Chapter 8

968 90 3
                                    

Deina's POV

"I want to go with you." pag pipilit ni Arthur na naka sandal sa pintuan ng aking kwarto.

Kanina pa ako nito pinipilit na isama siya pag uwi ko sa probinsiya ko, eh hindi ko naman siya pwede isama at baka mabored lang siya doon.

"Hindi nga pwede." medyo naiinis ko na sagot dito habang nag iimpake ng unting gamit ko para sa pag stay doon ng dalawang araw lamang, bibinyagan kase sa araw na ito ang anak ni Ate Gabriella.

Sabi naman ni Mommy ito na ang pag kakataon ko na makita ang baby ni ate Gabriella at maipag luluto na din niya ako ng paborito kong ulam.

"But you said kailangan ko mameet ang parents mo to show respect to them." naka ngising sabi ni Arthur na mukhang naka hanap na ng palusot para isama ko siya.

Seryoso talaga siyang liligawan niya ako? Akala ko ba biro biro lang.

"Ok fine." naka ngiti kong sabi dito.

Nasa elevator na kami at buhat buhat ni Arthur ang black duffle bag ko, nagulat nga ako dito dahil bigla lang nitong hinigit sa akin ang bag at siya na ang nag dala.

Naka suot ako ngayon ng yellow floral polo shirt, black jeans at yellow casual shoes habang naka lugay ang mahaba at basa kong buhok.

Naka suot naman si Arthur ng white polo shirt, black short at white adidas superstar.

"Bakit tayo dito sa parking lot?" pag tatakang tanong ko dito ng bumukas ang pintuan ng elevator.

Hindi ako nito sinagot at dare- daretsong nag lakad lamang, wala naman ako nagawa kung hindi sundan na lamang ito.

"I do not take a taxi or bus." sabi nito at tumigil sa isang kulay gray na Mercedes car.

Binuksan nito ang back seat at inilagay doon ang duffle bag ko, maya maya ay binuksan naman nito ang pintuan katabi ng driver seat at inilahad ang kamay na parang sinesenyasan ako na pumasok na ako tulad ng una nitong ginawa noong sinundo niya ako sa tapat ng Company.

Nang nasa loob na kami ng sasakyan ay agad na pinaandar nito ang sasakyan at iniabot nito sa akin ang phone niya.

Kinuha ko naman ito at tiningnan ang naka flash na app doon, nakita ko dito ang drive kaya agad ko ng tinype doon kung saan kami pupunta at iniabot na pabalik ang phone kay Arthur.

Habang nasa byahe kami ay tahimik lang ito kaya na pag desisyonan ko na kunin ang phone ko at earphone para mag patugtog.

Hindi ko namalayan na naka tulog ako sa byahe buti na lang hindi din ako nangalay.

Pag dilat ko ng mga mata ko ay agad na bumungad ang gwapong mukha ni Arthur na naka titig sa akin umiwas ako dito at tiningnan kung nasaan na kami.

Nakita ko naman na nasa tapat kami ng isang hindi gaano kalaking bahay.

I'm home.

Dali dali akong bumaba ng sasakyan nakita ko sa hindi kalayuan ang iilang tao ngunit mas pinansin ng mga mata ko ang isang medyo matandang babae na naka suot ng puting damit katabi ang isang medyo matandang lalaki na naka suot naman ng kulay asul na damit.

"Mommy! Daddy!" malakas na sigaw ko habang tumatakbo palapit sa aking mga magulang at sinunggaban agad ito ng yakap.

Pag tapos ko silang yakapin ay nakita ko silang naka ngiti ngunit nag tataka ang mga mata na naka tingin sa aking likuran.

Tiningnan ko naman kung sino ang nasa aking likuran at nakita ko si Arthur na naka ngiting naka tingin sa aking mga magulang ngunit iba ang ngiti nito hindi tulad noong gabi na masaya kaming mag kausap.

Be With You (COMPLETED)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora