Chapter 3

1.2K 108 33
                                    

Deina's POV

"Omg! I'm so excited to meet you Bobbie." masayang sabi ni Nevaeh sa kabilang linya.

"Nasaan ka na? Malapit ka na ba?" natatarantang pagtatanong nito sa kabilang linya.

"Oo malapit na ako, natatanaw ko na yung sweet restaurant." natatawang sabi ko dito habang tumatakbo.

Natapos ko agad ang mga ginagawa ko sa Opisina kaya maaga akong naka labas at sakto naman na minessage ako ni Neveah at gusto makipag kita.

Kaya napag kasuduan namin na mag kita sa isang sweet restaurant malapit dito sa Company at libre naman daw niya.

"Good morning Ms. may reservation po ba kayo?" bungad ng babae na malapit sa may pintuan ng Restaurant.

"Ah wala, pero im here to see Ms. Nevaeh Dy." sabi ko sa babae at tiningnan nito ang isang reservation book na hawak.

"Ok Ms. dito po tayo." naka ngiti sabi nito at nag lakad na, sumunod naman ako dito.

Malayo pa lang ay natatanaw ko na ang isang maganda at makinis na babaeng naka ngiti ng malawak.

Nang malapit na ako ay agad ako nitong sinunggaban ng yakap.

"Namiss kita Bobbie, grabe ang ganda mo pa din ha!" sabi nito ng maka bitiw na sa akin sa pag kakayakap.

Some of my friends always calling me Bobbie because i have a slight chubby cheeks and sometimes na aapply ko na sa sarili ko na tawagin ko ang sarili ko ng Bobbie.

Tinawanan ko na lamang ito at naupo na, umupo na din naman ito sa kabilang tapat ng table.

Maya maya ay dumating naman ang isang lalaki para bigyan kami ng menu.

Umorder naman ako ng isang dark chocolate oreo cake at one glass of iced tea, dahil favorite ko ang dark chocolate.

Nag order naman si Nevaeh ng isang strawberry chocolate cake at isang orange juice.

Habang kumakain kami ay nag ke- kwentuhan kami tungkol sa aming mga career na ngayon sa buhay at hindi rin maiwasan na mapag kwentuhan ang tungkol sa college life namin dati.

Nevaeh Dy is one of my bestfriend we met on Cambridge Isabel University siya ang una ko naging kaibigan sa University dahil that time on College nag kahiwalay kami ni Vicky dahil sa ibang University siya nag aral at ibang course din ang kinuha niya.

"So may love life ka na ba?" kinikilig na sabi nito at pag iiba nito sa pinag uusapan namin.

Umiling na lang ako bilang sagot.

"Bakit dahil pa rin ba kay Jr?" nag aalalang tanong nito.

"No, tsaka tulad nga ng sinabi ko busy ako sa work kaya wala akong time isipin yang love life na yan and im focusing to my goal to make my parents proud." sabi ko dito at sabay ngiti.

"Ay bongga!" sabi naman nito at sabay tawa at naki tawa naman na din ako dito.

John Roi is my first love on College and my first heart break i saw her kissing other girl pero tinanggi pa niya kahit kitang kita ko na sa dalawang mata ko na nag loloko siya sa relasyon namin.

Naka move on na naman ako but I do not know if I can still give my trust to someone else.

Kakababa ko pa lang ng taxi at nandito na ako sa harap ng Condo.

Hindi nga ako ginabi dahil sa pag tatrabaho, ginabi naman ako sa pakikipag kwentuhan kay Nevaeh.

*Ring ring*

"Hello?" pag sagot ko sa aking telepono.

"Where are you Bobbie?" pag tatanong ni Vicky sa kabilang linya.

"Nandito na ako sa harap ng Condo." sagot ko dito habang patawid na.

"Ok sige sunduin na kita at may kikitain naman ako diyan sa baba." sabi nito at binaba na ang tawag.

