You are the Light of My Life

27 3 0
                                    

Samantha POV

Ilang buwan ang nakalipas simula na mawala si Franco.

Habang buhay na yata ako lalandiin ni Donald Duck.

Bwisit! Bakit ba kasi hindi ako nilulubayan ng baklang 'to?

Nandito ako ngayon sa isang parke kaya lang nasundan ako ng garapata dito habang ako nakaupo sa bench siya naman ay naglalaro sa mga bata.

Isip bata pa ang baklang 'to. Sabi ko habang nakatingin sa kanya

"Ate" kulbit ng isang batang lalaki sa 'kin

Hindi ko namalayan ang paglapit ng batang 'to.

"Bakit?"

Inabot niya sa 'kin ang isang cotton candy at mineral water.

"Pina-bibigay po ni Kuya Arnold"

Arnold?

Tumingin naman ako kay Donald na eksaktong nakatingin at nakangiti sa 'kin.

Arnold pala ha!

Tinanggap ko naman ito.

"Salamat"

Bumalik na ang bata sa paglalaro at ako naman ay kumakain ng cotton candy.

"Hoy! Tomboy" sigaw ni Donald

"Sarap ng kain natin ah!" Ngising sabi niya

Loko 'to ah! Ang dami tuloy nakarinig baka akalain nila na tomboy talaga ako.

Umupo si Donald sa tabi ko at inakbayan ako. Agad ko naman inalis ang pagka-akbay niya.

"Ano ba! Iyong pawis mo" iritang sabi ko

"Punasin mo" sabi ni Donald

"Magkamay ka naman, Bakit hindi mo gamitin?" Inis na sabi ko

"Ang sungit mo naman" sabi niya habang nagpupunas ng pawis

"Ang bakla mo naman" bulong ko

"Anong sabi mo?"

Huwag mong sabihin na narinig niya ang sinabi ko?

"Wala"

"Kailan ka pa naging Arnold?"

"Ikaw kaya si Donald Duck"

"Tuwang-tuwa ka na naman?" Sabi niya

Ngumiti naman ako sa kanya.

"Bumalik ka na sa paglalaro"

"Gusto ko dito...katabi ka" sabi ni Donald

"Paano naman ako? Ayaw kitang katabi"

Inakbayan niya ulit ako at pilit ko ito inaalis kaso ay ayaw maalis.

"Huwag mo ako susungitan Tombs lalo kita nagugustuhan"

Palihim ako lumunok.

Tombs? Saan nanggaling 'yon?

Naalala ko ang sinabi niya sa 'kin.

"Hoy! Tomboy" sigaw ni Donald

"Sarap ng kain natin ah!" Ngising sabi niya

Tomboy, Tombs. Napaka-galing talaga mag-isip ng Baks na 'to.

"Ay mali"

"Lalo kitang minamahal"

J. B. S. A. E Series CharactersWhere stories live. Discover now