Chapter 17

747 58 1
                                    

Deina's POV

Nandito ako ngayon naka upo sa isang bench sa park 6: 30pm pa lang kaya medyo maliwanag pa.

Naisipan ko kase na dito na lang kami mag date ni Arthur dahil lagi kami nasa expensive restaurant at puro siya lang ang nagbabayad ayaw niya ako pag bayadin, pag nag pumilit naman ako naiinis siya.

Buti na lamang pumayag siya at pag kakataon ko ng ako naman ang manlibre kaya bumili ako ng dalawang ice cream pinili ko shempre ang favorite flavor ko na rocky road at bumili din ako ng snacks namin.

Nilibot ko ang mga mata ko sa paligid na ang mga poste ng ilaw at ang buwan lamang ang nag bibigay liwanag marami din na puno ang nag sasayawan, di ko naman maiwasan mapangiti dahil sa romantic na lugar kahit simple lamang.

Actually na pa aga nga ako ng punta dahil ang usapan ay 7:00pm pero dahil maaga natapos ang work ko hindi na ako nag atubili na dumaretso na agad dito sa park kaya naka suot pa din ako ng office attire ko na malamang ganoon din si Arthur.

Kinuha ko ang phone ko at nag patugtog pampalipas oras sakto naman na ang paborito kong kanta ang nag play.

Nainip na din naman ako sa pakikinig ng kanta tiningnan ko ang aking relo na suot at nakita ang oras 7:25pm na.

Nasaan na si Arthur?

Naligaw  kaya siya dahil sa laki ng park?

Tiningnan ko ang dala kong ice cream hindi na ito malamig kaya for sure tunaw na ito tumayo na ako sa aking kinau- upuan at iniwan na doon ang binili kong ice cream at snacks.

Nag lakad lakad ako sa park na nag babakasakali na makita si Arthur ngunit nalibot ko na ata ang buong park hindi ko pa rin siya makita.

Sumakit na ang mga paa ko sa kakalakad kaya naisipan ko na maupo sa isang malapit na bench.

Tumingin na naman ako sa aking relo and it's 8: 30pm ang bilis ng oras.

Tiningnan ko naman ang aking phone ngunit wala man lang text or call si Arthur.

Bumalik na lang ako at naupo ulit kung saan ako nag iintay kay Arthur at kung saan ko din iniwan yung tunaw na ice cream.

Nakaramdam ako ng uhaw dahil sa pag lalakad ko kanina pero wala akong tubig na dala kaya ininom ko na lang yung tunaw na ice cream na lalo lamang nag pauhaw sa akin.

As the time past nandito pa rin ako naka upo iniintay na dumating si Arthur dahil alam kong dadating siya na hindi siya tulad ng iba na iiwan ako sa ere.

"Ma'am alas dyes na po ng gabi, umuwi na po kayo marami na po masasamang loob." magalang na sabi ng isang gwardiya na tinatapatan pa ako ng ilaw na hawak nitong flashlight.

"Mamaya na po may iniintay pa po ako." magalang ko sagot dito at pilit na ngumiti.

Napakamot na lamang ito sa ulo at nag lakad paalis.

Nasaan ka na ba kase Arthur?

Ngayon mo lang ako pinag antay pero ang sakit sakit.

Hinayaan mo ako uminom ng ice cream tapos pagagalitan mo ako pag nag kita tayo.

Natawa naman ako sa iniisip ko at mas lalo akong natawa ng maisip ko na para na pala akong baliw.

Nawala lang si Arthur sa tabi ko nag kakaganito na agad ako.

Lumakas ang hangin na sinabayan ng maliliit na patak ng tubig galing sa madilim na kalangitan.

Hindi nag tagal bumuhos ang malakas na ulan sabay ng pag patak ng aking mga luha.

Nasaan ka Arthur?

Bakit hindi ka dumating?

Hindi ba espesyal sayo ang araw na ito?

Sunod sunod ko tanong sa aking sarili habang nag lalakad sa gitna ng malakas na ulan.

Be With You (COMPLETED)Where stories live. Discover now