Prologue

54 4 0
                                    



"Ayoko na. Tapusin na natin 'to."



"Ikaw pa talaga ang nagsabi nan ha ..

.. Nakakatawa naman yata."



"N-nagsasawa na ako, Ivan ..

.. Pagod na talaga ako."



"Ganun ba? Mukhang pareho naman na pala tayong napapagod na eh."



Napalunok ako sa kaba kung tama nga ba talaga ang ginagawa kong 'to. "Oo. Kaya nga .." Parang hindi ko na kayang pigilin ang luha ko.



"Well, siguro nga maganda ng tapusin ang kalokohang 'to ..

.. Tapusin na natin ang lahat kung anong meron tayo."



K-kalokohan? Yun lang ba ang turing mo sa mahigit isang taon natin? Kalokohan lang?


Muli akong sumulyap sa mga mata ng lalaking nasa harap ko. Hindi ba talaga siya nanghihinayang? Kailangan ko nga sigurong tigilan na rin 'to .. "Um. Yeah, let's end the whole thing." Masakit nang sabihin pero mas nagdadagan ang sakit habang pinapakita niya sakin na hindi na niya ako pinigilan pa.


Sana nga lang talaga tama ang desisyon ko. Sabagay, para rin naman kay Ivan 'to.


Ngumiti siya. Ngumiti siya na para bang wala lang talaga sa kanya na magtapos ang lahat saming dalawa, saka siya nagsalita. "Alright, fine! Its mutual, we're done. Uwian na tayo." Malaking ngiti pa rin ang nakaguhit sa mukha ng lalaking mahal ko.



"Sige na ... una ka na." Baka pa makita mong magbaha ng luha ang shop na 'to.



"Ano ka ba? Ayoko ngang maunang umalis.. Baka pa sabihin mong ako ang nang-iwan."


Okay, nakuha ko naman ang punto niya. Ako naman talaga ang naunang bumitaw kahit nangako kami sa isa't isa na walang iwanan.


"Don't worry, I'll explain everything sa mga taong may alam sa kung anong meron tayo. Kaunti lang namn sila..



..Mauna ka na, may hinihintay rin naman ako

.. si Ethan."



Narinig ko ang mapanlokong pagtawa niya, saka siya nagsalita. " Kaka-break palang natin, may pamalit ka na rin pala agad. I wonder kung bakit ka na nagsawa sa relasyon natin, Drich. Kung bakit napagod ka na sa'kin." Alam kong may inis din kahalo sa pagsasalita niya.

Love Is Not EnoughWhere stories live. Discover now