Chapter 7

301 20 9
                                    

"I like you, Win."

"H-ha?"

"I said I like you."

Hindi ko alam kung tatawa ba ako o babatukan ko si Bright. Kanina pa niya sinasabi ang mga katagang 'yan.

Dahil sa sobrang kalasingan, hindi pa man natatapos ang Truth or Dare game namin kanina, hinila ko na siya pabalik ng quarters para magpahinga. Halos 30 minutes na rin kaming nandito. At paulit-ulit lang niyang sinasabi na gusto niya 'ko.

Shuta. Dala ba to ng kalasingan o nagda-drugs talaga siya gaya ng sabi ni Andres?

"High ka ba?" tanong ko at lumayo konti sa kaniya.

"What do you mean?"

"Naka-drugs ka ba 'ka ko?"

"No."

"Buti nam-"

"But I'm addicted to you."

"Tangina mo matulog ka na," dali-dali kong sabi at akmang lalabas na ng kwarto pero marahas akong hinila ni Bright at sa isang iglap, nakahiga na ako sa kama at na sa taas ko na siya.

"G-gago pre bitawan mo 'ko," utos ko at nagpumiglas. Pero mas malakas siya nang hamak.

"Don't resist, please. You're making me crave for you more," anas niya at unti-unting nilapit ang mukha niya sa 'kin.

Putagina. Ano ba'ng nangyayari dito sa lalaking 'to?!

Nagpatuloy lang ako sa pagpupumiglas pero hindi pa rin siya tumitigil at ngayon, ilang sentimetro na lang ang pagitan ng mga labi namin.

"I like you so much, Win." Iyon ang mga katagang narinig ko bago tuluyang maglapat ang mga bibig namin.

Libo-libong emosyon ang para bang sabay-sabay sumabog sa kalooban ko. Hindi ko maipaliwanag. Ilang babae na rin ang nakahalikan ko pero wala sa kanila ang nagbigay sa 'kin ng ganitong pakiramdam.

Ano 'tong nararamdaman ko?

Bago ako tuluyang malunod sa sensasyong iyon, tinulak ko si Bright gamit lahat ng lakas ko at nahulog siya mula sa kama. Akala ko tatayo siya agad pero hindi na siya gumalaw.

"H-hoy gago! Huwag mo 'kong tulugan!" sigaw ko at bumaba sa sahig. Niyugyog ko ang balikat niya, tapos ulo, lahat na, pero hindi nagigising ang gago. "Magpaliwanag ka sa 'kin ungas ka! Ba't mo ginawa 'yon!"

"Bright!" Para akong mawawala sa katinuan. "Bright, gising!"

"Gising!"

"Win, gising!"

Isang sigaw ang gumising sa 'kin at tumapos sa kahindik-hindik na panaginip ko. Shuta naman oo. Pati ba naman sa panaginip hindi ako pinapatihimik ng taong 'yon?

Bumungad sa 'kin ang nakangising mukha ni Andres. Kung minamalas ka nga naman, pati sa labas ng dreamland ko may bangungot pa ring nakabuntot sa 'kin.

"Buti naman nagising ka na. Akala ko ayaw mo na gumising eh. Puro ka 'Bright, tigil', 'Bright, gising'," sabi ni Andres at humalaklak pagkatapos. "Tindi ng wetdream mo vro!"

"Gago!" sigaw ko at binato siya ng unan. "Ano bang ginagawa mo dito? Aga mo mambulabog."

"Ha? Hindi mo alam?" tanong ni Andres.

"Kung alam ko tingin mo ba magtatanong pa ako sa sa 'yo?" pabalang kong sagot at nagsimula ng mag-ayos sa kama. Wala akong mapapala kakausap dito sa itlog na 'to. Mabuti ng mag-ayos na 'ko at maghahanap na naman ako ng trabaho mamaya.

The Ex ValueOù les histoires vivent. Découvrez maintenant