IV

359 15 1
                                    

sorry for misspelled words or grammatical errors.

*Kinabukasan

John's

9am na pala, buti nalang mga 11am pako papasok ng office. Hindi naman ako bumangon agad kasi tinatamad padin naman ako, habang nakatulala padin ako. Nakita ko yung bag ko sa may tabi ng kama ko at parang may nakita ako na box don sa loob non. Bumangon ako agad at chineck ko siya. Shocks, nakalimutan kong ibigay yung necklace niya. Agad akong naligo at nagready para maibigay to sakanya.

Nang natapos nako mag ready bumaba ako agad at hindi na ako nakakain ng almusal sa sobrang pagmamadali, palabas na sana ako ng bahay nang bigla akong nakita ni mama

"nak, parang nagmamadali ka? Malalate kana ba?" tanong agad nito

"ah, ma. Ano po, opo." nauutal kong sagot

"teka, mga 11 pa pasok mo diba?"

"ah, opo. Gusto ko lang pong pumasok ng maaga para po matapos kopo agad yung mga gagawin ko sa office. Gusto kopong makauwi agad, para po makapag pahinga po ako agad" palusot kong tugon

"aba, dati gantong oras tinatamad kapa. Ano bang nakain mo at nagmamadali ka ng ganyan? Tsaka hindi kapa kumakain ng almusal. Kumain ka–"

"ma, hindi napo. Pag kapasok ko nalang po ng office. Sige napo ma, aalis napo ako. Bye, iloveyou." paalam ko sakanya at hinalikan ko na ang pisnge nito

"ingat nak ha."

"opo ma. Bye." paalam ko ulit at agad akong sumakay ng sasakyan

Nagtataka ako bigla sa sarili ko, bakit ako nagmamadali? Dahil ba ayokong mapuntahan si kla ng wala siya sa mood o baka sadya ko lang ng ganto kasi excited akong makita siya agad? Mabilis naman akong nakaalis ng bahay at hindi naman masyadong traffic sa dinadaan ko.

Lumipas ng ilang oras na byahe ko galing ng bahay, nandito na ako sa office nila Kla. Agad akong pumasok at tinanong ko muna kung nandito na ba siya.

Pero nung tinanong ko, wala pa din daw siya. Akala ko ba maaga syang pumapasok.

"john!" sigaw ng isang babae galing sa labas. Nang unti unti ko na tong natatanaw, si Kla napala yon

"ang aga mong nandito? Anong kailangan mo?" tanong agad nito

"ah, kakausapin sana kita"

"para saan?" tanong ulit nito

"basta"

"hindi mo ba kayang sabihin dito?"

"hindi, nahihiya ako"

"aba may hiya kapala. Sige, sumama ka sa office ko. Nakakahiya naman sayo." tugon nito at umakyat na kami papunta sa office nya

"oh, nandito na tayo. Anong sasabihin mo?"

"actually, wala talaga akong sasabihin. May ibibigay lang ako sayo kasi nakalimutan ko siyang ibigay sayo kagabi."

"huh, hindi kapaba kontento don sa binigay mo sakin na bulaklak?"

"hindi. Alam kong kulang pa yon."

"ok kalang ba? May lagnat kaba? Ano bang nakain mo? Bakit ka ganyan ngayon?"

"hindi ako kumain ngayon, nagmadali akong umalis nang bahay para lang mabigay sayo to."

"ok, kung ano man yan. Ibigay mo na."

"for you. I don't know, if maappreciate mo yan. Pero alam ko lahat ng babae na appreciate ang ganyan na bagay." saad ko sakanya at binigay ko na din yung necklace na dapat kahapon ko ibibigay

"jo-john. Grabe na yung nabibigay mo sa akin."

"you deserved it." tipid ko nalang na sagot sakanya

Kla's

"you deserved it." tipid na sagot niya

"hi-hindi john. Hindi ko deserve to."

"bakit?"

"grabe yung ginagawa ko sayo."

"hindi ako nasasaktan kla, kahit anong sungit pa ang gawin mo sakin kayang kaya kong tiisin yan. Hindi ako katulad ng ibang tao na kahit isang beses palang nasungitan suko agad. Hindi ako ganon kla. Gusto pa kita makilala ng husto."

