Bee My Honey

14 3 0
                                    

Gian POV

Nakakalungkot isipin dahil ang first love ko ay kasal na.

Pero kapag nakikita ko na ngumingiti siya dahil kay A, aaminin ko napapangiti na rin ako sa kanya dahil nakikita ko na masaya siya sa lalaking mahal niya.

"Bakit ngayon lang kayo? Kanina pa kami naghihintay dito?"

"Pasensya na po Mom, traffic po kasi alangan naman po paliparin ko ang kotse" sabi ni Kian

"Kung paliparin kaya kita ng sandals?"

"Ito naman si Mom, binibiro lang naman po kita" akbay ni Kian kay Mom

"Anong nangyari sa 'yo Gian? Bakit may eyebag ka?"

"Busy lang po ako sa trabaho Mom, kulang lang po ako sa tulong" sagot ko

"May girlfriend na ba kayo?"

Parehas kami umiling ni Kian bilang sagot.

"Aba! Bakla ba kayo? Bakit wala pa?"

"Gusto ba ninyo tumandang binata? Ako na mismo magsasabi sa inyo, mahirap tumanda mag-isa"

"Ano ka ba Mom, sayang naman ang kagwapuhan ko kung hindi ako magpapadami ng lahi" sabi ni Kian

"Kaya nga, kung ako sa inyo huwag na kayo mag-girlfriend"

"Mag-asawa na agad kayo"

"Pumasok na tayo sa loob kanina pa tayo hinihintay"

Sabay kami pumasok sa loob ng hacienda.

Sumalubong sa 'min sina Tita Novie, Tito Nike, Dad at si Nicole.

"Ang tagal ninyo Day" sabi ni Dad kay Mom

"Hinintay ko pa sina Kian at Gian sa labas"

"Traffic po kasi Dad" sabi ni Kian

"Alam mo ng traffic pero hindi kayo umalis ng maaga, ang tagal-tagal mo na nagmamaneho Kian hindi ka pa rin natututo"

"Nakatulog kasi silang dalawa ni Gian, hindi nila namalayan ang oras Day. Galing kasi sila parehas sa trabaho" pagtatakpan ni Mom sa 'min ni Kian

Kapag si Dad ang magsasalita parehas kaming tiklop ni Kian.

Kahit na parehas kaming Mafia ay hindi na namin igagalang sina Mom at Dad, hindi kami ganoon ni Kian.

Siniko ako ni Kian kaya napalingon ako sa kanya. Sumenyas siya na tingnan ko si Nicole, nahuli ko na nakatingin sa 'kin si Nicole.

"Pumasok na tayo sa loob para makakain at makapag-gala na rin kayo dito sa hacienda" sabi ni Tito Nike

Agad naman kami sumunod kina Tito Nike. Habang nakasunod kami ay mas pinili namin ni Kian na humuli sa kanila.

"Halatang mahal ka pa niya" tukoy ni Kian kay Nicole

"Tumigil ka" sabi ko

"Bagay kayo"

"Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig"

"Walang kami, walang ibabalik at mas lalong-lalo na walang tamis ng pag-ibig" sabi ko

"May gusto ka sa kanya di ba?"

"Dati 'yon, hindi ngayon" sabi ko

Pagkasabi ko ay tumakbo papalapit kina Mom.

Pagkatapos kumain ay nag-simula na samahan ni Tito Nike sina Mom at Dad sa paglilibot.

J. B. S. A. E Series CharactersWhere stories live. Discover now