III

408 19 3
                                    

sorry for misspelled words or grammatical errors.

Still John's

Nandito ako ngayon sa may parking lot at hinihintay ko siyang lumabas ng office nila. Pero nagtataka padin ako sa sarili ko. Bakit pinipilit ko pang dumikit sakanya, kahit sobrang sungit nya sakin. Hindi ko siya kayang iwan. Oo, kakakilala lang namin sa isa't isa, pero alam ko sa sarili ko na hindi siya ganon. Siguro pag napalapit na yung loob ko sakanya, magiging mabait din talaga to sakin.

Kanina pa ako nag hihintay dito sa parking lot. Nandito lang naman ako sa loob ng sasakyan ko at kaniba ko pa din siya hinihintay. After a few years, lumabas na din siya ng office nila. Grabe naman pala, ang dami niyang ginagawa. Pero ang ganda padin niya. Hindi mo mahahalata sa itsura niya na pagod na siya o nahahaggard siya.

Kla's

Natapos ko din yung mga paperworks dito sa office. Makakauwi na din ako. Nililinis ko na yung mga gamit ko dito sa office at nakita ko yung bulaklak na bigay niya sa akin. Sa totoo lang, nagustuhan ko talaga to. Hindi siya nagkamali ng bulaklak na nabigay niya sakin. It's actually my favorite flowers. Parang may mali sa nararamdaman ko. Hindi ko alam, basta gustong gusto ko lang tong bulaklak na bigay niya sakin.

Pababa na ako papuntang parking at sobrang stressful day talaga to. Pag kauwi na pagkauwi ko talaga, babawi ako ng tulog.

*A few moments Later

John's

Nandito na ako ngayon sa harap ng bahay nila. Gusto ko na sanang katukin yung gate nila kaso baka anong magawa nya sakin. Pero, hindi ko na napigilan ang kamay ko kaya agad konang kinatok ang gate nila ng mabilisan. Pagka bukas nito, yaya agad nila ang lumabas.

"yes po? Ano pong kailangan po nila?" tanong nito

"hi, nanjan naba si Kla?" tanong ko agad

"yes po, kanina papo. Bakit po? May kailangan po ba kayo?"

"pwede koba siyang kausapin?"

"opo, sige po pasok napo kayo" tugon nito at sinamahan na ako papasok ng bahay nila. Pagkapasok ko ng bahay nila, agad kong kinuha yung binili ko sa mall na necklace. Hindi ko alam kung magugustuhan niya to. Pero sana.

Tinanong ko din sa kasama nila ang kwarto niya. At nagturo din naman niya agad.

Dali dali akong umakyat papunta sa kwarto niya.

John, kaya moto. Gagawin mo lahat para sakanya, para maging ok kayo. Titiisin ko yung pagiging masungit nito hanggang sa maging mabait nato sakin. Hindi ko nalang muna ipapaalala yung deal na sinabi ng parents namin. Kinakabahan ako na katukin yung pinto ng kwarto niya kasi baka sigawan nanaman niya ako. After a few minutes, kinatok ko na ang pinto ng kwarto niya.

"teka lang po!" sigaw na tugon nito

Wow, ang galang niya sa part nayon ah. Ok, ready na akong masigawan neto pag kabukas niya na yung pinto

Nang nabuksan na niya ang pinto bigla nalang siya natulala, na parang nakakita ng multo.

"jo-john?" nauutal na tawag nito sa akin

"anong ginagawa mo dito? Sinong nagpapasok sayo?" dugtong na tanong nito

"yung kasama mo dito. Tsaka wala pa din naman sina tita dito diba. Bisitahin muna kita, kahit sinusungitan moko."

"kung ayaw mong nasusungitan kita, wag na wag kang magpapakita sakin."

"oh diba, ang sungit mo nanaman. Kumalma ka naman kahit ngayon lang."

"gugustuhin ko man, pero ayoko!"

