Chapter 2 - It Feels Like Lightning

19 2 0
                                    


Ivan Kendrick Alvarez-Williams' POV


Sa di kalayuan, narinig ko yung pamilyar na boses ng babaeng parang may kausap sa cellphone nito. As expected, si Erika. Mukhang pinagdidiskitahan na naman niya ang isa pang kagrupo niya. Kung may kamao ang boses niya, panigurado bugbog-sarado yung si Theo.


"Hello? Oh! Theo, na'san ka na ba? ..


.. Ano?! On the way ka palang? Hays! Di ba nga ang usapan, 8:30 am tayo dito sa Uni.


.. Tss. Bilisan mo na!


.. Pagdating mo nga pala, dumiretso ka sa comshop. Nag-eedit kasi dun si Aldrich ng presentation natin.


Tss. Kaya pala parang gulat na gulat sila nung marinig nila kay Cinds kanina yung about sa presentation. Hay naku.


.. Oo, presentation. Hindi rin namin alam. Kaya bilisan mo para matulungan siya. Tawagan mo siya ha! Wala akong load eh.


.. Hindi lang ako makapunta kasi nautusan ako dito sa Faculty eh.


.. Oo, sige na."


Kaya pala hindi pa rin nabalik yung isa. Siya na naman ang punong-abala. Hindi pa rin talaga siya nagbabago. Nakakainis rin ang pagiging mabait niya paminsan. Tangina lang.

Nakita kong pumasok na si Erika sa Faculty. Nagkakamot ng ulo. Sapat na yung nakita ko para patunayang nagsasabi nga siya ng totoo. Nabiktima rin siya nung mga pala-utos na Officer na nagpapalamig lang sa loob ng pinasok niyang kwarto.

Matapos nun, pumasok ulit sa utak ko yung kawawang lalaki na paniguradong aligaga at pandalas na sa pag-eedit ng presentation nila. Hindi naman siya yung taong nagka-cram, talaga bang hindi nila alam?

"Tss. Bahala siya. Hindi ko dapat pag-aksayahan ng oras ang pag-iisip sa kanya." Mahinang bulong ko habang naglalakad sa hallway ng Engineering Building.

Sa katunayan, mula noong gabi sabi niyang pagod na siya, ayaw na niya at tigilan namin ang lahat .. mula noon, hindi ko na siya pinagkabalahan isipin. Hindi ako nagsisinungaling, wala na siya sa'kin. Promise! Tamaan pa ako ng kidlat!


"AAAHHH! Aray!" Shit! Nakuryente ako.


"Oh! Anong nangyari sa'yo?" Pagtatanong ni Cindy.


"Parang nakuryente ako." Ang malas naman. Hawak-hawak ko pa rin ang kaliwang siko ko na tumama sa kanto ng uupuan ko.


"Ayos ka lang?"


"Hehe. Oo, ayos lang." Sarap konyatang ng upuan na 'to.


Inayos ko ang pagkakaupo ko saka binuksan ulit ang notes na nirereview namin para sa presentation. Kami kasi ang Group 1, for sure kami ang unang sasalang. Tapos biglang nagtanong si Cindy na nakaupo sa tabi ko.

Love Is Not EnoughWhere stories live. Discover now