X

349 20 3
                                    

sorry for misspelled words or grammatical errors.

Puro sya yung laman ng notifications ko. Bakit kaya? May problema kaya to?

Ano ba tong nararamdaman mo kla, ano?! Gusto mo na bang ituloy yung deal nayon kasi...

--------------------------

Still John's

Nang mabasa ko na yung mga laman ng notifications ko, agad ko siyang tinawagan. Nag aalala ako sa mga laman non kasi, puro death threats about her. Bakit kaya ginagawa sakanya yon.

After a few minutes, she's not even answering my calls. Nag aalala na ako sakanya. At alam ko gantong oras gising na siya kasi ayaw niyang nalalate sa office nila.

Dali dali akong kumilos para makaalis na ng bahay, at pumunta agad sa office nila. Hindi ko alam pero hindi ako mapakali. Tsaka, bakit sa akin nag notif yung mga ganong status niya.

Sana, pagkarating ko ng office nila nandon na siya.

Kla's

Maaga akong nagising ngayon kasi may appointment pala ako na pupuntahan ngayon. Konti lang yung kinain ko na almusal para hindi masyadong halata yung tiyan ko. Nakakahiya naman sa kameet up ko hahaha!

After kong kumain ay hinanda ko na yung mga dadalhin ko for the appointment. Pero bago ako umalis ng bahay, nakita yung laman ng notifications ko. Puro.. Death threats?!

Bakit puro ganto? Bakit parang ang laki ng nagawa ko sa iba!?

Umalis na agad ako ng bahay para hindi ko na maabutan yung traffic.

After a few hours of driving, nakarating na agad ako ng office. Pagkadating ko ng office, takang taka padin ako kasi bakit ganto yung mga post nila about me. They doesn't know me well enough to judge me. Habang binabasa ko yung mga post ng ibang tao sa social media, biglang tumawag sakin si Kiara.

"hello, te. Nasan ka!?" - Kiara

"nasa office na, bakit?"

"bakit ganon yung nasa social media about you? Anong nangyare?" - Kiara

"hindi ko nga din alam te eh, nagtataka din ako. Wala naman akong masyadong pinopost about my life, pero grabe sila makalait. May death threats pa."

"oo nga, cyberbullying to te. Kailangan ma report to. Ay, teka. May kakilala akong magaling dito, kung paano mapatigil yung mga tao sa social media. Update kita kapag ok na. Bye." - Kiara

**call ended**

Buti nalang madaming alam si Kiara about social media. Hindi ko padin expect na may mga taong grabe mag judge sakin without knowing what I am.

Habang inaayos ko na yung mga paperworks na kailangan for appointment. Nagulat ako na bigla biglang pumasok si john sa office ko.

"john!? Anong ginagawa mo dito!?" takang tanong ko agad sakanya at halatang nagmadali siyang pumunta dito

"tsaka, bat parang nagmamadali kang makapunta dito? Ayos kalang ba?" dugtong kopang tugon

"pasensya na sa abala ha, nag aalala lang ako sayo. Sorry din kung nagulat kita. I saw the post on the social media about you. Nagtataka lang ako bakit ka nila ginaganon, eh ni hindi ka nga kilala." tugon nito at parang mawawalan na siya ng hininga sa sobrang pagod niya

"kumalma ka, kanina kopa iniisip yang mga tao na yan sa social media. Tsaka, hayaan mo na yon. Tinulungan na ako ni Kiara don. Kaya, wala kanang ikakaalala pa."

"oh, eto. Uminom ka muna." ani ko sakanya at inabot ko na sakanya ang bottled water

"grabe ha, parang huling hininga mo na ha. Bakit kasi nagmadali ka papunta dito. Ok lang naman ako, eto ako oh. Buhay na buhay. Hindi nila magagawa yung mga pinag sasabi nila sa social media. Hayaan mo na yon." dugtong kopang ani

"i'm sorry, hindi ko lang talaga maiwasan na hindi mag alala sayo. Syempre, for your safety din."

