Chapter 4

332 29 15
                                    

"Kaliwa, kanan? Saan kaya maganda isabit 'to?"

Naga-ayos ako ngayon dito sa lilipatan kong apartment. Isa sa mga dinala kong gamit ay ang painting ng mukha ko na regalo sa 'kin ng isa kong... kaibigan.

"Isabit mo sa may CR total mukha namang inidoro 'yang nasa painting."

Kahit hindi ako lumingon alam na alam ko kung kanino galing ang boses na yon. Siya lang naman ang may lakas ng loob alaskahin ako. Siya lang ang nagi-isang nilalang dito sa mundo na walang takot sa kamatayang pwede kong ibigay sa kaniya.

Pinulot ko 'yong alarm clock na nasa harap ko at ibinato sa taong 'yon.

"Oops!" Sa kasamaang palad, madali niya iyong nasalo. "Tumatanda ka na yata, kuya Wen. Humihina na mga bato mo." At tumawa siyang parang baliw.

"Anong ginagawa mo rito, Andres?"

Oo, kasing bantot niya ang pangalan niya.

"Don't call me that, baby. Call me Andrei," sabat ng gago at madali akong inakbayan. "Siyempre nandito ako para tulungan ka sa paglilipat. You know how helpful of a friend I am."

"Andrei mo mukha mo. 'Tsaka anong tulungan, parang mas kumalat nga nong dumating ka," singhal ko at inalis ang naka-akbay niyang kamay.

"Ouch naman, baby Wen. Why you hurt me like that?" sabi niya at ngumuso. 

Hindi ko na lang pinansin. Baka kung ano pa magawa ko, makasuhan pa ako ng animal abuse.

Kung nagtataka kayo kung sino 'tong reptilian na lalaking to, siya si Andres Anderson. Barkada ko simula college. Gaya nga ng kasabihan, birds of the same feather flock together. Kaso itong isang 'to, ibang klaseng ibon yata to. Nagmumukhang mabait na bata ang pinakagagong estudyante noon kapag itinatabi sa kaniya.

"Ano'ng maitutulong ko, senyor? Nais mo bang magbuhat ako ng iyong mga kagamitan?" Biglang sumulpot si Andres sa likod ko.

"Gusto mo talagang tumulong?" tanong ko.

"Yes, sir!" sigaw ng ungas with matching saludo pa.

"Sige. Punta ka sa kwarto. Diyan sa may malaking tsek mark. Tapos buhatin mo yung malaking aparador. Ilipat mo sa kabila. Pagtapos, kunin mo tong bago kong cabinet, ito ipalit mo do'n," utos ko at pinagtabuyan na siya.

"'Yon lang ba?"

"Oo alis na."

"Aye aye, captain!"

High yata to.

Nagbalik na lang ulit ako sa paga-ayos ng mga gamit dito sa sala. Mga picture frame na walang laman, diretso sa basurahan. Bukod sa mukha kong kay kisig, wala ng mas deserving pang i-display dito.

"Aloha!" Nabasag yata 'yong salamin ng picture frames dahil sa tinis ng boses ng kung sino mang talipandas na bagong dating.

"Put–"

"Sige, ituloy mo! Ituloy mo! Murahin mo 'ko!" Hindi natuloy ang malutong kong mura dahil sa biglaang pagsabat niya.

"Sisa?!" bulalas ko. "Nandito ka rin? Anong masamang hangin ba ang nalanghap niyo at nandito kayong dalawa?"

"What do you mean? Sino pa ang nandito?" tanong ni Sisa at tuluyang pumasok.

Kung si Andres ang hari ng ka-walanghiyaan, itong babaeng nasa harap ko ngayon ang reyna.

Syrid Santos, o mas kilala bilang Sisa (siya rin nagbigay sa sarili niya ng pangalan na 'yan). Kababata siya ni Andres. Kahit hindi namin siya kapareho ng kurso noon, nagawa naming maglaan ng panahon para magkita-kita at maging matalik na magkakaibigan. Ako, si Andres, Sisa, 'yong isa pang babae na huwag na nating pangalanan, at "siya". Lima kami noon sa barkadahan.

The Ex ValueWhere stories live. Discover now