Chapter 7

985 98 8
                                    

Deina's POV

"Bye miss."

"Una na po kami."

"Ingat po kayo." pag papaalam sa akin ng team ko at ni Shine habang nag lalakad palayo.

Nginitian ko ang mga ito at kumaway bilang pag papaalam sa kanila.

Nandito ako sa labas ng Company nag iintay ng taxi, late na rin ng gabi dahil nag celebrate ako kasama ng aking team sa pag tatagumpay sa pakikipag- kasundo sa H&G Company kasama din namin si Boss Daniel pero hindi rin ito nag tagal dahil inaantay daw siya ng kanyang asawa.

Napaka bait ni Boss Daniel at napapansin ko dito na lagi niyang nababanggit ang kanyang asawa para unahin sa lahat ng bagay, sana makahanap din ako ng ganoon mapapangasawa balang araw.

Habang nag mumuni muni naman ako ay may biglang tumigil na sasakyan sa aking harapan.

Lumingon lingon ako sa paligid para tingnan kung sino ang inaantay o susunduin nito ngunit wala na naman ibang tao at madilim na rin.

Tiningnan ko ulit ang sasakyan at unti unting bumaba ang bintana nito, unti unti rin lumilitaw ang isang mukha ng gwapong lalaki.

"Hop in." walang emosyon na sabi nito na naka tingin ng daretso sa daan.

Hindi ako sumakay kahit napag tanto ko na si Arthur ito naka tingin lang ako dito na makikita na seryoso ang mukha kahit na kalahati lang ng mukha nito ang nakikita ko.

Bumaba ito ng sasakyan at dare- daretsong nag tungo sa akin tinitigan ako nito, maya maya din naman ay binuksan nito ang pintuan ng passenger seat katabi ng driver seat.

Inilahad nito ang kamay na para bang sinasabi na pumasok ka na, kaya wala naman ako nagawa kung hindi maupo na sa sasakyan.

Habang nasa byahe ay tahimik lang ito ganoon din naman ako hanggang sa makarating na kami ng tapat ng Condo.

Hindi pa rin nag sisink- in sa akin ang sinabi ni Arthur noong isang gabi at parang sobrang affected siya noong hindi ko siya pinapansin eh ayoko lang naman dumagdag sa mga babae niya.

"Thanks." pag papasalamat ko dito at bumaba na ng sasakyan.

Pag kababa ko naman ay nakita kong nag tungo ito sa parking lot so dito pa rin pala siya tutuloy kahit nandito na si Vicky.

Nadatnan ko naman na madilim ang Condo siguro ay tulog na si Vicky kaya dahan dahan ko naman tinanggal ang sapatos ko at binuksan ang ilaw sa may dining area sapat na ito na bigyang liwanag ng kaunti ang buong Condo.

Binuksan ko naman ang isang plato na may takip sa lamesa at may laman itong dalawang chicken, hindi pa rin ako nakalimutan ni Vicky ipagluto kahit na sobrang pagod siguro ito sa kaniyang trabaho.

Kumuha naman na ako ng plate at rice para kumain, maya maya din ay dumating na si Arthur at sinaluhan ako nito sa pagkain.

As usual hindi pa din ito nag sasalita, ako na din ang nag lagay sa lababo ng pinag kainan namin bukas ko na lang siguro ito huhugasan.

Papasok na sana ako sa kwarto ko para mag palit at mag pahinga ng tawagin ako ng pansin ni Arthur.

"You gonna go lock yourself in your room immediately?" walang buhay na sabi nito habang naka tingin lang sa repleksiyon ko sa tv.

"Come here baby." sabi nito at nilingon ako.

Baby?

Tinawag niya ba akong baby?

Dinala naman ako ng mga paa ko sa harap ni Arthur na naka upo sa may sala.

"Sit." seryosong naka tingin na sabi nito sa akin at tinop ang couch.

Sa tingin niya ba aso ako?

Sa huli ay naupo naman na ako ng medyo malayo dito, napansin ko naman na may naka patong na dalawang bucket of ice cream sa center table.

"You want?" pag aalok nito sa akin.