"ang ganda pala ng kwarto mo. Tsaka nakita ko pala yung bulaklak na bigay ko sayo, mas lalong gumanda yung kwarto mo kasi nandon yung bigay ko." singit na ani ko

Kla's

"ang ganda pala ng kwarto mo. Tsaka nakita ko pala yung bulaklak na bigay ko sayo, mas lalong gumanda yung kwarto mo kasi nandon yung bigay ko." tugon nito at sinarado ko agad ang pinto ng kwarto ko

"tara na nga! Bumaba na tayo! Kung ano ano nang napapansin mo sa kwarto ko" aya ko sakanya

"sandali kla" tugon nito at hinawakan niya bigla yung kamay ko

"a-ano!?" nauutal kong tanong sakanya

"wala. Sige, baba na tayo" sagot nito at binitawan din niya agad ang kamay ko

Pagkababa namin ay agad kaming dumiretso ng kusina

"anong gusto mong kainin? Ako magluluto don't worry." tanong ko agad sakanya

"kung ano nalang yung maluto mo, nakakahiya naman kung ako pa yung mag arte sa lulutuin mo" sagot nito

"syempre, baka kasi kapag niluto ko na baka hindi ka masarapan or hindi mo kainin. Kaya nga nagtatanong ako."

"wait, kumakain kaba ng aglio oglio?" singit na tanong ko sakanya

"hindi, ngayon kolang narinig yang food nayan. Pero, sige lutuin mo. Titikman ko." tugon nito at nagluto na din ako

After kong lutuin to ay agad na kaming kumain. Sana magustuhan nya to, kapag hindi niya to nagustuhan. Uuwi tong bangkay na. (mareng klariz, kalma 😭)

"ok ba?" tanong ko agad

"oo, masarap siya infairness. Masarap kapalang mag luto" tugon nito

Nice answer Mr. Gemperle, akala ko hindi mo magugustuhan eh.

"hindi naman. Yan lang din kasi yung pinaka niluluto ko dito sa bahay. Minsan, kapag wala ako sa mood. Si mama yung nagluluto nito. Mas masarap nga lang yung kanya"

"alam mo kla, ang ganda mo. Tsaka mas bagay sayo yung ganyan yung hindi masungit, hindi lagi badtrip. Parang ang laki ng galit mo sa mundo." singit na tugon nito

"tumigil ka sa kakabola mo, hindi ako galit sa mundo. Sadyang moody lang ako at always akong masungit. Mas lalo na sa office."

"actually kla, I don't know ha. Pero sana, mas makilala kita ng husto. Alam ko sa sarili ko na hindi ka ganyan. Magbabago at magbabago kadin." saad nito at hinila niya ako papunta sakanya

"a-ah–"

"kla, hindi ko alam bakit ganto yung ginagawa ko. Kahit nasungitan mo na ako, nasigawan lahat lahat. Hindi kita kayang layuan. Iba yung pakiramdam ko sayo." dugtong na saad nito habang hinahakawan niya ang mga kamay ko

"ano ba yang pinagsasabi mo. Bi-bitawan–"

"kla. Kaya kitang hintayin, kaya kong maghintay ng matagal."

"jo-john."

"i know you hate me too much. And, about the deal. If you want to forget it, go. Wala naman akong magagawa. It's your decision, ayokong mangealam sa desisyon mo." he said, and he suddenly takes off his hands on my hands.

"kinakalimutan ko na yun. Kapag nakalimutan ko na yung deal nayon, we can be still friends. Hindi na din naman kita makakalimutan."

"ikaw yung taong natitiis yung kasungitan ko. Thank you" dugtong ko pang tugon

"sge, uuwi na ako. Baka kasi malate pako sa work ko bukas. Magpahinga kana. Alam kong pagod ka, sige. Thank you sa pasta, sobrang sarap niya. Thank you ulit, goodnight" paalam nito at biglang hinalikan ang noo ko

"te-teka john!" sigaw ko na tawag sakanya

"bakit?" tanong agad nito

"wala, ingat ka. Goodnight." paalam ko sakanya at lumabas na din ito ng bahay.

Hindi ko alam, pero yung lalaking yon. Hindi nya pinaramdam sa akin na kahit anong gawin ko sakanya, hindi ako iiwan. Ano bang nakain non at hindi niya ako kayang iwan. May something ba ako na nagawa sakanya? Dapat nga kalimutan na din niya ako, after what i did to him last time. After ko siyang sigawan, hindi niya ako nilalayuan. I just feel bad sa nagawa ko sakanya.

-----------------------------

Arrange Marriage Where stories live. Discover now