Chapter 37

158K 6.3K 1.1K
                                    





Yasi

"Robi, what the fuck!"

I seethed when he accepted the video call. His eyes slowly went wide when he saw the mood in my face.

"Teka! Hindi ako may kasalanan!" Robi denied almost too quickly. "Si Livy pagalitan mo. Bakit ako na naman?!"

Sino ba naman ang hindi magagalit kung magse-send sila ng litrato ni Kiel na may make-up sa mukha?!

Nagsalubong ang kilay ko nang tawagin ni Robi si Livy. Ipinasa ata kay Livy ang phone. Next I saw was Livy's face on my screen.

"I'm sorry, okay?" Livy said guiltily. "Pwede mag-sorry?"

"Anong tingin niyo sa anak ko? Barbie?!" I massaged my temple. "Livy, gaga ka. Ni-lipstickan mo pa ng sobrang pula!"

She chuckled nervously and made a peace sign. Nagpa-cute pa, akala mo naman eepekto sa'kin!

"Tinanggal ko na pramis!"

I frowned when I saw a picture of Kiel pouting, showing off his super dark red lipstick. Napamura ako.

"Ginawa mong Anabelle ang anak ko, Livy. Tangina, sasabunutan talaga kita kapag umuwi ako," I groaned.

"Ihh! Sorry na nga, patawad na," Livy pouted.

"Bakit pati ikaw nasa bahay?"

"May chika nga kasi sana ako! Kaso may bagyo naman, walang pag-asang makaka-uwi ka ngayong gabi," she said.

At the back, I saw Robi opening my fridge in the kitchen. He took out some wine. And walang hiya, nagsalin sa baso niya at uminom ng walang pasabi.

Nailing ako nang sumungaw siya sa gilid at kumaway sa akin saka kinuha ang isang bottle ng wine at dinala sa kung saan siya pupunta. Ugh, that guy!

" 'Yung chika mo, tungkol kay Captain Esguerra mo, diba?" Nanghuhula lang naman ako.

And I think I'm right. Base pa lang sa pagsimangot ni Livy, alam ko nang tama ako.

"Talagang pag-uusapan natin 'yan pag-uwi ko!" I said and chuckled. "Sa ngayon, hindi muna ako makaka-uwi."

"Pa'no na anak mo? Kanina ka pa hinahanap. Nagtatanong na kung bakit ang tagal mo raw dumating," Livy informed me.

"Kaya nga," I sighed. Miss ko na anak ko.

"Tatawagin ko ba para makapag-usap kayo?" She asked worriedly.

I shook my head and took a glimpse of the three Engineers at the reception area. Naki-usap ako na i-book ako ng room para may tatawagan lang ako. Pumayag sila. I'm thankful for that.

Nandito ako sa may waiting area. I'm seated at one of the sofas. Mabuti na lang at leather kaya okay lang kung mabasa.

"Naka-uwi na ba si Tatay?" I asked. It's already past six p.m.

"Yes, he's talking to Kiel. They're at your living room ata," she shrugged. "Inaalo si baby sungit kasi hinahanap ka nga."

Oh, my baby Kiel.

Nagpaalam ako sa kanya kaninang umaga na uuwi akong late. So he's expecting me home. Except, I never thought na mamalasin ako ngayong araw. Naubusan na nga ako gas, inabot pa ako ng bagyo!

"Ako na lang tatawag kay Tatay. Kakausapin ko na rin si Kiel," I muttered. "It's risky to talk to him now since I'm with his Dad and Reeve's two friends."

His Personal Mistress 2 [18+] ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon