Seventeen Years Gap

89 6 0
                                    

Ahron POV

Twelve years na ang nakalipas simula na maikasal si Ate kay Kuya Reign.

Twelve years na rin hindi nagpaparamdam si Vikky sa 'kin kahit man lang ang anak ko ay hindi pinapakita sa 'kin. Wala rin ako balita sa kanila.

Nasaan na kaya sila? Bakit iniwan na lang ako ni Vikky? Hindi man lang sinabi sa 'kin kung ano ang dahilan.

Ano ba ang ginawa kong kasalanan? Bakit parang ang bilis naman nila ako iwan?

Nandito kami ni Friiya sa canteen. Para mag-lunch si Friiya ang nag-prisinta na mag-order na lunch namin. Dahil baka makabasag na naman ako ng plato katulad na nga nakaraang araw.

"Iniisip mo pa rin ang mag-ina mo?" Tanong ni Friiya na kakarating lang sa pagbili ng pagkain

Agad naman niya nilapag sa table at umupo na rin siya sa tapat ko.

"Hindi sila kailanman nawala sa isip ko"

"Sana all" ngiting sabi ni Friiya

Susubo na sana ako ng pagkain. Na biglang

Cringg

"Excuse lang Friiya" paalam ko

"Sige lang"

Tumayo na ako at kinuha ang cellphone na nasa bulsa ko.

Si Tita Sharley ang Mommy ni Vikky.

Bakit kaya?

Agad ko naman ito sinagot.

Bold (ako) Italic (Tita Sharley)

"Tita"

"Iho"

Nakaramdam agad ako ng kaba dahil sa tono ng boses ni Tita.

Umiiyak si Tita.

"Pasensya na kung na abala kita"

"Ayos lang po, wala naman po akong ginagawa"

"Kailangan ka ng anak at apo ko"

"Tita"

"Alam kong magagalit ang anak ko kapag nalaman mo ang tungkol dito"

"Tita"

Mas lalong bumilis ang kabog ng puso ko.

"Nasa hospital ang anak ko"

"Nag-50/50 siya Iho"

Dito na nag-simula tumulo ang luha ko.

Naramdaman ko na nanginginig na rin ang kamay ko.

"Hindi po maganda ang joke niyo Tita"

"Hindi ako nagbibiro"

"Totoo ang sinasabi ko"

"Pumunta ka na dito sa hospital"

"Nandito ang anak mo"

"Text ko na lang sa 'yo kung saang hospital"

"Magpakatatag ka Iho"

Pinatay na ni Tita ang linya at binaba ko na rin ang cellphone. Binigay ni Tita ang address ng hospital.

Tumakbo na ako papunta sa gate.

"Ahron" narinig kong sigaw ni Friiya

Pasensya na Friiya kung basta na lang ako tumakbo. Kailangan ko puntahan ang mag-ina ko.

J. B. S. A. E Series CharactersWhere stories live. Discover now