Chapter 4 - One Pursues and One Forgets

11 4 0
                                    


Aldrich Kabal-Odueza's POV


"Uy! Ethan, naks naman talaga! Lagi mo nalang akong tinutulungan eh. Ikaw pala gumawa ng presentation namin last week. Very good tuloy kami! Lakas ko talaga sa'yo no?"

Haha. Assuming na naman 'tong si Erika.

"Erika, wag ka masyado asyumera. Baka masaktan ka lang." Ani naman ng lalaking nasa tabi ko lang kanina, pero ngayon nakaakbay na sakin.

Touchy talaga 'tong si Ethan. Ayos lang naman, magkaibigan naman kami eh. Walang malisya.

"Tss! OO NA! Alam ko namang si Drich ang dahilan kaya mo kami tinulungan! Kay Drich pala ako dapat magpasalamat." May pag-irap pang tingin kay Ethan tapos bumaling nga sakin. "Salamat Aldrich ha! Salamat at GUSTO ko ni Ethan kaya niya tayo tinulungan!"

"Ha?" Tanong ko pabigla dahil sa may kakaiba yata akong narinig sa sinabi ng kaibigan ko. Gusto ako? Ni? Ethan?

"Erika!" Halos kasabay ko rin napasigaw ng konti si Ethan kay Erika. Para bang may hindi dapat siyang sinabi.

"Hay nako, Ethan! Ayaw mo pang umamin kasi." Naiinis na sambit ni Erika sa harapan namin, masama ang tingin niya kay Ethan. Ramdam ko rin nung medyo naging stiff bigla ang braso at kamay ng lalaking nakasakbit sa balikat ko. Feeling ko kailangan ko ng magsalita kasi pag hindi, sasabog tong dalawang 'to.

"Uy! Magsitigil nga kayo, nagme-merienda lang tayo."

Pagsasaway ko sa dalawa habang tinapik-tapik ko yung hita ni Ethan sa ilalim ng lamesa namin, saka ko binaling ang mukha niya sakin. Nakikipaglaban kasi siya ng masamang titigan kay Erika.

Itinaas ko ang dalawang kilay ko ng magkasabay saka ngumiti ng pilit. Huy! Chill ka lang, Ethan! Hindi ko mawari, pero parang narinig niya yung sinabi ko kahit sa isip lang ako nagsalita. Nawala na yung nagsisimulang pagkainis sa mga mata niya pati pagsasalubong ng makapal niyang mga kilay. Batid ko, kumalma na siya nun.

Si Erika naman.

Kaso bago pa ako makalingon, tumayo na sa upuan niya yung babae sa harap namin.

"Ayoko na, nawalan na ako ng gana! HAYS! Nakakainis kasi yung isa dyan."

Hay naku! Ganda-ganda ng biruan nila kanina. "Teka, teka! Erika! Saan ka pupunta?"

"Basta!"

May regla siguro 'to. Ang bilis mag-init ng ulo eh.

Hindi talaga lumingon ang babaita. Inis nga talaga siya. Sinilip ko naman ulit yung lalaking nanahimik naman sa tabi ko. "Ikaw naman! Bakit ka naman sumigaw agad?"

Nun ko lang napansin na wala na pala ang kamay niya sa pagkakaakbay sakin. Sa halip, magkalapat ang dalawang palad niya na nakapatong sa lamesa. Ano bang meron? Nawalan na rin ba siya ng gana? Tsk.

Dun ko lang naalala yung sinabi ni Erika kani-kanina lang. "Salamat Aldrich ha! Salamat at GUSTO ka ni Ethan kaya niya tayo tinulungan!"

What she's talking about na gusto ako ni Ethan kaya he helped us out?

Halos mawala sa isip ko yun dahil sa biglaang tensyon nina Ethan at Erika. Kaya nakalimutan kong itanong kung anong ibig sabihin nun. Pwede ko bang itanong? Kaso baka sigawan din ako nito bigla.

"Um. Baka naman umalis ka rin at iwan akong mag-isa dito." Ani ko. Wala akong ibig sabihin kundi tungkol sa pagkain namin ng merienda ng sama-sama sana. Kaso nilayasan na kami nung isa.

Love Is Not EnoughWhere stories live. Discover now