Chapter 3 - Heal Me, Heal You

11 4 0
                                    


Ivan Ethan Mendiola's POV


"Wag! Please, waaaaag!"


Nakaluhod ako sa harap ng isang lalaking may masamang binabalak.


Halos mapunit na ang ugat sa lalamunan ko kakasigaw ng malakas para lang tigilan na niya.


Ramdam ko rin ang pag-agos ng luha sa aking mga mata dahil sa sobrang kaba.


Nahihirapan na rin ako sa paghinga pero pilit pa rin akong nagmamakaawa ..


"Wag! Please, waaaaag!"


Hanggang sa ..



"Noooooo! .. Bakit? Bakit mo ginawa yun?"


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Shiiitt! Napabalikwas nalang ako ng upo. Habol-habol ko ang paghinga habang ramdam ko ang malamig na pawis sa katawan ko. Mabigat din ang pakiramdam ko na parang totoong-totoo lahat, parang naulit lahat. "Napanaginipan ko na naman pala."

Napansin ko rin ang basa kong mata pati ang pisngi ko kung saan umagos pala ang luha ko. "Umiyak pala talaga ako."

Hindi naman ito ang una o pangalawa o pangatlong pagkakataon na umiiyak ako sa panaginip hanggang sa paggising. At sa lahat ng panaginip na yun, paulit-ulit lang ang iisang eksena, ganun at ganun. Pero matatawag ko ba yung panaginip kung totoo namang nangyari yun? Isang parte ng nakaraan na matagal ko nang gustong kalimutan.


"Akala ko pag umalis na ako sa lugar na yun, pwede ko nang makalimutan lahat." Mahina kong bulong habang hawak ang ulo ko. Shit. Inaatake na naman ako ng migraine ko. Pero kailangan kong pumasok. Tss.


"Bakit palagi nalang magkasunod ang masamang panaginip, este alaala, at ang migraine na 'to?" Ani ko.


Bumangon na rin agad ako saka nag-ayos para pumasok. May klase ako ng 08:30 ng umaga. "Alas otso na pala." Sakto lang ang gising ko. 5 mins kain. 10 min ligo. 7 mins lakad papuntang University.


Oo, sobrang lapit ko lang talaga ng nirentahan naming apartment ng Ate ko sa pinapasukan ko. Malaking tipid sa pamasahe, pati na rin sa oras.

Love Is Not EnoughWhere stories live. Discover now