Napansin siguro nito na naka tingin ako sa dalawang galon na ice cream.

Iniabot naman nito sa akin ang isang galon ng ice cream at kutsara.

Ooh rocky road my favorite flavor of ice cream, dali dali ko itong binuksan at sumubo ng isa.

Grabe ang sarap talaga! ngayon na lang ulit ako naka tikim ng ice cream dahil sobrang busy ko siguro sa work at hindi naman ako ganoon kahilig lumabas.

"You like it?" pag tatanong nito sa akin na kumakain na din pala ng ice cream.

"Yeah." naka ngiting sabi ko dito at sumubo ulit ng ice cream.

"Of course that's your favorite." parang tinatamad na sabi nito.

Napakunot noo naman ako sa sinabi nito, natawa naman ito ng mapansin na naka kunot na ang noo ko.

"I asked to Vicky." seryosong sabi nito na naka tingin sa akin.

Natahimik naman ako ganoon din naman siya.

"Bakit mo naman tinanong?" naka kunot noong tanong ko pa rin sa kaniya.

"Because I want." walang ganang sagot nito habang naka tingin sa akin.

Hindi ko na lamang pinansin ang sinabi niya at patuloy na lang kumain ng ice cream.

Binalot na naman kami ng katahimikan.

"Gusto mo malaman ang totoo?" seryosong sabi nito at naka tingin sa akin.

Hindi ako sumagot dito pero sa kaloob looban ko gusto ko malaman kung bakit niya tinanong kay Vicky kung anong favorite ice cream ko.

"Because I want to court you and I want you to be mine." seryosong sabi nito na naka titig sa akin.

Nanlaki naman ang mga mata ko sa gulat at hindi ko maiwasan matawa sa sinabi nito.

"You're kidding me." natatawa kong sabi dito at aakma ng tatayo sa kinauupuan ngunit bigla nitong hinawakan ang braso ko para pigilan ako.

"Don't leave me please." naka hawak siya sa braso kong sinabi ito at kita ko sa mga mata nito ang pag kalungkot.

"Ok sabihin na natin totoo yang sinasabi mo pero kung gusto mo talaga akong ligawan at mapasagot ako ng yes dapat alam mo ang mga gusto ko." naka ngiti kong sabi dito at umupo na ulit.

"Ok tell me." seryosong sabi nito ngunit halata dito na gusto talaga nitong malaman ang lahat ng gusto ko.

Sinabi ko dito ang mga favorite foods ko, favorite music, favorite artist, favorite movie, favorite place lahat lahat ng favorite ko at nag kwento din ako dito tungkol sa childhood ko.

Grabe ngayon ko lang siya nakitang masaya, totoong masaya at totoong naka ngiti hindi yung peke higit sa lahat ngayon ko lang siya nakitang tumatawa.

"Ano nga kaseng full name mo?" naiinis na tanong ko dito.

Kanina ko pa kase siya kinukulit at kanina pa ako nang huhula kung anong buong pangalan niya, andaya kasi lahat na ata alam niya tungkol sa akin pero ako ni isa walang alam tungkol sa kaniya the only one thing that i knew to his is he can change his mood in just only for few minutes.

Tawa pa rin ito ng tawa habang ako naiinis na sa kaniya.

"Sige sasabihin ko na sayo but promise me that." seryosong sabi na nito.

"Promise you what?" naiinis na sabi ko pa din dito.

"Promise me that you will never leave me." seryosong naka tingin sa akin na sinabi ito.

"I promise" naka ngiting sabi ko dito at tinaas pa ang kanang kamay as
promise sign.

"Arthur Apollo Everest" seryosong sabi nito habang binibigkas ang kaniyang sariling pangalan.

Hmmm... Apollo I like that.

"Ok Mr. Apollo maaga pa ako bukas so goodnight." naka ngiti kong sabi dito at inilapag na ang isang galon ice cream sa center table tsaka tumayo para mag tungo sa aking kwarto.

Hindi na naman ito nag salita at naka ngiti akong nag lalakad patungo sa aking kwarto.

Be With You (COMPLETED)Where stories live. Discover now