"wag kang mag alala, walang makakasakit sakin." saad ko sakanya at nilapit ko ang mukha ko sakanya

"ang cute mo palang mag alala hahaha! After ng office hours natin, dinner tayo ha. Libre kona don't worry."

"lagi mo nalang akong nilibre."

"bawi ko na sayo, sa pananakit na ginawa ko sayo. At sa pagsama mo sakin sa tagaytay. You did everything right to make me happy and to make me feel like wala akong problema dito sa mundo."

"thank you, john. Sana yung nararamdaman mo, sana nararamdaman ko nalang din. I mean, sana parehas nalang tayo ng nararamdaman. Natatakot na akong makasakit pa ng iba."

"pero, ngayon. Tong nararamdaman ko. Magulo nanaman. Kapag nakikita kita, o kapag nakikita ko yung mga pictures mo. Biglang nag iiba yung pakiramdam ko. Pero, i have a question." dugtong kong tugon sakanya

"ano yon!?"

"nagkaroon kana ba ng ex?" tanong ko agad

"oo naman, pero isa lang yon. She's my first and last girlfriend."

"ay, bakit kayo naghiwalay?"

"akala niya niloloko ko siya, akala niya may iba ako. Too much overthink kasi yung ex ko nayon. Like, kunware may sinabi ako sa relative ko na iloveyou, akala niya kabit ko na. Nakakasakal din yung ganon, yung kailangan lahat ng galaw ko bantay niya. She's like my mom. Pero mas malala kay mama hahaha! So yon. Yon lang naman ung reason why we broke up."

"ikaw? For sure meron kana ding ex."

"actually, isa lang din siya." sagot ko agad

"bakit kayo naghiwalay?"

"naramdam ko sa sarili ko na hindi siya yung taong para sakin, akala ko sya na yung lalaking magiging sakin habang buhay. Pero hindi pala. Umabot yung relationship namin ng 5 years, pero yung 5 years na yon. Biglang naglaho."

"what do you mean na naglaho?"

"babaero yung ex ko, kada may makikita siyang magandang babae. Mahuhulog agad yung loob niya, then they will have sex. Sa sobrang pagkababaero niya, yung ibang nakasex na niya. Nabuntis niya. Hindi niya pinapanagutan, kasi natatakot siya."

"pero eto pa yung saklap, 2 months ago. Nagkita sila ni janna, sa bar kung saan kami laging natambay. Umiiyak kapag sobrang bigat na ng nararamdaman namin. Nakita niya yung ex ko na lasing. Hinatid niya sa bahay, at yon. May nangyare sakanila." dugtong ko pang ani at napatulala nalang ako

"hindi kaba galit sakanya kasi ex mo yung naka anuhan niya?" tanong agad nito

"actually, nagalit ako sakanya. Pero, hindi ko pwedeng sabihin sakanya. Ayokong mastress siya."

"huh!? Bakit!?"

"kasi, buntis siya."

"ow." tipid na sagot nito

"diba, na speechless kadin."

"oo hahaha! Ay, sige. Papasok na pala ako sa office. Seeyou later." paalam na saad niya

"sige, ingat ka. Seeyou din." tugon ko at lumabas na din to ng office

Bigla kong nakwento sakanya yung about kay marco, and after a long talk with him. Biglang gumaan nararamdaman ko. Ay, oo nga pala may appointment ako ngayon. Kailangan ko na palang umalis. Nakakahiya din palang malate don.

*After a Few Moments later

"tita, bakit po? Ano po bang plano nyo. Nag usap usap napo ba kayo nila mama about sa deal na napag usapan!?" takang tanong ko

"yes nak, sabi din sakin ng mommy mo na ayaw mo na palang ituloy. Naiintindihan ko naman ang desisyon mo."

"tita. Actually..."

"ano? Bakit!?"

-----------------------------------------

Arrange Marriage Where stories live. Discover now