Chapter 12

202 19 5
                                    

"Bright, maniwala ka naman sa 'kin. Alam mong hindi ako magsisinungaling sa 'yo." pagmamakaawa ko sa kaniya.

Paulit-ulit lang siyang umiling.

"Alam ko, mahirap paniwalaan, pero 'yon ang totoo. Kailangan ko ng tulong mo, Bright. Please, ako naman ang paniwalaan mo ngayon."

Unti-unting umagos ang mga luha ng lalakeng na sa harapan ko. Sa bawat patak, ramdam ko ang sakit at ang pagkalito niya.

"I'm sorry, Win." Tatlong salita. Tatlong salita lang 'yon pero parang dinurog ng paulit-ulit ang puso ko.

Marahas niyang tinanggal ang pagkakahawak ko sa kamay niya.

"I won't let you do this. My father... my dad. He can't do that!" Ang bawat katagang sinasambit niya at tila lason sa aking pandinig. Sa huling sandali, nais ko siyang yapusin. Gusto kong sabihin na ito ang katotohanan, at kahit masakit, dapat niya itong tanggapin.

Ngunit noong akmang lalapitan ko siya, humakbang naman siya patalikod. Tinignan niya ako gamit ang mga puno ng luha niyang mga mata, at sa mga sandaling 'yon, alam kong wala na.

Tinanggal niya ang kwintas na bigay ko sa kaniya. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Tinignan ko lang kung paano niya bitawan ang kwintas, tumalikod, at naglakad palayo nang hindi na lumingon kahit isang beses lang.

Tumayo lang ako doon, nanginginig, at hinayaang bumuhos ang mga luha. Sa mga sandaling 'yon, parang tumigil ang mundo, at ang tanging gumagalaw lang ay ang puso ko. Dinig ko ang bawat kabog nito, at sa bawat pintig, may kasama itong kirot.

Bakit ito nangyayari?

Gamit ang nanginginig na mga paa, nilapitan ko ang kwintas at dahan-dahan itong pinulot.

Sa mumunting sinag ng liwanag na galing sa bintana, at sa bawat butil ng luha na pumapatak dito habang ito'y hawak ko, tila ba nagniningnig ang hugis buwan na pendant ng kwintas.

Hanggang sa tuluyan na siyang mawala sa paningin ko, wala akong nagawa kung hindi umiyak na lang at isispin kung ano'ng maling nagawa ko at nangyayari sa amin lahat 'to.

"Sa 'kin ang share niya sa apartment."

"Sa 'kin 'yong savings niya."

Hinang-hina ako pero dinig ko ang usapan nila. Ramdam kong may konting basa sa gilid ng mga mata ko. Ano ba naman kasing panaginip 'yon.

"Perfect. Pero, may last will and testament ba siya? Parang wala naman."

"Tanga tanga mo talaga. Mas mabuti na nga 'yong wala. Tapos tayo na lang gagawa."

Mga depungal. Hindi pa ako mamamatay shuta kayo. Gusto ko silang pag-umpugin dalawa pero tanging pag-ungol lang ang nagawa ko.

"Did you hear that? Win groaned!" Si Sisa. Hintayin mo talagang makabawi ako ng lakas, babatukan kita.

Unti-unti akong nagdilat ng mata pero parang gusto ko na lang pumikit ulit dahil sobrang liwanag ng paligid.

"Gising na siya!" sigaw ni Andres.

"Disappointed ka?" sabi ko gamit ang garalgal at nanghihina ko pang boses. Tanda ko ang nangyari. Galing ako sa karinderya, nakasalubong ko si Bright, at may narinig kaming mga sigaw. May hinahabol sina Cristy na magnanakaw daw. Hinabol namin siya, pero sa kamalasmalasan, nabangga ako ng isang kotse. Hanggang do'n lang ang alam ko.

Tinulungan muna nila akong umupo at si Sisa, lumabas para tawagin 'yong doktor. Naglibot ako ng paningin at nakita kong hindi lang tatlo ang tao dito. Nandito rin si Cristy at ang babae na 'yon.

The Ex ValueWhere stories live. Discover now