakit.

"Fvck you," naluluha kong wika.

"Bye." May kinuha ulit siyang kutsilyo ay sinaksak sa aking dalawang binti, bumagsak ako sa tiles at ang ulo'y nauntog sa pader na tiles. Ramdam na ramdam ko ang pagtulo ng dugo sa aking ulo.

Pinutol niya ang dalawa kong kamay at sinaksak ang dalawang mata. D'on ay natapos na ang aking buhay.

Kate, ikaw na ang bahala sa kanila.

•••••

July 09, 2020

Our DownfallWhere stories live. Discover now