Pagkababa ng tawag ay agad kong nilagay ang phone ko sa bag, napansin ko naman na wala ang wallet ko kaya napatigil ako sa daan at hinalungkat ang bag ko.

"Miss!" naririnig kong pag tawag ng isang lalaki.

Napalingon naman ako dito at nakita ko ang dalawang lalaki na pagewang gewang ang pag lakad, napag tanto ko naman na mga lasing ito dahil ang isang lalaki ay may hawak pa ng bote ng alak.

Tatakbo na sana ako dahil nararamdaman ko na may mangyayaring masama kaso huli na ang lahat hinawakan na ako ng dalawang lalaki sa mag kabilang braso ko.

"Help! Tulong!" pag sigaw ko ngunit hindi ko na nasundan pa ito muli ng pag hingi ng tulong dahil tinakpan ng isa sa kanila ang bibig ko.

Nag pupumiglas na ako ngunit walang epekto lalo lamang humihigpit ang pag kakahawak nila sa braso ko.

Bigla naman may tumigil na itim na sasakyan at may bumabang matangkad na lalaki dare- daretso itong nag lakad patungo sa amin.

Wala akong nagawa kung hindi pumikit na lamang.

Maya maya ay naramdaman ko na wala ng naka hawak sa braso ko at minabuti kong imulat ang aking mga mata.

Pag mulat ko nakita ko ang dalawang lalaki na naka bulagta sa may lupa at may mga dugo sa mukha.

Napatingin naman ako sa lalaking nasa harapan ko pawis na pawis ito, hindi ko masyado maaninag ang mukha nito dahil sa naka harang nitong buhok sa mukha.

"Bobbie!" pag sigaw ni Vicky na nasa di kalayuan.

Wala akong ibang nararamdaman kundi takot kaya ng tawagin ako ni Vicky ay tumakbo agad ako dito at niyakap.

Tumawag ito ng Guard at maya maya ay nasa harapan na namin ang isang matangkad na lalaki na kanina ay naka yuko at ngayon nakikita ko na ang kanyang mukha.

Mapupungay ang mga mata nito, matangos ang ilong, may katamtamang pula ng labi at napansin ko naman dito na may pasa ito sa kanyang pisngi at may unting dugo.

Dito ko na realize na siya ang lalaking bumaba kanina sa may itim na kotse na akala ko ay kasabwat ng mga lalaki lasing, ngunit siya ang tumulong sa akin na nag pawala na ng takot ko ngayon.

"Bobbie, this is Arthur my cousin siya yung sinasabi ko sayo na kikitain ko dito sa baba." pag papakilala ni Vicky sa kanyang pinsan.

"Arthur, this is Deina siya ang kasama ko sa Condo and my bestfriend." pag papakilala ni Vicky sa akin sa kanyang pinsan.

"Thank you." malaking pag papasalamat ko kay Arthur.

Tinanguan lang ako nito at iniabot ang bag ko na nabitawan ko kanina.

Minabuti ni Vicky na magamot ang sugat ni Arthur kaya dinala niya ito sa Condo Unit namin.

Nang nandito na kami sa Condo namin ni Vicky ay inalok ko ito na gamutin ang kanyang sugat upang maka bawi sa kanya dahil sa tingin ko ay kulang ang pasasalamat sa ginawa niya pag tulong sa akin ngunit tumanggi ito at si Vicky na lang daw.

Sinabihan naman ako ni Vicky na mag pahinga na ako at mag linis kaya pumasok na ako sa kwarto ko.

Agad ako nag palit ng pang tulog ko at minasahe ang mga bumakat na pag hawak sa akin ng mga lasing na lalaki kanina.

Naikwento naman sa akin ni Vicky dati na may nag iisa siyang pinsan na lalaki ngunit wala naman siya nasabi na gwapo pala ito.

Be With You (COMPLETED)Where stories live. Discover now