Chapter 14

435 15 10
                                    

WIN

Pauwi na kami ng apartment.

"Kami" kasi kasama ko si Bright. Nagpresinta siyang ihatid na ako. Tumanggi pa ako no'ng una, pero na-realize kong late na pala at baka mahirap na ako lng maghintay ng masasakyan. Ayoko namang maiwan sa madilim na store na 'yon.

"You okay?" Biglang nagsalita ang katabi ko. Ang awkard sa loob ng kotse kasi wala man lang musika at hindi naman kami nagu-usap ni Bright.

"Oo. Salamat ulit." Ma-pride akong tao, pero marunong ako magpasalamat sa mga taong deserve naman ng pasasalamat ko. Baka kung hindi dumating si Bright kanina, nawalan na 'ko ng buhay do'n.

Simula pagkabata, takot na 'ko sa dilim. Hindi ko rin alam pero sabi ng nanay ko, may nangyari daw noon ta's 'yon na, may phobia na ako. Ayaw naman niyang sabihin kung ano 'yon. Basta kapag na sa dilim ako, hindi ako nakakahinga nang maayos at nawawala talaga ako sa 'wisyo.

"You don't have to thank me. I should be the one apologizing for coming almost late."

Shuta. Huwag mo akong dramahan, Bright. Thankful ako sa 'yo pero di ibig sabihin na kakagat na 'ko sa mga linyahan mo.

"Sabi mo eh," sagot ko na lang.

Hindi na ulit kami nag-usap pagkatapos. Hanggang sa tumunog ang cellphone ko.

"Hello," bati ko sa kabilang linya. 'Di na 'ko nag-abalang tignan ang caller ID.

"Winnie my love!" sa sigaw pa lang, alam ko na agad kung sino 'to. "Are you okay? Are you fine? Are you hurt? I'm so sorry, Winnie!"

Natawa ako sa ka-OA-han ni Sisa.

"Okay na 'ko," sabi ko.

"I'm sorry bakla, akala ko naayos na 'yong generator sa store. Hindi ko naman alam na mago-overtime ka ngayon para sana pinaayos ko ng maaga. I'm sorry my friend, I failed you," lintaya niya at nagi-iyak pa.

"Kailangan ko ng compensation," biro ko.

"Ay?" biglang nag-iba ang tono ng boses ni Sisa. "Okay ka naman na pala friend. Sige, bye na ha, may gagawin pa pala ako."

Shuta. Hindi ko napigilang mapatawa na lang. "Wala talagang makaka-budol sa 'yo."

"Naman," sagot niya. Nag-usap pa kami sandali bago tuluyang magpa-alam si Sisa.

Hindi na ako nagtanong kung pa'no niya nalaman ang nangyari, kasi may hula naman na ako kung sino nagsabi sa kaniya.

Muling namayani ang katahimikan. Dahil nao-awkward-an pa rin ako sa nangyari kanina, sinubukan ko na lang magpatugtog ng music.

Pinindot ko ang button para sa radyo ng kotse. At shuta, muntik na 'kong masamid dahil sa kantang nag-play.

"Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig,
muling pagbigyan ang pusong~"

Natatarantang pinindot ko ang next button at nalaglag ang panga ko kasi mas malala na naman ang sumunod na tumugtog.

"Can we go back to the days
our love was strong,
Can you tell me how a perfect
love goes wrong~"

Sa sobrang hiya at inis, pinatay ko na lang ang radyo at tumingin sa labas ng bintana. Rinig kong natatawa si Bright pero pinipigilan niya kasi alam niyang babangasan ko talaga siya 'pag inasar niya 'ko.

Sa wakas, natapos ang ilan pang minuto at nakauwi na rin kami.

Nauna akong lumabas ng kotse at si Bright naman, nagpark muna. Papasok na sana ako sa loob pero nakuha ang atensiyon ko ng malakas na music galing sa bahay ni madam. Ano'ng trip niya at gabing-gabi ay nagja-jamming pa rin siya?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 09, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Ex ValueWhere stories live. Discover now