Heaven Can Wait

17 3 0
                                    

Haword POV

"Tumawag si A, nasa hospital sila" sabi ni F

"Nanganak na si Ellaine?" Takang tanong ni K

"Baliw, nasaksak si Alice" sagot ni F

"Paniguradong galit na galit si Prince"

"Mabuti na lang nandoon sina King at Queen may pipigil kay Prince" sabi ni I. J

"Si Ellaine? Kasama na rin ba nila?" Alalang tanong ni G

"Sinabi ko na sa 'yo tigilan mo na si Ellaine, maghanap ka na lang nag-iba" sabi ni K

"Tinatanong ko lang naman kung kasama na nila, nag-aalala lang ako" sabi ni G

"Magkasama na sila" sagot ni F

"Bakit tahimik ka H? May problema ba?" Tanong ni I. J

"Paano magpa-amo ng babae?"

Bigla sila napatingin sa 'kin at tumawa ng malakas.

"Hahaha" walang tigil sa katatawa si K

Bwiset ang isang 'to, palibhasa hindi pa nagmamahal.

"Bakit bigla kang nagka-interes? Huwag mong sabihin na inlove ka?" Tanong ni I. J

"Masarap kasi mainlove at magmahal" sabi ni F

"Masungit at mataray siya kapag nakikita niya ako"

"Baka naglilihi lang siya, ikaw ang pinaglilihian" sabi ni G

Siguro nga ako ang pinaglilihian niya pero likas sa babae ang pagiging masungit at mataray. Baka ganoon lang talaga siya.

"Subukan mo siyang kausapin na maayos" sabi ni K

"Maayos akong kausap pero siya 'tong magulong kausap"

"Ano ka ba H? Konting intindi naman sa kanya, mahal mo siya di ba?"

Tumango naman ako bilang sagot sa tanong ni F.

"Kaya intindihin mo siya, katulad namin ni Vien parehas namin ini-intindahan ang isa't-isa para hindi masira ang relasyon namin" 

"Bravo bravo Fuzzy Walle bravo" palakpak na sabi ni K

"Akalain mong may alam ka pa lang ganyan, akala ko ay panay babae lang ang alam mo" sabi ni I. J

Tumayo naman ako.

"Aalis muna ako, kailangan ko siyang puntahan"

"Paghinanap ako ni A, paki-sabi may importante akong pinuntahan"

Aalis na sana ako na biglang nagsalita si F.

"Galingan mo magsuyo H, konting pag-intindi lang"

Hindi na ako nagsalita at tinuloy ang paglalakad diretso sa garahe.

Pumasok na ako sa kotse at binuksan ng security guard ang gate, pinaandar ko na ang kotse.

Sinukan kong tawagan si Sellah ngunit hindi niya sinasagot.

Talagang ayaw niya sagutin.

Ilang oras ay nakarating na ako dito sa Pampanga.

Ngayon ay nandito ako sa harap ng condo unit ni Sellah.

Tok Tok Tok

"Sino 'yan?"

Hindi ako sumagot sa kanyang tanong.

J. B. S. A. E Series CharactersWhere stories live. Discover now