Chapter 1 - That's My Final Answer, Letter B!

49 4 0
                                    


Aldrich Kabal-Odueza's POV


OMAYGAD! Magde-December na naman. Tsk!

Hays. Ang weird ba? Pero oo, yun ang totoo. Parang ako lang yata yung nag-iisang tao na may ayaw ng month na 'to. Hindi ko rin alam kung bakit, parang may kakaibang feeling lang kapag sasapit ang pasko. Parang malungkot. Ganun.

Kahit sabihing bakasyon grande to saming mga estudyante sa kolehiyo, hindi ko talaga kayang maging excited. Hindi bale nalang kung magka-snow dito. Astig nun! Pero duhh! Nasa Pilipinas ako. Kung meron mang ganun, sa panaginip lang yun.

Buwan din para makapagliwaliw kasama ang tropa. Gala dito, gala doon. Pambawi man lang sa stress at pagod sa klase at sa kung ano-anong requirements para pumasa sa mga subjects namin. Syempre, di mawawala ang Christmas Party bago tuluyang maghiwa-hiwalay bago magpalit ang taon.

Ano bang iniisip ko!? May isang linggo pa naman bago matapos ang November eh. Susulitin ko nalang 'to.


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Maaga akong umalis ng bahay para makapagpaprint ng ipapasa ng grupo namin na proposals. May printer naman kami sa bahay, naubusan lang ng ink. Kaya pandalas ako para maipasa sa prof namin yung copy para mareview niya, bago pa ang mismong klase namin.


"Drich! Dalian mo na dyan! Bilis! Bilis!" Tinawag ako ng babaeng nakatayo sa pulutong ng mga estudyante sa harap ng pa-printan. Si Erika.


"Buti nandito ka na." For the first time, maaga tong lukaret na 'to.


"Hay nako! Ang tagal mo, naunahan na ako ng iba sa pila."


Ha? May pila ba? Nilibot ko ang mata sa bawat isang tao dito sa harap ng printing shop, pero wala naman akong nakikitang pila. Kalat ang mga tao. Nagtataka ako. "Nakapila ka?"


"Oo nga! Hindi mo lang makita! Eto talaga, martyr ka na nga, bulag ka pa. Tsk."


Wagas maka-martyr at maka-bulag ha. Alam kong may pinaghuhugutan si Erika sa mga sinasabi niya. Hindi sa sarili niyang karanasan, kundi patungkol sa aking nakaraan.


"Oh, eto yung flashdrive. 'Group 3 Proposals' ang file name."


"Huy! Pumila lang ako. Syempre ikaw pa rin magpaparint. Ikaw kaya leader! Hahaha."


"A-ano? Wala naman Leader sati-"

Love Is Not EnoughWhere stories live. Discover now