Chapter 2

351 31 22
                                    

Sana naging bula na lang ako kanina at naglaho na on the spot.

Shuta?

Hindi ko makakalimutan ang kakaibang tingin na binigay sa 'min ni Madam no'ng sinabi ng gagong 'yon na mag-ex kami.

Gusto kong i-drop na lang ang apartment. Gusto kong maghanap na lang ng iba. Pero pakshet, hindi puwede. Una, ako ang mas may karapatan sa apartment. Kung bakit, basta. Pangalawa, kapag ginive-in ko 'to, baka isipin ng ungas na affected pa rin ako sa existence niya. Baka isipin niyang hindi pa ako naka-move on sa kaniya. Eh, matagal naman na akong walang feelings sa kaniya. Oo, no worries, wala na talaga. Sapukin ko pa siya e.

Gabi na pala.

As usual, naglalakad ako pauwi. Last night ko na ngayon sa dati kong apartment, at bukas na bukas din ay lilipat na ako. Bahala na. Sisipain ko paalis ang gago kapag nag-insist siyang maki-share. Magdo-doble kayod ako kung kinakailangan para lang mabayaran ko nang buo ang upa.

Sumasakit na talaga mga paa ko. Ilang minuto pa siguro bago ako makauwi. Amoy usok na buo kong katawan. Pero 'di bale na, kahit haggard, pogi pa rin naman ako. Maayos pa rin akong tignan.

"Pst, pogi!"

Kita mo? Naglalakad lang ako pero may tumatawag na naman sa 'king chicks.

"Yes, babe?" sabi ko at lumingon sa pinanggagalingan ng boses.

"Anong babe? Mga kabataan talaga," 'ani isang ale. Ay pakshet. Akala ko chicks. Tindera pala ng sampaguita.

"Pasensiya na po inay," paumanhin ko.

"Oh siya, okay lang. Bili ka naman ng paninda ko pogi. Wala pa kasi akong masiyadong benta." Tinignan ko ang basket na dala ng ale. Marami pa nga siyang dalang bulaklak.

Kinapa ko wallet ko, pero naalala kong halos wala na pala iyong laman. Pero kinuha ko na lang lahat ng natitirang barya-barya at binigay sa kaniya.

"Pasensiya na po, 'Nay. Ito na lang po natitira kong pera. Naghanap po kasi ako ng apartment kanina," sabi ko.

"Ay, naku. Huwag kang humingi ng paumanhin. Malaking tulong na 'to. Maraming salamat, anak." Kita ko ang ngiti sa mga labi ni Nanay. At napangiti na rin ako.

"Hayaan niyo po, baka lumipat din ako sa compound na 'to. Kapag nagkataon, magiging regular buyer niyo na po ako," pangako ko sa kaniya.

"Napakabuti mo naman, anak. Nawa'y pagpalain ka pa lalo."

"Naku! Pinagpala na po ako sa kapogihan. Okay na po 'to."

Tumawa si Nanay. "Kayo talagang mga kabataan, mahilig magbiro."

Parang 'di maganda dinig ko ro'n ha.

"'Nay, 'di po 'yon biro. Hindi niyo po ba nakikita ang angkin kong kakisigan?" tanong ko at nag-"pogi sign" sa harap ng ale.

"Oo na, oo na. Oh siya, hindi na kita aabalahin at mukhang uuwi ka pa. Maraming salamat ulit," paalam niya.

"Salamat din po," sabi ko at kumaway bago tuluyang maglakad palayo.

Shuta.

Wala na talagang laman ang wallet ko. Pero okay lang. Magwi-withdraw na lang ako bukas bago ako lumipat. Tinignan ko ang oras sa cellphone ko. 10:34 PM. 'Langya. Aabutin pa yata ako ng hating-gabi rito sa daan.

Nagpatuloy ako sa paglalakad habang ina-alala ang mga kaganapan kanina. Pakingshet. Rumihistro ulit sa isip ko ang mukha ng animal na ex ko kuno. Kung paano niya ako tignan na para bang... na para bang miss na miss na niya ako. Kung paano niya i-anunsiyo ang dating relasyon  namin. Gusto ko siyang i-roundhouse kick. Gigil na gigil ako sa presensiya pa lang niya, paano na lang kapag naging roommate ko siya?