"bakit?" tanong ko ulit sakanya

"dahil nga alam ko sa sarili ko na mabait ka talaga, kaya lang naman ganyan sakin kasi dahil don sa deal na ginawa ng parents natin. Sasamahan kita na kalimutan yon, para lang sa ikakasaya mo. Pwede naman tayo maging magkaibigan diba. Sabi mo yon. Tinatak ko sa isip ko yon." seryosong ani niya at hinawakan niya ang kamay ko

"tanggap kita kahit ano ka man, kung ganyan ka. Ok, titiisin ko. Kahit saktan moko, ok lang. Basta makakagaan sa pakiramdam mo. Kaya kalang ganyan kasi may problema ka, hindi lang about sa deal. Sa iba pang bagay." dugtong pa nito at wala parin akong masabi sakanya

"john." tipid na sagot ko nalang sakanya at hinigpitan ko pa ang hawak niya sa kamay ko

"bakit?" tanong nito

"kung ano man yang naiisip mo about sakin. Sana kalimutan mo nalang. Tsaka yung deal, hinahayaan ko nalang yon. Tanggap nalang talaga kita bilang kaibigan ko. Pero sa ganong bagay, i'm sorry. Ilang beses ko nang sinasabi sayo yon."

"tsaka, thank you sa necklace na bigay mo. Oo, naappreciate ko to. Sobra. Salamat." dugtong ko pa na ani sakanya

"oh pano, aalis na ako. Seeyou again when i see you." paalam nito at binitawan na ang kamay ko

"sige. Ingat ka ha. Thank you ulit." saad ko sakanya

"sige, bye." paalam nito at lumabas na siya ng office ko.

Pagkalabas nito ay napaupo nalang ako at bigla akong napaisip ng malalim. Sa lahat ng nakakasama ko, siya yung iba. Parang siya yung kayang tiisin kung ano nga ako. Actually, hindi naman talaga ako masungit. I just hate him. Pero sa ginagawa niya, pinapabago niya yung tingin ko sakanya. Grabe yung bait niya sakin. I just can't believe it na siya yung lalaking ganon. Ano bang nagawa ko sakanya, ano bang nararamdaman niya kapag magkikita kami o di kaya kakausapin nya ako. Sobrang boyfriend material niya. Kla, kumalma ka. Pag tumagal pa to ng tumagal, lalayuan ka din niya.

John's

Nandito na ako sa parking lot ng office nila kla. Hindi ko alam parang may naiisip ako na something eh. Hindi ko alam tong iniisip ko. Kapag siguro ginawa kotong iniisip ko baka masapak nya ako.

Gusto ko sana siyang kidnapin sa office nila ngayon, gusto ko din sana siya dalhin sa malayong lugar. Teka, parang may mas ganda akong naisip. Sumakay agad ako ng sasakyan at dumiretso ako sa mall para bumili ng handcuffs. Ihahandcuff ko ang kamay namin para hindi siya malayo sakin. Hindi ko alam kung tama ba to pero itutuloy ko na to.

Nang nabili ko na ang handcuffs, bumalik ako sa office nila at umakyat agad ako papunta sa office niya. Nang nakaakyat na ako, kumatok agad ako at ako na din mismo ang nagbukas ng pintuan niya

"hoy! Anong ginagawa mo dito!? Akala ko ba papasok kana!?" sunod sunod na tanong nito

"busy kaba?"

"hindi naman, bakit?"

"tara, kain tayo. Nagugutom kasi ako"

"pwede ka naman kumain na mag isa kalang diba!? Bakit isasama mo pako"

"basta, tara sumama kana sakin. Promise, libre ko."

"ok. Teka, kunin ko lang yung bag ko." tugon nito at bumaba na kami ng office niya

Nakasakay na kami sa sasakyan ko at dali dali kong sinuot sakanya ang handcuff na binili ko

"hoy! Bakit moko ginanito!?" galit na tanong nito

----------------------------

Arrange Marriage Where stories live. Discover now