Chapter 6

278 22 8
                                    

"Bright? Ano'ng ginagawa mo dito?"

Imbes na sagutin ang tanong ko, dire-diretso lang siyang naglakad papunta sa 'min at hinablot ako mula kay Devin.

"Let me take care of him," matigas nitong utos sa binata.

Kung may natitira pa akong lakas, magpupumiglas sana ako at aalisin ang kamay niyang naka-alalay sa 'kin ngayon. Anim na taon. Anim na taon ding hindi kami nagkita o nagka-usap man lang ni Bright pero ang lakas ng loob niyang hawak-hawakan ako ngayon. Sa loob ng anim na taon na 'yon, aaminin kong nangulila ako nang husto sa mga ganitong paghawak niya. Pero hindi na ngayon

"B-bitawan mo 'ko," mahina kong pagpo-protesta.

"I'll take you to the hospital." Nagsimula na siyang maglakad papunta sa direksiyon ng kotse niya.

"Hoy pare teka, sino ka ba? Sinabi na nga ng taong bitawan mo siya eh." Nasa harap na namin ngayon si Devin at nakikipagtitigan siya kay Bright.

"Move," matigas na utos ng lalakeng may hawak sa 'kin.

"Hangga't 'di mo sinasabi kong sino ka at sa'n mo dadalhin tong taong 'to, hindi ka makaka-alis," sabi ni Devin at tinuro pa ako. Wow ha. "Taong 'to" talaga ang pinangalan niya sa 'kin.

"I'm his boyfriend." Kita kong agad nawala ang matigas na ekspresyon sa mukha ni Devin. "Now if you don't want this person to die right here, move."

Unti-unting pumagilid si Devin at hinayaan si Bright na igiya ako papunta sa kotse. Marahan niyang binuksan ang pinto at pinaupo ako sa loob.

"Hindi ko kailangan ng ospital," protesta ko pa rin at akmang lalabas ng kotse pero agad itong sinara ni Bright. Madali siyang pumasok din at ni-lock ang mga pinto.

Kanina snatcher, ngayon kidnapper naman?

"Don't be stubbon, please. You look like shit and you need to be treated right now."

Hindi pa rin talaga siya nagbabago. Bigla-bigla ka na lang niyang lalaitin sa gitna ng isang maayos na usapan.

"Win."

"Hmm?"

"You look like a malnourished donkey."

"Put–"

"I love donkeys."

Hindi sinasadyang napangiti ako nang mapait dahil sa biglang flashback ng isang usapan namin noon.

"Are you that happy that I'm taking you to the hospital?" Nawala agad ang ngiti ko.

"Gago."

Hindi na kami nag-usap pagkatapos no'n. After 20 minutes ng pagda-drive, nakarating na kami sa ospital. Alam ko agad na dito ang workplace ni Bright kasi pagpasok namin, binati siya ng ilang nurse at doctor.

May mga tinawag siyang nurse at may mga kinausap siyang tao, pagkatapos, hindi ko namalayan na sa hospital bed na ako at ginagamot lahat ng sugat na natamo ko. Nakamasid lang si Bright buong oras at hindi ko alam kung ano'ng tumatakbo ngayon sa isipan niya.

After almost one hour and half, tapos na akong gamutin at lahat ng benda at patches ay nalagay na.

"Thanks, Doc Martinez," pagpapasalamat ni Bright sa doctor. Magkakilala yata sila. Pero pamilyar ang apilyido niya.

"You don't have to thank me, kid." Aba, ngayon ko lang narinig na may tumawag na "kid" sa ugok na 'to. Sino kaya 'to?

"By the way, who is this? Your friend?" tanong bigla no'ng doktor.

Tinignan muna ako ni Bright bago sumagot. "No. Just some random stranger I found in the streets."

Aba, gago 'to ah!

The Ex ValueWhere stories live. Discover now