Akala ko wala ng isa-sama ang araw na 'to. Akala ko sapat nang nakita ko ulit ang bugok na 'yon. Pero how wrong I am. May imamalas pa pala.

Umulan.

At hindi lang basta ulan. As in todong ulan. Tumakbo ako at naghanap ng masisilungan. Mabuti na lang at may malapit na shed. Medyo nabasa ako pero hindi ko na ininda.

Sobrang lakas ng ulan. Kinapa ko cellphone ko para mag-hire na lang sana ng taxi, kasi imposibleng makauwi na ako sa lagay na 'to kung maglalakad lang ako. Pero, muntik ko nang maibato ang pakshet na gadget. Aba't ngayon pa na-lowbat?

Gusto kong umiyak. Pero hindi. Hindi umiiyak ang mga pogi, nakaka-panget. Shutang buhay 'to oh.

Umupo ako sa parang bench sa may shed. Wala akong choice kung hindi umasa at maghintay na may dumaang taxi o kahit ano.

Ilang minuto pa ang nakalipas na nakatitig lang ako sa kalye. May mga dumaraan naman, pero puro private car 'tsaka delivery trucks. Lamig na lamig na 'ko at gustong-gusto ko ng umuwi.

Hanggang sa isang itim na kotse ang tumigil sa harapan ko. Bumaba ang bintana ng sasakyan at dumungaw ang mukha ng isang demonyo.

"Going home?"

Bright. Hindi bagay sa kaniya ang pangalan niya. Kasi hindi naman siya maliwanag at maaliwalas tignan. Mukha siyang alagad ng kadiliman sa totoo lang.

"Wala kang pakealam." Tunog pakipot na dalaga na 'ko pero paking tape bahala na.

"Need a ride?"

"Tigilan mo 'ko."

"It'll probably take forever before a taxi arrives and the rain doesn't seem to be stopping so soon. Get in, I'll take you home."

"Hoy gago, kung inaakala mong madadaan mo 'ko sa mga pa-ganito mo, puwes nagkakamali ka. Mas gugustuhin ko na lang maghintay kahit ng broomstick ni Harry Potter kesa sumakay sa kotse mo!"

Pakshet talaga.

"You sure? It's already late. Alam mo naman sa area na 'to. Recently someone posted about seeing a bloody woman in a white dress. Her eyes were the color of blood and there was a nasty gash in her throat where blood is spewing non-stop."

Kung ina-akala niyo na matatakot ako sa kuwento niya at tatakbo ako papunta sa kotse –

Puwes tama kayo.

"Huwag kang tumawa."

"I'm not." I'm not daw pero ngiting-ngiti ang gago. "It's just fascinating that after all these years, the same thing still scares you."

Hindi na 'ko nagsalita.

Napaka-uncomfortable ng katahimikan. Nagsasalita lang ako kapag nagbibigay ng direksiyon. Pagkatapos, wala na. Tanging mahinang tunog lang ng ulan na tumatama sa bubong ng kotse ang naririnig.

"How are you?" Binasag ni Bright ang katahimikan.

Hindi ko alam kung ano isasagot, o kung sasagot ba ako. Tatlong salita, isang simpleng tanong, pero ilang daang emosyon at ala-ala ang napalabas nito mula sa 'kin.

Kamusta ako? Hindi ko rin alam.

"Okay lang."

"That's nice to hear." Hindi ko ma-distinguish kong anong tono ng boses niya. "Win, I just wanna say I'm sorry. I'm sorry –"

"Bright."

Please, tumigil ka ng pakshet ka. Hindi ko alam pero ayokong pakinggan kung ano man ang sasabihin niya.

"Sorry," malumanay na sabi ni Bright. Pagkatapos, hindi na siya nagsalita.

Ilang minuto pa, sa wakas nakarating na kami sa apartment ko. Inalis ko ang seatbelt at dali-daling lumabas. Hindi na ako nakapag-thank you o nagpaalam man lang. Hindi ako lumingon at agad pumasok sa bahay. Isasara ko na sana ang pinto pero isang kamay ang pumigil sa 'kin.

"Win." Gago talaga 'to. "Let me sleep here tonight."

Pakshet!

_

Thank you for reading. Updates will be weekly (hopefully)

Please follow me in Twitter @JasMariano0

The Ex ValueWhere stories live. Discover now